I Dedicate this to my fellow Exotic!! Hehe! Love rin niya po ang Isa kong Baby na si SEHUN^_____^
*JENNY's P.O.V*
Maaga akong nagising ngayon. Bakit? Eh kasi naman gusto kung magluto para kay Angelo. Ayieh!! Kaso hindi ko alam mag-luto-____-
"Nak! Bakit ang aga natin ngayon?" Tanong ni Mama. Papasok na ata sa work! Teacher po ang Mama ko kaya early siya palagi.
"Hindi naman po! Gusto ko lang po mag-luto!"
"Mag-luto? Hindi ka naman marunong mag-luto ah! Haha!"
Kfine! Palagi nalang akong pinagtatawanan ng lahat. Sumimangot naman ako! Tinuruan parin ako ni Mama mag-luto! Love kasi ako ng Ina ko. Hehe!
"Oh? Bat ang aga mo?" tanong ni Papa na kagigising palang.
Tinulungan narin ako ni Papa mag-luto. Habang nagluluto kami pinagtritripan pa nila ako, dahil ang aga ko ngayon! Ano naman ang problema nun? Dapat nga sila maging proud dahil super early ko ngayon.
Nagpaalam na si Mama sa amin. Kami nalang ni Papa ang nagpatuloy sa pagluluto. Hotdog at Eggs nga lang naman pero from the heart ang paggawa ko niyan. Joke namin pala. Hehe! Pinapunta na ako ni Papa sa kwarto ko. Naligo at nagbihis na rin ako. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko. Nang Humarap ako nakita ko ang pinakamamahal ko nasi Angelo na nakaNgaNga at ang mga mata ay nanlalaki. Ano ang problema nito? Sinira ko ang baba niya at nagsalita.
"Anong problema?" Tanong ko.
Kinusot-kusot niya ang mata niya."Jenny? Ikaw ba yan?" Tanong niya habang hinahawakan ang balikat ko.
"ARAY!!" Sigaw niya.
"Tsk!" sabi ko. Alam niyo ba kung ano ang ginawa ko? Binatukan ko lang po siya. Naglakad na ako papuntang kusina. Nasa tabi ko na si Angelo. Naka-pout nanaman siya.Ugh=___= Bat' ang pogi niya?
"Pikon naman agad!" Sabi niya.
"Hindi ako agad napipikon!"
Hinigit niya ang kamay ko at yinakap ako O_____O Gusto kung umalis pero ayaw ng katawan ko at puso ko. Feel at home kasi silang dalawa. TSK!
"Angelo! Baka makita tayo ni Papa!" Bulong ko.
Tumingin siya sa akin at nag-pout nanaman. "Eh? Ang layo pa natin sa kusina niyo. 1min lang, Please?" sabi niya.
Ngumiti nalang ako at yinakap rin siya ng mahigpit. Eh! No choice mahal ko tong' lalaking to.
*Cough*Cough*
Bumitaw kami sa pagkayakap namin. Nasa likod lang pala namin si Papa. Yumuko ako at naglakad papuntang kusina.Nakakahiya>/////////////////////< Sumunod na din sila sa akin. Kumain na kami at walang nagsasalita. AWKWARD!!
"Ah! Tito sarap talaga ng luto niyo!" Sabi ni Angelo.
"Hindi ako ang nagluto niyan, si Jenny yan Ijo!" sabi ni Papa
Tingnan ako ni Angelo. Ngumiti siya at ngumiti rin ako pabalik.
"Tito!" Biglang sabi ni Angelo.
Ewan ko ba pero parang kinakabahan ako sa sasabuhin ni Angelo. Tiningnan ko si Papa seryoso ang mukha niya. Ngayon ko palang nakita si papa ng ganito. Usually nakangiti siya at magsasalita. Madaldal kasi itong si papa kaya ang creepy niya ngayon.
"Oh?" sabi ni papa
Huminga nang malalim si Angelo at nagsalita. " Nililigawan ko po si Jenny. Humihingi po ako ng permisyon sa inyo! Pwede po ba?"