Habang tinatanaw syang nakahawak sa bola ay maingat kong hinahakbang ang mga paa ko sa likurang bahagi ng pwesto nya. At ng matapat na ako sa bench ay agad kong tinakpan ang mga mata nya.
" Hulaan mo kung sino to? " malaki ko pang kunyaring boses habang nakangiti. Ngunit naramdaman ko nalang ang paghawak nya sa mga kamay kong iyun at inaalis sa mga mata nya.
" Tsskk. Ang tagal mo"
Pagmamaktol pa nya kaya napasimangot nalang ako. Hindi ko talaga sya maloloko. Sungit!
" Sa tingin ko saulo mo na lahat ng katangian ko dahil hindi ka man lang naghanda ng self defense. Uii kilala na nya ako. Getrude Lopez now reallu knows Jiela Cyra Yuzon. " pangungulit ko sa kanya habang sinundot sundot ang braso nya.
Dumistansya nalang uli ako sa kanya ng makita ang masama nyang tingin sa akin!
" Guess what, tingnan mo ang dala ko? Charan. .!! " masaya ko pang pakita sa pares ng medyas na inagaw ko mula kay Jielo.
" Sabi ng kambal ko pangbasketball daw ito? What do you think? "tanong ko pa sa kanya habang hindi mapigilan ng mga ngiti ko na lumabas.
Naaalala ko pa kung paano ako nakipagbatobato-pick kay kambal makuha lang to!
" Hindi ko matatanggap yan marami ka nang binigay sa akin" pagsusuplado pa nya upang pasimple kong isinuksok sa pocket ng backpack nya ang medyas.
" Okey, lets go " saad ko at mabilis na tumalikod sa kanya.
Pag ganyang klaseng tao, hindi talaga sila tatanggap ng mga bagay na ibibigay ng iba kasi maaapakan ang pride nila.
Reverse psychology explains it very well.
Habang nagdadrive ako sa kotse at palihim syang sinisilip ay hindi ko mapigilang mapangiti. At kasabay nito ang pagbubukas ko ng mp-3 at nilakasan ang volume nito.
" Baka maaksidente tayo, umayos ka. " saad pa nya upang ituon ko ang paningin sa daan.
Grabeh, talas talaga ng paningin nya. Hindi naman sya nakatingin sa akin!
" Ano bang ginagawa ko? Sa daan naman talaga ako tumitingin? "patay-malisya ko pang paliwanag habang tumitingin sya sa labas.
" Nagdadahilan ka pa. Bakit umingay bigla kung sa daan ka tumitingin. Tssskk. " bagot pang sagot upang mapakagat ako sa labi.
Tama nga naman. Bakit kaya sobrang fail ng mga reasons ko?
Nang hindi na ako makasagot ay namayani naman sa amin ang katahimikan.
" Hindi ako mayaman at lalong wala akong alam sa mundong ginagalawan mo. Sumama ako sayo kasi nagtitiwala ka sa akin. Kaya sana wag mong sirain ang tiwala ko sayo. " bigla nyang sabi kaya mahigpit kong hawakan ang manibela habang inaalala ang mga agenda ko.
D-apat ko bang sabihin sa kanya ang mga dahilan ko? Paano kung magalit sya?
Nang makita ang apartment ay agad kong ipinarada ang kotse sa harap nito.
" Ito ang magiging tirahan mo " masaya ko pang sabi sa kanya.
Pakiramdam ko may nakamit akong isang pangarap!
Hindi sya pwedeng dun sa condo namin. Si Jielo pa naman ang nagmamanage baka akalain nyang may favoritism ako sa mga player.
Kahit naman totoo.
Napatigil nalang ako ng inilinga nya ang paningin sa paligid.
" Hindi mo ba gusto. Pasensya ka na kung--"
" Masyadong malaki. Dyan rin ba nakatira yung ibang makakapasok sa team? " tanong pa nya upang manuyo ang lalamunan ko.
Waah hindi nya pwedeng malaman na pagmamay ari ko ang apartment na yan!
BINABASA MO ANG
Madly, Deeply Inlove With You ( Completed )
General FictionYuzon 2: ( Jiela ) Di tulad ng mga pangkaraniwang bidang lalaki, Getrude Lopez is different. He is from a very poor family. He's no prince charming, not gentleman or a romantic guy. Nevertheless, he's not a guy who you could usually read in novels o...