Chapter 53: I need you

46 6 0
                                    

Chapter 53

//

Junella's POV

"Junella?! Okay ka lang?? Bakit namumugto ang mga mata mo?? Anong nangyari sayo?" Pagod akong tumingin kay Gab. Kakauwi ko lang.

Isip palusot Junella! Hindi mo pwedeng sabihin na nagaway kayo ni Corinne!

"Ahh..nanood kami ni Corinne ng movie. Sobrang nakakaiyak kuya Gab. Napakatragic." sabi ko at nilapag ang bag ko.

Niyakap naman niya ako. Napagaan naman kahit papaano ang pakiramdam ko. Pumasok na ako sa kwarto ko dahil pagod na ako.

Pumikit ako. Ayoko nang maalala ang nangyari kanina. Pero nagfflashback talaga. Sobrang sakit isipin na nagaway kami ng bestfriend ko.

Pero hindi. Desidido ako. At hindi ako nagsisi sa mga sinabi ko. Masyadong masakit ang sinabi niya para sakin. Masyadong masakit na hindi ko alam kung bestfriend pa ba ang turing niya sakin.

Napatingin ako sa phone ko. Hindi oa nagtetext si Louie. Right. Kasama nga pala niya si Nicole.

Galing. Pinauwi niya ako because his family's coming. But si Nicole kasama sa lunch. Just Great. Nalaman ko lang kay Drake

But I'm not mad.

Haays.

Pagod na ako. I decided na ipikit ang  mata ko saglit. Masyadong maraming nangyari sa araw na to. Hindi ko kinakaya. Too Exhausted and Frustrated.

Magpahinga muna ako. Haay.

**

Nagising ako dahil naramdaman ko ang bigat sa aking tyan. Paglingon ko ay nakita ko si Louie. I smiled

"Bakit ka nandito? Deja vu ba to? May breakfast uli?" Tumawa ako.

"Nananaginip ka ka na naman, Junella. Hays." sabi ko at pumikit ulit. Kaso narinig ko ang isang pamilyar na tunog na masarap pakinggan. Tumawa siya ng mahina

At naramdaman ko na lang ang isang malambot na bagay na dumikit sa ilong ko.

O__O

"L-Louie..?" nadilat ko ng buo ang mata ko. Ngumiti siya. Mukha siyang pagod. But seriously? It's 12 midnight! Paano siya nakapasok sa kwarto ko?

"Please.. ganito muna tayo Junella. Hindi naman kita aanuhin. I just need you. I miss you." sabi niya at mas niyakap pa ako.

Napangiti ako ng marealize ko na..

I feel the same.

"Wag mo ko iiwan, Louie." hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi. Nakipagtitigan naman ako sa papikit pikit niyang mata. He's tired

"I will never. Sleep now, sorry naistorbo ko tulog mo. Di ko na kinaya. I just missed you. And your hug will make me better."

"Bakit? May nangyari ba?" tanong ko. Umiling siya at ngumiti.

"Wala. Tulog ka na. Pagtripan kita sige!" nakahalf closed eyes at nakangiting sabi niya.

"Oo na. Goodmornight, Louie." sabi ko. Mas hinigpitan pa niya ang yakap at inubob niya ako sa dibdib niya.

Napapikit na lang ako. Nawala lahat ng sakit at problema ko kay Corinne sa ginawa niya. Everything's just perfect.

Nakatulog na lang ako na medyo gumaan na ang pakiramdam.

Kinabukasan, wala na akong maramdamang mabigat. Oh no..

Please no.. Tell me it's not a dream!

Dumilat ako at halos napagsisihan ko dahil nakita ko at nalaman ang katotohonan. Waah! Wala si Louie!

L and J [Loser and Jerk] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon