•Chapter 1•

17 0 0
                                    

"Iloveyou, Kaity. Will you marry me? Please?"

Jusko be. Enrique Gil na yan o? Aangal pa? Rak na diz.

"Yes--"

"KAITY ANDREA DE GUZMAN!!! GISING NA!! TANGHALI NA!!!"

"Ha?! Ano? May sunog?!"

Shiz. Putek na. Sasagutin ko na si, Enrique e. Huhuhu. Futekz.

"Hoy. Kaity. Gusto mo talaga inaakyat ka ng isang gwapong nilalang dito e no? Bumaba ka na. Tawag ka na ni dad." Sabi ni Kuya. Nah.

"Lah. Gwapo ka? Sure ka? San banda hoy? Ikaw pa ata yung nananaginip dyan e! Hampas ko sayo 'tong lampshade ko e." At akmang kukunin yung lampshade. Pinigilan nya agad ako.

"Eto naman. O, edi ikaw na maganda! Ganda e. Ganda o. Gandang hampasin. Leche, bumaba ka na Kaity. Baka mapagalitan tayong dalawa ni, dad." Sabi nya with matching ayos ng buhok. Ba. Gumaganun ah.

"KAITY ANDREA DE GUZMAN AND KENNETH JUSTINE DE GUZMAN!! AKO ANG AAKYAT DYAN!"

"Bababa na po, Dad!" Sigaw ko.

"Epal ka kasi, Kuya e. Warrh."

"Dad. Good Morning. Pinapatawag mo daw ako?" Sabi ko, sabay kiss sa cheek ni Dad.

"Kamusta yung enrollment mo? Okay ba?"

"Okay lang naman, dad. Btw, may kilala kang teacher dun na, naka braces?" Oh, binabanggit ko na si Kuyang Pogi.

"Kaity, ang dami-daming Naka-braces na teacher sa, School mo." Sabat ni Kuya Kenneth.

"I'm not asking your opinion. Shut up. Will you?" Bara ko.

"Kaity Andrea." Puna ni Dad.

"Mamaya ka talaga sakin, Kaity. Makikita mo." Sabi nya. Uh, oh. Nakakatakot si Kuya Kenneth. I wish, nandito si Kuya Charles. Meron akong mga kapatid ano. Eto ngalang si, Kuya Kenneth ang Nakakatakot pag napikon. Nabasa nyo naman siguro yung, Full name nya. Ano po? Lahat kaming magkakapatid e, sa School ko pumasok. E, Dad ko ba naman ang may 88% na share dun sa school e. Oo, kumbaga. Pinaka-marami.

And, yes. Mayaman kami. Pero, hindi ko binubunyag. Alam ko naman na lalapit lang sakin yang mga tao dyan, because of my money. Si Zelle Lang nakaka-alam ng buhay ko.

"Tatawagan ko si, Kuya Charles. Patay ka dun. Nako, sasampal ko sayo 'tong pinggan e." Nanggagalaiti kong, sabi. Tatawagan ko talaga si, Kuya Charles. Oh, About Kuya Charles. Kabaliktaran sya ni Kuya Kenneth. Focus lang sa isang bagay si, Kuya Charles. Sa Studies nya. Nasa Japan kase sya ngayon. Studies. And, he's always my savior. Specially, Kay Kuya Kenneth na lagi akong inaasar.

"Wag na, Kaity. Sayang yung pinggan. Sa Tigas ba naman ng Mukha ng Kuya mo e. Hahaha, Just saying, son!" Sabi ni Dad. Did i mention that, Dad is the Clown in our family? Now you know.

"Mabalik ako, Dad. May kilala ka ngang teacher na naka-braces? Matangkad, Bilugan yung mata. Matangos ang ilong?" Tanong ko.

"Teacher na naka-braces? Matangkad.. Ah ha! Kilala ko na yan. Hindi ko lang matandaan yung name. Why, Kaity? May problema ba sa kanya? Spill it."

"Nako, Dad. Crush nya lang yun. Kilala ko yang' si Kaity. Lalo na pag nagmo-mall kami? Nako ayan--Ouch! Shit."

Sinipa ko lang naman yung paa nya. Hindi lang sipa. Super ultra mega, sipa.

"What happened?" Naga-alalang tanong ni Dad.

"Kaity Andrea De Guzman!! Come back, here! You little witch!!" Sigaw ni Kuya.

Everyday Iloveyou, SIR.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon