Undefined

11 0 0
                                    

UNDEFINED INTRODUCTION

IAmYUAN. 2013

---------

Sino ba 'tong taong ito?

Naglalakad palapit saakin.

Tao ba ito o alien? Nako, Huwag namang alien! Ayaw ko magpa-abduct noh! Gwapo pa naman ako. Sheezzzzzzz!

 *OO na, sabihin niyong mayabang ako. Gwapo naman talaga ako eh. XD*

Teka ang labo, di ko na siya makita!!

Teka lang, di pa kita nakikita. Ano b--------

Natauhan ako ng binato ako ng teacher ko ng eraser. Nakatulog pala ako sa klase and worst, saakin nakatingin lahat ng classmates ko. Nanaginip pala ako. Sumisigaw kaya ako habang tulog? Tss Nakakahiya naman oh, tulo laway pa. -_-

"Mr. Carlo Chavez, to the Principals Office. Now!"

Carlo's POV:

Okay, principals office na naman. Mapag-uusapan naman namin ng teacher ko 'to diba? Tss

Pumasok na NAMAN ako sa principals office dahil sabi ng MAHAL kong teacher na pumunta daw ako dito. Pang-ilan ko na kaya 'tong balik dito? Pssh. Ewan, wala akong paki-alam.. Wala naman nagmamahal sakin eh. Hahahaha.

Naupo na ako sa upuan malamang. Tapos kaharap na ang principal! ULET!

"Mr. Chavez, bakit mo na naman ginawa ito? Diba ilang beses na kitang pinagsabihan na huwag nang gagawin iyon sa klase?" Sabi ng kalbo naming principal. Oo, kalbong mataba!

"Sorry po Mr. Reyes. Di na po talaga mau---"

"Talagang hindi na! Dahil sa susunod na gawin mo yan, irereport na kita sa magulang mo."

"Sige po. Pasensya po ulet."

"Sige na, makakaalis ka na! Marami pa akong aasikasuhin dito."

Ayun nga, lumabas na ako sa loob. Alangang sa labas ako lumabas? ~.~ (Pilosopo! XD)

Alam niyo kung bakit ganyan lang kaikli ang pag-uusap namin ni Mr. Principal? Mamaya ko na sasabihin.

Bumaba na ako sa stairs tapos pumunta ng canteen. Medyo nagugutom na din kasi ako.

Nakita kong nagbubulungan mga group of girls doon sa isang kanto tapoos nakatingin saakin, tapos ung iba naman nakatitig lang. May dumi ata sa mukha ko eh! Tss.

"Hoyyyy Carl!!!"

"Anuba! Katabi mo lang ako oh!! Huwag ka ngang sumigaw, dami-daming tao eh!"

"Sorry, naman!! Masanay ka na kasi! HAHAHA!"

Bestfriend ko nga pala, na nakalunok ng megaphone! Si Sam Dee. Pareho kaming sikat sa school na ito. Yep, sasabihin ko na sainyo. Isa kaming heartthrob sa campus namin. Hindi naman sa pagmamayababang pero ganun talaga. Hahaha.

"Osya! Libre mo na ako."

"Osige na. Pasalamat ka crush kita!"

"Baliw, Di tayo talo!"

"Kidding. Bakit ka nga pala pinapunta ng maganda mong teacher sa principals office? Ano na namang meron?" Hayy, oo nga pala. Hindi ko pa nakukwento sa kanya ang nangyari...

"Ganto kasi 'yon......."

Pinaliwanag ko nga sa kanya kung ano nangyari habang kumakain dun sa table. Natawa naman siya dun sa part na binato ako ng eraser. Binatukan ko nga eh! Tatawa-tawa pa kasi.

Pagkatapos nun eh bumalik na kami sa klase. Isang subject lang naman yun kaya tinulugan ko lang. Nakakabored naman kasi ang subject na P.E eh! Mga minor subjects lang ang mga tinutulugan ko. Pero kapag major subjects na, nako! Kelangan talaga pagtuunan mo ng pansin yan! Mahirap na noh.

Nagising lang ako ng nag-ring na yung bell. Means uwian na! Sa wakas..

"CARL!!!!!!! Uwi na tayo!!"

"Uupakan na talaga kita. Isa pa, makakatikim ka na talaga saakin!" Kita nang nasa school, sigaw ng sigaw!

Minsan nga nag-panic na mga classmates ko dahil akala nila, may may kung anong nangyari sa kanya kasi tinawag niya pangalan ko ng pasigaw. Hihiram lang naman pala ng lapis! Tss. Sira-ulo talaga 'tong lalaking ito. Sira-ulo na nga, cassanova pa. Wala pa yang sineseryosong babae! Napaka-chickboy talaga nitong lalaking 'to.

Hayy! Ano ba nagugustuhan nila sa lalaking ito? -___-

Sana dumating na yung babaeng seseryosohin niya. Para naman matahimik na to!! Please lang!

"Tara na. Madaming babae na nag-aabang saatin sa labas oh! Magtitiliian na naman yan pag lumabas tayo! Hahaha"

"Sayo na sila. Wala akong oras dyan." Tapos tuluyan na nga kaming lumabas.

"......."

"Natahimik ka dyan?!"

"Pa-pare! Heaven!!!"

"Anong heaven ka dyan! Mauna ka! Marami pa akong pangarap sa buhay noh!"

"CLOUD9 carl!!"

"Cloud 9? Ayun sa tindahan oh, madami." Anu bang pinagsasasabi nitong mokong na 'to. Nasisiraan na ata ng bait eh. Heaven tas Cloud9? Anong connect? Tss.

"Tignan mo yung babae na  nakaupo sa bench oh! Ang cute!" Tapos tinignan ko nga!

 *Dug dug... Dug-dug*

Teka bakit ganito nararamdaman ko? Hindi ko pa nararamdaman ang gaitong feelings! Sht. Ang bading ko naman sa mga pinagsasasabi ko! Psh. Pero maganda nga yung babae. I can describe her in one word,..

P E R F E C T !

"Lapitan natin carl?"

"Ah-ehh. Ikaw na lang. Magugustuhan ka niya!!" Naduduwag ako. Ewan kung bakit. Para kasing namumukhaan ko siya pero malabo yung mukha niya doon. Ahh ewan!

"Tara na nga, uwi na tayo!!" Pag-aalok ko kay sam. Baka mas lalong pa akong kiligin pag nakita ko yun eh. Yaks! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko. Kiligin? Kelan pa ako kinilig? Errrr.

Ayun, sabay na kaming umuwi gamit ang kotse namin papunta sa Park View.

That girl made my day Complete!

Sino kaya siya??

UndefinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon