Chapter IV - A DREAM OR WHAT?
~ Krista's P.O.V ~
Nagising ako sa mga boses na parang nagtatalo. Mabuti naman at panaginip lang ang lahat ng nangyari. Iginalaw ko ang katawan ko, buhay ako! Lord, buhay ako! Dinahan-dahan kong buksan ang mga mata ko, malabo ang aking paligid. Ay bobo lang, nasaan yung salamin ko?
"Glasses? Nasaan ka?" Kinapa-kapa ko.
May naramdaman akong kamay na umabot sakin ng salamin ko at pagsuot ko nito, napabalikwas ako ng makita kong nakapalibot ang walong pamilyar na lalaki sa akin.
"Okay ka lang?" "Hala, gising na siya oh." "Ano kase ginagawa mo dun?"
Hindi ko na sila maintindihan sa sunod-sunod nilang pagsasalita. Ipinikit ko ulit ang nga mata ko at baka nanaginip pa rin ako. *pikit.... mulat*
"Whoaaaaa!!! The Ramirez Brothers?! Please gusto ko pang mabuhay!!! Wag nyo kong patayin!!! Paano ang nanay ko!!! Wala na ang tatay ko kaya sino ang mag-aalaga sa kanya?! Paano ang bestfriend ko?! Makikita niya ako na nasa kabaong na?! Pleaseeeee!!! Maawa kayo!!! Paano na ang kinabukasan ko?!" Sigaw ko sa kanila.
Nagulat ako ng bigla na lang silang tumawa ng malakas. Ganun na ba talaga ako kapanget?!
Iniisa-isa ko silang tiningnan at inusisa. Medyo may alam ako sa kanila dahil nagresearch ako one time about sa kanila.
Si Zeus Croel Ramirez, ang pinaka-kuya sa mga magkakapatid. 2nd year college na siya. Napaka-badboy ng dating, sabi nila napakaseryuso daw nito at hindi man lang marunong ngumiti. Marami na din itong kaso pero napapag-usapan din dahil maykaya sila at ewan di ko alam. Pero hala! Sa nakikita ko ngayon, marunong siyang tumawa?!
Sumunod ay si Zedrix Evyll Ramirez. Same year sila ni Zeus. Ewan bakit magkaedad sila, hindi naman sila magkakambal. Walang respeto kahit ninuman. Hindi siya palasalita pero once na kinausap ka niya either pang-iinsulto at pambabara. Sumusunod din siya sa yapak ni Zeus pagdating sa mga naging kaso nito.
Si Zanjoe Sethan Ramirez. Ang sumunod sa kanila. Siya ay 1st year college. Kilala siya bilang fuckboy sa mga magkakapatid. Kulang na lang daw yata eh magka-Aids ito sa dami ng mga babaeng kinakama. Wala pa itong sineryuso kahit isa, based of what I heard.
Sunod ay si Zach (Read as: Zak) Dyvel Ramirez. Okay inaamin ko na talaga sa aking sarili na siya ang pinakagwapo sa magkakapatid. Napakaseryuso ng mukha, bwesit. Grade 12 siya sa department namin. Kilala siya bilang manhid, oo isa siyang stone hearted. Pero marami pa ring nagkakandarapa sa kanya. Pero bakit ngayon, makatawa wagas?! Tss.
Sunod ay ang magkakambal na si Zachary Quiell (Read as: Kyel) at Zander Savv Ramirez. Kilala bilang Mr. Nice Guys at sila ay Grade 10 students. Magkapareho talaga sila ng mukha, makikita mo yung pagkakaiba sa hairstyle nilang dalawa. Marami silang friends with benefits pero umaangas ang dating pag' kasama ang kanilang mga Kuya's.
Sunod ay si Zayne Fiend Ramirez. Grade 9 student. At sabi nila magaling daw ito kumanta kagaya ni Zayn Malik pero not sure kase hindi ko pa naman narinig boses niya. Suplado daw ito pero marami ding nagkakacrush sa kanya.
Last, si Zedd Brutte Ramirez. Grade 9 student din at magkaedad sila ni Zayne. At di ko alam kung bakit, hindi naman sila kambal. Si Zedd ay matinik din sa mga babae. Version din siya ni Zanjoe.
