GOMEZ! GOMEZ! GOMEEEZ!
Uhm sir yes sir..
Youre sleeping again in my class my goodness, eto ba ang asal ng isang FL student? Stand up and answer the problem on the board!
Patay! Wala akong alam dito negative sleep lang ako sa subject nato parate, kasi naman ang boring at ang sakit talaga sa ulo ng Advance physics😒
Girl! Gamitin mo to! Abot sakin ng kapirasong papel na may kopya ng formula.
Remie salamat labyu talaga😂
At mabuti naman nasagutan ko ng matiwasay ang pinapasagot ng teacher ko jusq nakakastress talaga yon.
Tapos na ang klase, naglalakad kami ng lima kong bestfriend papunta sa susunod naming room para sa huli naming klase.
Kyle: hoy nicolaine joshua ignacio gomez! Bakit natutulog ka nanaman ba kanina?
Ahh eh kasi...
Ella: tama na kasi ang pananaginip na magkakabalikan kayo ni john!
Lynette: oo nga! Tama si ella tama na asa!
Ha? Pinagsasasabi nyo?Move on nako no
Remie: move on? Caming from youuu! Dont us joshua dont us as if naman nakamove on kana.
Oo nga! Harap ng Diyos naka move on nako.
Inasar nila ako ng inasar hanggang sa hallway nagkulitan kami na para bang kami lang ang tao sa buong school😂😂😂
Ay teka shems! Sya nanaman? Ano ba to! Sa araw araw na ginawa ng Diyos wala bang araw na diko makikita to? Pero infairness ang gwapo nya OMG! Chinito😍😍😍😍
Remie: crush mo?😱
Tanong nya sakin sabay turo sa lalaking makakasalubong namin napatingin yung lalaki samin at napatigil
Ha? Ano?! Naka drugs kaba? Hindi ah mukhang bakla...
Remie: ahh ok titig na titig ka kase sakanya
Pasensya ka na ah may sapak tong bestfriend ko.
Sabi ko dun sa lalaki at ngumiti naman sya.Ng makarating kami sa room ay kinausap ko si remie.
Huy ! Nakakahiya ka kanina di naman natin kilala yon
Remie: kunyare kapa! Crush mo talaga yon!
Di naman sa crush ang interesting nya lang
Remie: ganon den yon!!!
Anjan na si maaaaam!
Sigaw ng kaklase kong si gabby
Matik na yon sya ang hudyat ng buong klase at doon ay naputol ang usapan namin.
BINABASA MO ANG
Would You Still Love Me The Same
Random"if i showed you my flaws, if i couldnt be strong tell me honestly would you still love me the same?" Gaano ka nga ba kalakas? Gaano ka nga ba kahandang tanggapin ang lahat lahat sa kanya? Hanggang kaylan mo sya kayang intindihin? Hanggang saan mo s...