6th One Shot ko ata. HAHAHA. Parang Fanfiction ‘to pero parang hindi. Mas maiintindihan niyo kung nabasa niyo ang SDP at DAP (SDP2) hahaha. Pero maiintindihan pa din kahit hindi. Hahaha. Gulo ko. ;)
--
“Wattpad na naman?” Napapikit nalang ako nung marinig ko yun galing sa classmate kong makulit. Nagbuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagbabasa.
“Tsk. Walang kwentang kausap.” Reklamo niya tapos tinalikuran ako. Inirapan ko nalang kahit hindi niya naman nakikita. Nasa kiligers part na ako eh. Eto na oh. Tengene, heto na naman kasi ang TDPW. Nasa Chapter 33 na kasi ako ng Seducing Drake Palma. Nung lumipat na si Drake sa Condo. Eh sa kinikilig ako at ayoko ng estorbo.
“Waaaaaaaah!” Sigaw ko tapos napatingin yung ibang kaklase ko na nasa harap ko. Nag peace sign nalang ako sabay sabi ng ‘sorry’
“Anyare sayo Alys?” Tanong sa akin ni Sharlene, seatmate ko.
“Eh kasiiiiiiiii.” Sabi ko tapos tingin sa taas at parang bulateng binudburan ng asin na nag gi-gimme gimme.
“Hoy, baliw!” Sigaw ni Tristan, yung classmate kong ang lakas mam bully sa akin. Nag make faces lang ako tapos inirapan ko siya. Napatawa naman yung mga kasama niya.
“Bakit nga?” Tanong ulit ni Sharlene.
“Si Drake kasi eh!” Sabi niya. Napansin kong napatingin si Tristan sa gawi namin pero hindi ko nalang pinansin.
“As in sa SDP?” Bulong niya. Tumango ako at sabay kaming napatili pero mahina lang dahil baka matawag na naman kaming baliw ng mga tao dito.
“Sang part ka na ba?” Tanong niya.
“Chapter 34 na ako dun sa condo, sa password and everything lalo na dun sa….”
“Catch is an understatement. You got me whipped and smitten. Hard!” Sabay naming sabi at parang baliw na naman kaming tumili. Yung mga tao sa unahan naman napapailing nalang at may narinig pa kaming nag sabi ng ‘adik nung dalawa’ pero keri lang. Wapakels kami.
“Kilig mats ateh!” Sabi ni Sharlene.
“Oo nga. Feeling ko ako ang sinasabihan ni Drake.” Kinikilig kong sabi.
“Hoy Alyssa Rose Ferrer! Tumigil ka na nga jan sa kilig kiligan mo at may exam pa. Parang ang talino lang.” Sabi ni Tristan habang palapit sa amin dahil sa kasamaang palad, Nakaupo siya sa harap ni Sharlene na katabi ko lang.
“Paki mo ba?” Sabi ko tapos inirapan siya.
“Wala akong paki sayo. Sa tenga at sa utak ko meron. Nag aaral ako, ang ingay mo.” Sabi niya. Luh? Eh pigil na pigil nga kami dito. Tsaka, aral daw eh nakikipag harutan lang naman siya kanina dun sa iba naming kaklase. Untogin ko ‘tong ugok na ‘to eh.
Dumating naman si Ma’am Casimsiman. Ayos din ‘tong teacher na ‘to. Kaya sa class niya ako madalas nagbabasa ng wattpad eh. Ang tagal dumating. Madalas 20 mins late ang beauty niya.
Nakinig nalang muna ako sa discussion niya kasi may test daw kami after. Mababaliw na ako sa pagiging boring niya. Siya ang teacher namin sa health economics at yung discussion namin ngyon ay tungkol sa ospital sa United Kingdom. Kung paanong binibigyan pa nila ng pamasahe yung ibang patients na walang pera samantalang dito sa Pilipinas, yung ibang ospital hindi ka sisimulang gamutin pag walang downpayment. Nag quiz na kami after nun and yeah, pumasa ako!
“Pasado ka ba?” Tanong ni Sharlene.
“Yup! Ikaw ba?” Tanong ko.
“Di eh. Kinulang.” Sabi niya.

BINABASA MO ANG
Adik sa SDP
General Fiction"Ang adik niya sa wattpad, mapapansin niya pa kaya ako?"