Paano kung, sa simula pa lamang hinayaan na kitang mag isa.
Paano kung, hindi nagtagpo ang landas nating dalawa.
Paano kung, hindi tayo nagkakilala.
Paano kung, nawalan ako ng interes na kilalanin ka.
Paano kung, hinayaan at pinabayaan ko yung kyuryosidad ko na hindi ka kilalanin pa.
Paano kung, hindi kita naging kaibigan.
Paano kung, hindi ako nahulog sa iyo.
Paano kung, kaibigan lang talaga,
Paano kung, magising ako isang umaga limot at wala na, magiging masaya ka kaya kapag limot na kita?
Hahanapin at hahagilapin mo pa kaya ang isang hamak na tulad ko?😔😔