Chapter II - NOT AGAIN PLEASE
~ Krista's P.O.V ~
Habang ginagawa ko ang mga assignments ko, narinig kong nagpop ang notif ko sa messenger. Whooo, nakaconnect na pala ako sa free wifi ng kapitbahay namin. Kinuha ko ang cellphone ko at inopen ang message.
Emily Belle Hernandez
Pst, bestfrieeeend! My goodnews ako! Oh my ghaaaaad.
Ahh, si Emmy pala. Hays, namimiss ko na siya. Grade 8 pa kami nghiwalay nito. Ngayong Grade 11 na ako, hindi pa rin siya umuuwi dito.
Krista Mizch Rodriguez
Oh, ano yan? Wag kang paasa ha?
☑ delivered
--
Emily Belle Hernandez
Uuwi na ako, Kristing! Exciteeeed na ako. Namiss na talaga kita. Nakakaumay na dito sa Canada. Hahaha
--
Krista Mizch Rodriguez
Wth? Di nga? Kelan? As in, hindi vacation? As in, dito ka na ulet?
☑ delivered
--
Emily Belle Hernandez
Oh yesss!! Sabi ni mama, sa school mo din daw ako mag-aaral. So magkasama na talaga tayo lagi.
--
Krista Mizch Rodriguez
Excited nako! Ohmyghaaash. Sa wakas, may karamay na ako sa school.
☑ delivered
--
Emily Belle Hernandez
Wag kang mag-alala, reresbakan ko yang mga putragis na yan. Oh sige na, surprise na lang kita :* Loveyouuuu
--
Krista Mizch Rodriguez
Hahaha. Sge, aura na. Loveyou too. :* xx
☑ delivered
Thaaaankyou, Lord. Babalik na si Emmy, myloves. Oh, tapusin ko na pala muna itong mga assignments ko.
//
"Kristaaaaa!!!" Napabangon ako sa umalingawngaw na boses ni mama.
"Po?" Sagot ko sa kanya na medyo malat pa ang boses ko.
"Bumaba ka na ditong bata ka! Alas-7 na!" Sigaw niya.
Napabalikwas ako sa kama. Hala! Baka malate ako nito. Dali-dali na akong naligo at bumihis ng uniform. At as usual ponytail lang na buhok, nagpulbos ako at suot-suot ang salamin ko sa mata, alis na agad ako.
Pagdating ko sa school, diretso na ako sa hallways ng mapansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao. "Ano na naman ba problema niyo ha?" Pero syempre, tumahimik lang ako at dire-diretso pa rin.
"Fudge! Hala! 7:28 na?! Ganito palagi ang oras ng dating ng mga Ramirez. Bakit ngayon ko lang nagets?! Hala hala hala! Pero baka hindi rin. Baka naman mamaya pa dadating ang mga yun. Late din naman sila palagi. Pero baka andyan talaga sila?!"
Tumigil ako sa paglalakad at dahan-dahan na bumaling sa likuran ng biglang, "Ay. Wala naman pala eh. Baka nagandahan lang sila sakin kaya ganun mga tingin nila. Hahaha" Nasisiraan na naman ako at kinakausap na naman ang aking sarili.
Pumasok na ako sa classroom, baka kase malate ako at mabuti na lang wala pa ang teacher namin. Todo na naman tingin nila at biglang tumawa sila ng malakas. "Huh?"
"Shet! Pinaligo mo ba ang pulbo? May eyeglasses na pala ngayon si sadaku?" Sigaw sakin ng isa.
Kumunot lang ang kilay ko. Ayokong makipagtalastasan.
"Ewww, gross." Sabi ni Kiara aka Feeling QueenB
Pumunta ako sa upuan ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang reflection ko at yun napasobra yata yung pulbos ko. Dali-dali ko naman itong binawasan. Kaya, okaay na din naman.
"Akin na yung notebook mo. Yung may sagot sa mga assignments." Padabog na hinampas ni Abbygail ang desk ko. Kagrupo din siya ni Kiara.
"Hoy, babaeng panis ang laway. Ibibigay mo ba o hindi? Basagin ko yang salamin mo eh. Tss. Bulag na, pipi pa." Sigaw sakin ni Kiara.
Wala na akong magawa kaya binigay ko na lang. Ayoko nang maulit yung sinabunutan nila ako nung Grade 10.
"Good girl. Play dead." Sabi ni Abbygail sa'kin. Hindi ako aso, sarap sagutin eh. Wala naman akong mapapala kung papatol ako. Isa lang ako at marami sila.
Mabuti na lang at nagkagulo na naman sa labas dahil sa pagdating ng mga Ramirez, napabaling ang atensyon nila sa labas. Whooo! Nakahinga ako ng malaman kong hindi ko nakasabay ang kinatatakutang 'gang' ng Southern University. Thanks, Lord.
◈◈◈
Author's Note: Thankyou for reading this chap. Hope you like it. Enjoy 😊 Sorry kase di nakakaabot ng 700 words kada chap. Ang hirap poewsx. Pero i'll try paramihin ang words sa susunod pang chapters. Lol
- DarkerPen ♕ xx
BINABASA MO ANG
A Girl Turned Into A Gang's Princess
DiversosTitle: A Girl Turned Into A Gang's Princess Lahat ng mata'y nakatitig sa kanila. Mga balahibo ay tumitindig sa tuwing naririnig ang yabag ng kanilang mga paa. Unti-unting napapaatras at napapayuko ang mga taong kanilang dadaanan. Kilala sila bilang...