Grow old with you

51 2 1
                                    

Love?

Tsk. It’s just a damn thing for me. I never believe in what they Love. Ewan ko nga ba kung bakit naimbento pa yang love nay an kung sa huli eh masasaktan ka naman dahil hindi talaga totoo ang love na yan.

I’m Daniel, ang lalakeng hindi naniniwala sa love. Ewan ko ba kung bakit marawmi ang naniniwala sa love nay an. Mabuti sana kung nakakain yan o naipambibili eh hindi naman. Mabubuhay pa rin naman tayo kahit wala yang love na yan dahil hindi naman yan oxygen.

By the way, I’m the popular heart breaker of the campus or also known as the Casanova. I love to play girls and make them fool kasi dun ako sumasaya, ang Makita silang umiiyak dahil sakin. Alam ko na napakasama kong tao pero hindi niyo ko masisisi ‘cause I have a reason why I’m doing this and that’s to take revenge sa lahat ng mga babaeng pinaglaruan ako, sinaktan ako, niloko ako, at pinagmukha akong tanga dahil sa pesteng love na yan. Pare-parehas lang naman ang mga babae tulad ng mom ko na niloko ang dad ko, first girlfriend ko na pinaniwala akong mahal niya ko pero pinagmukha akong tanga, at sa lahat ng mga babaeng sinaktan ako. Pero ewan ko ba kung bakit maraming babae pa rin ang nagkakandarapa sakin kahit alam naman nila na sasaktan ko rin sila.

Girls are just toys for me.

Pero sa lahat ng mga babae ditto eh nag-iisa lang ang babaeng galit na galit sakin to the point gusto niya kong hiwain pira-piraso o tirisin ng pinong-pino di dahil sinaktan ko siya dahil walang akong pakialam sa kanya dahil hindi ko siya type pero dahil marami akong sinaktan. That’s Catherine, ang babaeng kinasusuklaman ang kagwapuhan ko.

“Hoy impakto, alam mo sumusobra ka na eh. Alam  mo ba lahat ng kaibigan kong babae eh napaiyak mo na.”

“So nandito na pala ang savior ng mga girls ko.”

“Matagal na kong nagtitimpi sayo pero hindi ko na ‘to mapapalampas pa.”

“And whats your problem?”

“Hoy ayus-ayusin mo ang pananalita mo ha. What-what-in ko yang pagmumukha mo eh. Etong bagay sayo.”

*Blag*

Bigla na lang niya kong sinuntok sa harap ng maraming tao. Damn that girl.

“Sana magtanda ka dahil sa ultimate sucker punch ko.”

Bumangon ako at hinarap siya. “Ano bang problema mo at sinuntok mo ko? Bakit ikaw ba ang sinaktan ko? Sorry kung umaasa ka pero hindi ka makakapasa sa standards ko.”

“Hoy impakto wala akong balak magpaka-flirt sa mukhang chimpanzee na katulad mo. Gusto kong maba---“

“Or baka nagseselos ka dahil hindi kita pinapansin?” nilapitan ko siya

Kitang-kita sa mukha niya ang kaba dahil pulang-pula siya. Nilapit ko pa yung mukha ko sa kanya hanggang sa ilang inches na lang ang agwat ng mga labi namin. Mga babae talaga ang dali na nga pakiligin at ang dali pang utuin.

“From now on hindi na kita pagseselosin.” bulong ko sa tenga niya tsaka ako lumayo

I think I will enjoy this game. I will make sure that she will fall in love with me. Mag-pe-pretend akong gusto ko siya para magustuhan niya rin ako hanggang sa ma-inlove siya sakin tapos gagawin ko rin sa kanya kung ano ang dapat na ginagawa sa mga babae.

Ang saktan at paiyakin siya.

After ng class eh agad akong dumiretso sa classroom ni Catherine para simulan yung mission ko.

“Hi Cath.” salubong ko sa kanya pagkalabas niya ng classroom niya

“Hoy impakto wag mo nga akong matawag-tawag sa pangalan ko kasi hindi tayo close. At wala akong ganang makipag-away sayo ngayon dahil kailangan ko pang mag-review.  Kaya kung pwede eh lumayo-layo ka sakin kung ayaw mo pang makatikim ng ultimate sucker punch ko?”

❤ One Shot Stories ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon