One Ok Rock - Chapter 40

242 15 25
                                    


Warning: Magbasa ng author's note sa end part. Higit sa lahat basahin ang buong pangungusap sa chapter na ito. May mga mahahalagang bagay na mababasa mo lang dahil nasa isip lang ng characters. Hahaha! Demanding na ako ngayon. Peace yow! Sinugatan kasi ni Takahiro, yung puso ko. Waa! Anyway.. sino mga Tomomo bias dito? Hinga ng malalim, baka kiligin kayo ng slight. Let's rock!


Rock 40




"Hoy, Patricia ano na napanuod mo na ba yung ending? Grabe! Nakakaiyak na nakakakilig, syet lang!" sabi ng kaibigan ko na siya kong ka-video call ngayon.

"Hindi pa nga eh, kita mo namang kakarating ko lang galing school diba?" sabi ko sa kaibigan at hinihintay mag load ang computer.

Nandito ako sa Japan, kasi ako ang napiling ipadala ng university namin para sa exchange student na nagaganap every year. I'm really bad at studying pero nung nalaman ko na pipili sa mga magiging dean's lister ng ipapadala sa Japan, agad-agad akong nagpursige hanggang sa tulong na rin siguro ng Maykapal, na narindi na sa kakadasal ko, kaya ako ang napili.

Ang tanging rason kaya ako nandito ay para mapalapit sa taong mahal ko. Si Tomoya Kanki, siya ang drummer ng sikat na rock band na One Ok Rock. Kahit na mahina yung katawan ko sa lamig, tiniis ko pa rin basta para sa kanya, para makita lang siya.

"Bilisan mo na excited na ako! Panuorin mo na ang gwapo ni Captain Yoo Shi Jin-sshi at ito pa ha ang cute niya dun sa camping moment nila ni Doctor Kang. Nainis! Kinikilig pa rin ako," sabi niya na todo yakap pa sa unan niya. "Tapos nung nag cameo yung Red Velvet, pak na pak yung sayaw nila! Urgh! Feels!"

"Oo na ito na nga diba! Wag ka ngang spoiler anak ng chokwa naman! Diba may special episodes pa naman sila after ng ending?"

"Uh-huh, excited na nga ako eh baka hindi na ako makatulog!"

"Eksaherada? Jusko! Anong oras na ba dyan? Matulog ka na kaya."

"Hindi pwede manunuod ulit ako ng DOTS," sabi pa niya. "Panuorin mo rin pala yung Come Back Mister, maganda rin! Nakakaiyak!"

"Hala, addict siya oh! Ending na nga diba? Ano pang papanuorin mo? Come Back Mister, ayun ba yung kay Rain?"

"Uultin ko ulit simula sa episode one bakit ba! Oo yun na nga, laughtrip yun!"

"Hahaha! Ewan ko sayo bye na manunuod na ako," tapos in-end ko na yung video call namin.

Habang hinihintay kong mag load ang Descendants of the Sun, KDrama na sinusubaybayan ko online nag desisyon akong mag-spazz muna sa One Ok Rock. I checked our fb group page and then I read latest news about them. I grabbed my phone and log in to my instagram account to check their profile.

Syempre, inuna ko ang pinakamamahal kong si Papa Tomato. "Ano ba yan ilang araw na siyang walang bagong post. Tss. Ano kayang pinagkakaabalahan nila lately?"

Muli ko na namang naalala yung moment na nagkabangga kami sa basement. "Haay! Sayang talaga.." tanging naibulong ko na lang.




***



Nagising ako sa pamilyar na katawan na nakayakap sa'kin. I slowly opened my eyes and saw him.

"Oh my gawd!" napabalikwas ako ng bangon. "We slept together?"

"Really?!" napabalikwas ng bangon si Takahiro. "Great!" he grinned.

Hinampas ko siya ng unan. "What the hell! What do you think will happen? Jacob, will really be mad!"

ONE OK ROCK: Taka's Maker (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon