Sana kayanin 'to ng emotions niyo. Hahaha. Sabayan niyo na rin ng malupit na tugtog sa right side para damang-dama. Keme! =))
--------------------------------
PAULO’S POV.
Hinihintay ko na lang magising yung natatangi kong prinsesa. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya ‘pag nagising na siya at ako na lang ang tanging nagbabantay sa kanya dito sa kubo nila. Umalis na kasi sila Tatay Lito at Nanay Pearl at mukhang pahirapan pa kapag nagising na si Patricia at malaman na wala na ang ama’t ina niya.
Masakit, malungkot, nakaka sawi sa puso. Wala man lang akong nagawa para sa mga mamamayan ko mismo dito sa hacienda, at wala man lang akong nagawa para ipaglaban ang dapat naman talagang ipaglaban. Siguro kung makakausap ko lang si Daddy Philip ngayon, punung-puno na ko ng sermon sa kanya.
“I’m really sorry. Dad, I’m very very very sorry. Mahina po ang anak ninyo. Duwag po ako. At tanging sorry na lang ang masasabi ko sa inyo.”
Nasa labas ako ng kubo nila Patricia, actually. Gusto ko kasing kumalma muna kahit alam kong malabong mangyari. Ang daming nagtatalo sa loob ng utak ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ko pwedeng itago o dalhin si Patricia. Galit ako sa mundo, oo, galit ako. Galit ako sa magulang ko, sa gulong nangyayari, sa walang kwentang mga tao. Hatred is what I feel right now.
Me: “Uuuuuugggggggghhhhhhh!” Napasigaw na lang akong bigla dahil gusto ko man lang sana na ilabas yung sama ng loob ko. Kasi, sobrang bigat na e. Ang bigat bigat na nito. “Mga walang kwenta!” Dugtong ko pa ulit.
“Paulo?” Napalingon ako sa tumawag sa’kin. At mula sa kubo… si Patricia. Si Patricia na nakasilip sa bintana at nagising na rin. Agad naman akong tumakbo papasok sa loob at agad siyang nilapitan.
Me: “You okay now?” I asked her habang hawak ko lang yung magkabilang balikat niya. But, she didn’t answer. “Kamusta ang pakiramdam mo? Masyado ka yatang naboost sa emotional kaya bigla kang nahimatay.”
Patricia: “Nasaan sila Nanay?” I looked straightly in to her eyes with a sad reaction. Hindi ako nakasagot agad dahil parang nablangko rin ako. Pero syempre, malalam at malalaman naman niya agad ‘yon. “Sagutin mo ko, Paulo. Nasaan sila? Lumabas lang ba sila?”
Me: “Th-They’re… They’re gone.” Sumalubong lang ang kilay ni Patricia.
Patricia: “Anong they’re gone? Bakit naman ako basta na lang iiwanan nila Nanay Pearl?”
Me: “Umalis na sila, Pat. Before you wake up…” I sighed. “Ang sabi kasi nila… para daw hindi mo na sila mapigilan pa at para hindi mo na daw sila kulitin na sumama ka sa kanila. They’ve decided na umalis habang tulog ka.” Parang hindi pa rin ma-absorb ni Patricia yung mga paliwanag ko sa kanya. I know na kapag ganito siya, it means hindi niya matanggap.
BINABASA MO ANG
Kung Sino Ang Aking Mahal | COMPLETED √
Teen FictionSi Paulo, isang lalaking laki sa America. At si Patricia, isang ordinaryong babae na nananahimik lang ang buhay. Paano kaya kung isang araw, nag krusang landas na sila, at nagsasama pa? Magkakahulugan kaya sila ng loob, lalo na't pag nalaman nila an...