CHAPTER 10
Haist. Another class has ended. Parang ayoko ng pumasok. Haha pero hindi pwde. Kailangan kong grumaduate.
1 text message from Alex
2 text messages from VaneBasahin ko nga muna yung ke Vane.
From: Vane
Gurl! San ka?
Ano nanaman kayang problema neto at hinahanap ako.
From: Vane
Hoy babae! Nasaan ka?!!! Gusto mo sumama sa bahay nila John?
To: Vane
Hoy! Kaka-out ko lang sa class. Bakit? Wala naba kayong pasok?
From: Vane
Wala na, bitch. Haha ikaw ba? Sama kana.
To: Vane
Wala narin. Walang prof eh. May sakit daw.
From: Vane
Ayun! Ayos. Haha san ka nyan? Dali puntahan ka namin
To: Vane
Nasa harapan lang kausap mga classmates ko.
From: Vane
Sige, papunta na kami jan.
Ano nanaman kayang gagawin namin dun kila John.
Wait basahin ko na nga lang din muna text ni Alex habang hinihintay sila Vane
From: Alex
Hi Cass! :) sama ka ?
To: Alex
Oo. Sinasama ako ni Vane eh. Saka wala narin naman akong class. Palipas oras lang. Maaga pa eh.
From: Alex
ah ganon? Sige. Papunta na kami jan. :)
Aba! Kasama pala si Alex. Nakooo Cassie! Very wrong! Very wrong!!!
Nakikita ko ng parating sila Vane. At confirmed na kasama nga si Alex.
"Tara na?" Excited na sabi ni Vane.
Tumango nalang ako at sumakay na kami sa sasakyan ni John. May dala palang sasakyan si John.
Sa bahay nila John...
"Babe, susunod paba sila Lin? Para alam ko kung ilan yung i-pprepare kong food." Tanong ni John kay Vane.
OMG! Sana sumunod yung iba. Awkward nito kapag apat lang kami.
"Nagtext si Lin sakin sabi nya try daw nya. May ginagawa pa daw sya eh. Saka hindi naman makasunod yung iba pag wala sya."
"John, lika dito. Tulungan moko mag mix ng drinks." Sabay nguso ni Vane samin ni Alex. Kunware di ko napansin pero mukhang alam ko na yung gusto mangyare ng mga to.
"Sige sige. Dun tayo sa kitchen mag mix. Para maayos ko narin yung food natin."
*kroo kroo*
Ang tahimik naman dito sa sala nila. Nakakabingi. Di pa kami nag-uusap nitong ni Alex. At ang layo pa namin sa isa't-isa.
In 3...2...1... Biglang lumapit sakin.. Kinuha yung remote sa tabi ko. Ehem! Para-paraan ka ha.
OMG! Ang bango nya. Lalakeng lalake ang amoy pero hindi masakit sa ilong. Ang bango. ❤️
"Ui. Tahimik mo jan." Sabay siko sa braso ko ni Alex.

BINABASA MO ANG
Friends in love..
Teen FictionIt started when we became friends. And then friends. Then friends. Until the last minute, we're still friends. Yung tipong kahit gustong gusto nyo, hangga't kayang pigilan , pipigilan. Let's see if Cassie and Alex are destined though ang dami nilang...