Sila ang Ramirez Brothers, tingin mo pa lang, ulam na. 😋 Joke lang. Hihi. Sila ang mga taong kinatatakutan dahil sa mga masasamang gawain ng mga ito at hindi ako makapaniwalang andito sila sa harapan ko at humahagakhak pa.
"Hoy!" Sabay sigaw ni Zedd sakin at napagising naman ako sa mga iniisip ko.
At dahil hindi pa rin ako makapaniwala, linapitan ko sila isa isa, linapit ko ang mukha ko sa bawat paglapit ko sa kanila. Baka nanaginip nga ako, hintayin ko na lang na magising ako sa nakakatakot kong panaginip.
"Oh, tapos ka na bang tingnan ang napakagwapo naming mukha?" Biglang nagsalita si Zach, siya ang huli kong inusisa at nilapitan. Napa-cold ng lalaking to' pero makatawa kanina, wagas eh.
"Ahhhhh!!! Gisingin niyo ko sa panaginip kong to', Diyos ko." Sigaw ko at napatakip sila ng tenga.
"Bitch! Stop it!" Sigaw ni Zedrix. Wow? Bitch?! Ako?! Walang respeto ang lalaking ito, ay wala naman pala talaga.
"Okay." Bigla akong tumigil.
Bigla na lang tumahimik at binasag ko ang katahimikang iyon.
"Wait, nasaan ako? Papatayin niyo na ba ako? Please, wag. Gagawin ko lahat, wag nyo lang akong patayin." Pagmamakaawa ko.
"Una, nandito ka sa bahay namin slash teritoryo. Pangalawa, hindi ka namin papatayin." Sabi ni Zanjoe. Napahinga naman ako doon. "But in one condition, can you join me in my bedroom? One night, babe." Sabi niya. Wth! Fuckboy nga ang isang to'. Napanganga na lang ako sa sinabi niya.
"Gago talaga tong' si Zanjoe! Joke lang niya yun, Miss. Sa panget mong yan', naniwala ka naman sa kanya." Singit ni Zedrix. Wooow! Oo na, panget na nga ako. Nakita ko si Zach na parang nagtitigil ng tawa. Sarap batukan.
"Ahh. Sorry pala kanina. Hindi ko naman sinasadya na mapadaan dun sa you know yung ano yung" Sabi ko na hindi ko pa matapos tapos.
"Ang ano? Yung rambulan at patayan?" Tinapos ni Zayne ang sinabi ko.
"Ahhmm." Tumango ako.
"Okay ka na ba?" Tanong ng isa sa kambal na si Zachary. Nice nga naman siya.
"Ahh oo. Pwede na ba akong umuwi?" Tanong ko.
"Yeah." Wow, nagsalita si Zeus. Yung boses niya, buong-buo. Nakakapanindig balahibo.
"Sandali lang. Ano ba pangalan mo?" Tanong ni Zayne.
"Ahh. Krista Mizch." Sagot ko.
"Hmm. Nice name. Di nga lang bagay sa mukha." Sagot ni Zedrix. Sigeeeeeee!! Oo na!! Tss.
"Ahh. Sige, aalis na ako. Salamat sa hindi niyo pagmurder sa'kin." Nagpakawala ako ng ngiti.
"Hatid ka na namin." Sabi ng kambal.
"Naku, wag na. Kaya ko to'."
"Ihahatid ka namin o papatayin?" Tanong ng kambal.
"Oh ano hinihintay niyo? Ihatid niyo na'ko." Sagot ko. Kunware di na ako takot sa kanila. Kunware lang. Hahaha. Pero nararamdaman ko ang tuhod kong nanginginig pa.
"Sige, mga kapatid. Ihahatid lang namin si Krista." Pagpapaalam ng kambal sa kanila.
Kinuha ko na ang bag ko at sumunod na sa kambal.
◈◈◈
Author's Note: This Chap is too long for me so i decided na next chap yung continuation. Thankyou for reading. Enjoy 😊
- DarkerPen ♕ xx
BINABASA MO ANG
A Girl Turned Into A Gang's Princess
AcakTitle: A Girl Turned Into A Gang's Princess Lahat ng mata'y nakatitig sa kanila. Mga balahibo ay tumitindig sa tuwing naririnig ang yabag ng kanilang mga paa. Unti-unting napapaatras at napapayuko ang mga taong kanilang dadaanan. Kilala sila bilang...