*JENNY's P.O.V*
Ilang araw na ang lumipas nang malaman ko na magkapatid pala si Angelo at si Demon. Alam kong Damon ang pangalan nun pero mas maganda kung Demon nalang.XD Naawa ako kay Angelo kasi kahit nagsosorry siya kay Demon hindi manlang niya pinapansin. Snob ang mokong nayun'. Ang malupit pa nun' wala namang ginawa si Angelo kay Demon. Tsk!
Lumabas na ako sa kwarto ko para kumain. Pa baba na ako ng hagdan ng makita ko si Angelo na All smile ang peg.XD Ang pogi niya. Pero teka? Bakit All dress siya ngayon? Nakita kung papalapit siya sa akin.
"Oh? bakit hindi kapa nakabihis?" Tanong niya.
Binigyan ko siya nang nagtatakang expresyon. Bakit naman ako magbibihis? Saan kami pupunta? May sinabi ba siyang may lakad kami ngayon?
Tumawa siya "Grabe naman Mahal! Ang hina ng memory mo!:D"
Nagblush naman ako. Grabe hindi pa kami tas ang tawag na niya sa akin Mahal? Pero infairness masarap at magandang pakinggan! Pero naiinis ako ha! Pinagtawanan ba nanaman ako? At sinabihan na mahina ang memory?
Babatukan ko na sana siya ng dumating si Papa at nagsalita "Oh? Anak bakit hindi kapa nakaready?"
"Saan ba ako pupunta? Wala namang pasok ngayon. S-A-T-U-R-D-A-Y ngayon!" Sabi ko.
"Nak, Date niyo ngayon ni Gelo!" Sabi ni Papa
Ahhh! Date akala ko kung ano lang.
10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
80%
90%
100%
Me+Angelo=DATE?
*FLASHBACK*
"Sorry may date kami sa Saturday!" Sabi ni
ANGELO!
Wait? Date? Kami ni Angelo?
"Ah! Ganun ba? Sige una nako!" Parang naluluha na siya. Tumalikod na si Bert at naglakad ng palayo.
*ENDFLASHBACK*
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko.
Nagulat naman silang dalawa. Ewan ko pero kinilig ako nung matandaan ko yun. Tsk! Kinilig naman ako. Anubayaan! Tinanong nila kung bakit ako sumigaw. Sinabi ko nalang na may nakita akong multo sa likod nila at dahil mahilig manood nitong dalawa sa Horror movie ay naniwala naman. Hahaha! Mga mukha nila namumutla.XD
"Dapat magpa'blessing tayo." sabi ni Papa.
"Oo, dapat magpa'blessing kayo Tito!" sabi naman ni Angelo.
Pumunta nalang ako sa kwarto ko para makapag'ready. Di ko akalain na maniniwala ang dalawang yun! Excited na ako sa date namin. Dapat maganda ako.
Naligo muna ako. After 123456789101112 minutes natapos narin. Naghanap na ako ng masusuot. Hanap ako ng hanap wala akong mapili. Grrrrr. Bakit ba ako nagiging ganito? Masyado ng nag-aalala sa isusuot. Dapat talaga ganyan para hindi na lumipat ng iba si Angelo.
HANAP
HANAP
HANAP
HANA~~