Kalaro (One Shot)

1.3K 21 6
                                    

"Anak, huwag na huwag kang maglaro dyan!"

Ayan ang salitang palagi kong naririnig sa mama at papa 'ko.

Ako nga pala si Keanne, 14 years old, mahilig maglaro kahit matanda na. Hahaha. Meron pala akong mga kaibigan sina Donna, Matthew, at Kenneth. Actually mag pinsan silang tatlo, si Donna ang pinaka close ko syempre kasi nakakasundo ko sya pareho kaming babae pero kaibigan ko rin sila Matthew at Kenneth magkaibigan kaming apat simula nung bata pa kami.

"Keanne! lilipat talaga kayo? paano na yan? 'Di na tayo magkapitbahay. :("

"Oo, Donna pero pwede naman kayong bumisita sa bahay namin diba?"

"Oo naman Keanne, bibisita kami."

"Sige babye Donna, Matthew at Kenneth!"

Buo na talaga ang desisyon ni mama na lumipat ng bahay, kahit ayaw ko kasi 'di na kami magkapitbahay ng mga kaibigan 'ko. Wala na akong magagawa...

----*

PAGLIPAT SA BAGONG BAHAY....

Parang kakaiba yung bahay ah? May kwarto pa dun sa labas? Ano yun, extension? Medyo malayo pero pwede namang lakarin.

Aha! Pwede kaming mag laro nila Donna doon! Tama! Parang magugustuhan ko itong bahay na ito ah!

"Ma! pwede ba kaming mag laro nila Donna sa kwarto na yun?"

"Anak, huwag na huwag kang maglalaro dyan !"

"Huh? Bakit naman ma? Eh, mukhang ang ganda sa loob ! Konting linis at pintura gaganda na talaga yan."

"Ah, basta. Huwag kayong pumunta sa kwarto na 'yun. HUWAG."

Anong nangyayari kay mama? Bakit ayaw nya akong palaruin 'dun? Ah! Siguro dahil ayaw niya akong palakarin o lumayo sa bahay.  

 TEXT...

"Donna! Alam mo ba? May kwarto dun sa labas ng nilipatan namin, medyo malayo pero pwedeng namang lakarin."

"Oh? Ano ngayon?"

"Pwede nating gawing bahay-bahayan diba?"

"Oo nga! Pwede tayong maglaro 'dun."

"Punta kayo dito sa Saturday! Sige na Donna! pleaaseee."

"O sige! tetext lang kita ulit."

"Promise yan ha !"

----*

--SATURDAY--

Andito na sila Donna! Yehey!

"Donna! Matthew! Kenneth! Pasok kayo!"

"Wow! Ang ganda naman ng bagong bahay nyo Keanne!"

"Thank you! laro tayo! halikaaa punta tayo dun!"

Pumunta kami sa room kung saan ayaw akong palaruin ni mama pero gusto ko parin makapasok dun malay mo may genie hahaha.

Kinuha ko yung lumang kumot na nasa kama at gumawa na kami ng munting bahay. 

 Nagsisimula pa lang kaming maglaro at  biglang kumurap-kurap yung mga ilaw. Nagsimula na kaming matakot.

Kalaro (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon