Bahay na Sementeryo

136 4 0
                                    

Ito ay kwento ng kilala kong driver na nagdadrive ng mga paupahang sasakyan ng amo niya, siya ay si Rolly

Rolly!! Tawag ng isang lalaki ang gumising sa kanya habang umidlip sandali sa isang kubo sa loob ng compound na ginawa nilang garahe.

Ay boss magandang hapon, !! Bati nya dito sabay punas niya ang pawisang mukha dahil sa kainitan ng panahon.

Rolly baka naman kaya mu pang magbyahe ang trak nasa byahe kasi iyong ibang driver eh at ikaw at si Lando lang ang available., may halong pakiusap ng amo niyang lalaki.

Okey lang boss,. Para makaipon naman ako mangganganak na kasi si misis sa susunod na buwan,. Nakangiti niyang sagot sa amo.

Salamat rolly,. mamayang 7 ng gabi ang alis ninyo, tatlo pala kayo mamaya ang aalis at kasama mo sina Lando, at bryan para na din may katulong ka sa pagbuhat ng mga gamit at may karelyebo ka din sa pgdidrive medyo marami kasi iyon na dadalhin sa Cagayan. Pagkatapos non ay nagpaalam na ang amo niya.

Natulog ulit si Rolly dahil alam niyang medyo matagal ang byahe papuntang Cagayan, bandang alas 6 ng hapon ay dumating sina Bryan at Lando, pagkatapos icheck ang trak ay umalis na .

Napagkasunduan nila na Lando muna ang mag mamaneho, ng mga 9 na oras at siya naman ang susunod ng mga 9 na oras din,. Napagkasunduan nilang doon na kumain ng hapunan sa paborito nilang kainan ng bulalo halos mag aalas dose na noon ng narating nila iyon,. Kaya gutom na gutom silang tatlo at maraming nakain. Pagkatapos kumain ay biglang ininda ni Rolly ang paninikip ng dibdib,kinabahan naman si Lando kaya pinayuhan na lang niya na inumin ang baon gamot sa highblood tsaka pinayuhan si Rolly na umidlip muli para gumaan ang pakirniyang sagotamdam nito.

Nakaidlip si Rolly ng mga dalawang oras pagmulat nya ng knyang mata ay napanganga siya sa nakitang mansion na puno ng ilaw kaya kaakit akit sa paningin,.

PARE ang ganda naman ng bahay na yan---sabi ni Lando ng napansing gising na siya at nakatingin sa bahay.

Ou nga pre kelan kaya tayo magkakaroon ng ganyan kagandang bahay?! Hehehe --natatawa niyang sagot kay Lando...

Paglagpas nila sa magarang bahay,. Ay bigla nalang nagpagiwang giwang ang trak,. Isang tora ang bigla na lang sumulpot sa harapan ng trak buti na lang at maagap na naiwasan ni Lando ang tora.,

Hindi nakaimik si Lando ngunit bakas ni Rolly na sobra ang kaba nito at nanginginig pa ang mga kamay nito.

Muntik na tayo don pre!? Sabi ni Lando sa kanya ng tuluyang makabawi sa pagkabigla.,

Mabuti pa siguro pre magstop over muna tayo at umidlip ka rin kahit saglit lang nanginginig ka oh!?--sabi ni rolly sa kanya,.

Ihininto ni Lando ang trak sa isang mansion na may maraming ilaw kagaya ng nakita namin bago biglang sumulpot ang isang tora sa harapan namin. Hindi naman ako nagreklamo dahil sa tingin ko ay ligtas kami sa lugar na yon., kinatok namin ang isa naming kasama sa loob ng trak at sinabing matutulog muna saglit, at mabilis kaming nakatulog ni Lando noon.

Pasikat na ang araw ng nagising ako,. Ginising ko na rin si Lando at ang pahenante sa likod ng trak. Bumababa kaming tatlo dahil magkakape sana kami dahil nagbaon kami ng termos tinapay at 3 in one na kape. Parang napako ang mata naming tatlo sa nakita namin, sa loob ng malaking gate puro puting nitso at mga krus isang sementeryo hindi na iyong malaking bahay na nakita namin kagabi., Sa bilis ng kilos naming tatlo hindi namin na malayang nagsisiksikan na kaming tatlo sa trak at papalayo sa sementeryo. Hindi namin mawari kung bakit nawala na ang malaking bahay na aming nakita kagabi bago kami na tulog.

Noong pabalik kami itinaon naming maliwag pa bago namin madaan ang lugar na iyon,. At simula noon kahit mas malaki ang kikitain sA pagbyahe sa cagayan ay parehas kaming umaayaw ni Lando.

Philippines Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon