Chapter 7-Date

4 0 0
                                    

Chapter 7-Date

''Iniisip din. Lalaki pa rin kasi ako. Pero kung 'di ka pa ready okay lang. Handa naman akong maghintay e. At saka mas gusto kong gawin 'yon pag pinakasalan na kita sa harap ng simbahan''

********************************

[Natsumi's Pov]

This is the day. Ang tagal kong hinintay. Ang araw na 'to. Ito kasi ang unang araw na magdadate kami ni Basty.

Ang dami ko ngang hinagilap na magagandang places. Nagsearch ako ng maraming lugar na pwedeng puntahan. Gusto kong maging successful ang unang date namin.

At saka gusto ko pa kasing mas makilala si Basty.

Believe it or not. 6 months na kami ni Basty pero wala pa kaming first date. Paano kaya hindi niya ako niyaya makipagdate.

Hindi ko rin masabi sa kanya kasi nahihiya ako.

Pero one time nagkaroon ako ng chance para yayain siya. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko.

Ayun naging successful naman. Kaya magdadate kami ngayon.

Magiging maayos ang lahat. Alam ko naman yon.

*thump*

Medyo kinakabahan lang talaga ako. First time ko kasing magyaya ng lalaki na makipagdate.

Kadalasan kasi ako yinayaya. Siguro desperada na talaga ako. E paano naman kasi napakatorpe ni Basty.

''Sumi! Okay ka lang ba? Ang putla mo kasi''

''Okay lang ako'' at ngumiti ako ng tipid.

Pero bigla akong nakaramdam ng hilo ng dahil doon.

Kinakabahan pa ako lalo. Una naming pupuntahan yung....

Naramdaman ko na lang ang unti-unti kong pagbagsak papunta sa katawan ni Basty.

***

Nagising na lang ako na nakahiga ako sa kama. Kumurap kurap muna ako at umupo.

Hindi ko 'to kwarto. Nasaan ako? Bakit may kama dito? Ang huli kong natatandaan magdadate kami ni Basty.

Nang bigla akong mahilo. Tapos bumagsak ako sa kanya.

Nagpalinga linga ako at may nakita akong condom sa side table.

What the----CONDOM?

What the hell nasaan ba kami?!

Nasa?! Nasa Love Hotel ba kami?!

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. At nakita ko si Basty.

Nakarobe lang si Basty. My gosh? Bakit ang first date namin napunta ata sa gan'to.

Hindi pa ako handa.

''Basty...uwi na tayo'' sabi ko habang kinakabahan ako ng bonggang bongga.

''Alas dyes na kasi Sumi e'' at napakamot siya ng ulo.

Nakatulog ako ng matagal? Seriously?

''Huwaa! Talaga?'' At doon ako mas lalong kinabahan.

''Walang mga sasakyang dumadaan dito pag ganitong oras na. 'Di ba hindi ko dinala yung kotse ko. Kasi mas gusto kong mag commute tayong dalawa. Hindi ko pa kasi nararanasang sumakay ng jeep.''

Oo totoo yun. Hay naku! Paano na ako nito?

''Hala paano na nyan. Anong gagawin ko?''

''Kailangan talaga nating magstay dito baby. Sorry kung dito kita nadala kasi ito lang yung pinakamalapit na nakita kong hotel. Kanina ka pa kasi walang malay''

''Ah ganun ba. Si-sige dito na lang tayo mag-stay''

''Pero teka bakit pati ako nakarobe?'' Takang tanong ko.

''Nagsuka ka kasi. Pati ako sinukahan mo. Pinalitan nung naglilinis ng hotel yung damit mo tsaka siya na lang din daw maglalaba'' sagot niya.

''Ah ganun ba. Wait lang itetext ko lang si mama at papa ko'' sabi ko at kinuha ang cellphone ko sa side table.

''Okay'' at umiwas siya ng tingin.

Hala? Hindi kaya nagtatampo siya kasi...kasi parang tinatanggihan ko siya sa ano. Tapos baka ayaw niyang ipaalam sa mama at papa ko na magkasama kami.

''Tara Sumi kain na tayo. Hindi ka pa kumakain. Hindi ko alam anong paborito mong kainin kaya pinili ko na lang lahat'' at ngumiti siya ng tipid.

Nagtatampo ba siya sa akin?

''Ah! Salamat Basty! Tara kain na tayo'' kinakabahan kong sabi.

Sinimulan ko ng kumain ng pasta. Nang biglang ngumanga si Basty. At mukhang gusto niyang subuan ko siya. Kumuha naman ako ng pasta at akmang isusubo na 'yon sa kanya ng matapon iyon sa legs ko.

Kinarga naman agad ako ni Basty at dinala ako sa banyo. Binuhusan naman niya ng malamig na tubig ang legs ko.

''Buti na lang naagapan natin. Dahil kung hindi mahapdi 'to.'' At ngumiti ulit siya ng tipid.

Siguro nagtatampo talaga si Basty kasi 'di ko kayang ibigay ang pangangailangan niya bilang lalaki.

Pumikit ako. Kailangan kong lakasan ang loob ko. Hinalikan naman ako ni Basty sa labi.

At diniinan niya pa lalo ang paghahalikan namin. Humawak siya sa bewang ko. At unti unti namang tumulo ang mga luha ko.

Natatakot ako.

Tinitigan naman ako ni Basty. Tinakpan ko naman ang mukha ko. Tinanggal naman ni Basty ang kamay na nasa mukha ko.

''Why are you crying?'' Tanong niya.

''E kasi natatakot ako''

''Saan ka naman natatakot?'' Tanong niya sa akin.

''Sa ano. Sa alam mo na'' at namula ako. Nakakahiya kasi.

''Hahaha. Wala naman akong balak gawin 'yon. Wag kang mag alala baby'' at ngumiti siya.

''E bakit parang iniiwasan mo ko? Tapos umiwas ka ng tingin kanina sa akin?''

''May kasalanan kasi ako. Hinalikan kita habang natutulog ka. 'Di ko na napigilan e'' at napayuko siya.

Seriously? Akala ko talaga. Nagtatampo siya kasi ayaw kong makipag ano sa kanya.

''Pero wala kang inisip na ganun Basty?''

Napakamot naman siya ng ulo.

''Iniisip din. Lalaki pa rin kasi ako. Pero kung 'di ka pa ready okay lang. Handa naman akong maghintay e. At saka mas gusto kong gawin 'yon pag pinakasalan na kita sa harap ng simbahan''

Napangiti naman ako.

"I love you" turan niya at hinalikan niya ang aking noo.

"I love you too" at niyakap ko naman siya Ng mahigpit.

Hindi man si Basty ang masasabing perfect guy. Pero para sa akin ako na ang napakaswerteng babae dahil minamahal niya ako ng lubos.

-END-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Boyfie Kong Nerd [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon