You Belong With Me [Chapter 45: Step Forward]

1.3K 19 6
                                    

[A/N: After so many jurassic years nakapag-update na rin. Hahaha. Grabe T^T Ang hirap. LOL. Pang short stories lang talaga ako. Hohoho. Thanks for reading! :)]

Sabine's POV

"Oo siya nga ang gusto ko! Hindi ko siya kinakahiya! Hindi siya downgrade! Yes, she's different but in a good way. She's so much better than someone I know. She's what I've been looking for! Masaya ka na ba ngayon, Paula? Nasagot ko na ba ang tanong mo?"

Waaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh! Sumasakit na talaga ang ulo ko! Hindi ko kinaya yung moment na yun! Hindi na dapat ako pumunta doon eh! Nadamay pa tuloy ako.

"Sige na, Sab. Friendship naman natin si Red. Gusto mo ba siyang mapunta doon sa bruhang Paula na yun? Niyurakan nung babaeng yun ang pagkatao mo! Kailangan eh hindi niya makuha si Red! Magpapanggap ka lang naman na kayo na ni Red."

Dalawang linggo ko nang iniiwasan si Red. Wala pa ako sa mood na kausapin siya. Hindi ko talaga kaya! Ayoko!

"Ikaw na lang! Bakit ako pa?"

"Eh sa ikaw yung gusto niya eh. Ako ba? Eh kung ako yun eh di go lang!"

Psh

"Hindi ko siya gusto! Masasaktan ko lang siya, Jas."

"Alam niya naman yun, Sab. Wala naman siyang hinihingi sayo di ba? 

Hindi ka naman niya pinilit na sumagot. Alam niya kung sino ang gusto mo. Saka neknek mo, alam kong kahit kaunti eh gusto mo siya."

Bakit ako pa? Bakit kailangan ako? Ang tahimik ng buhay ko eh. Bakit kailangan pang maging kumplikado? Alam ko dati pa na gusto ako ni Red. Halata naman eh. Ayoko lang talagang aminin sa sarili ko dahil baka  maasiwa ako sa kanya. Gusto ko siya pero not in that way. Wala akong balak magkagusto sa kanya romantically. Wala talaga.

"Hindi ko alam, Jas. Hindi ko talaga kaya."

"Kaya mo yan. Nanalo ka ngang Maria Clara."

"Iba yun eh. Jasmine naman maawa ka naman sa akin."

"Maawa ka naman kay Red. Si Paula pala ang gusto ng Mama niya para sa kanya."

"Hayaan na lang kaya natin? Baka naman meant to be talaga sila ni Paula."

Natahimik si Jasmine. Ano kayang iniisip nito? Kakalimutan niya na ba yung kalokohang naisip niya? Sana naman di ba? This is really a bad idea. Siguro nga maganda ang intention namin pero naba-vibes ko na hindi maganda ang magiging ending nito! Saka lokaret kaya yung Paula na yun! Mas masahol pa ata kay Nadine yun eh! Kalurkei! Wala na akong balak makabangga ulit si Nadine! Tahimik na ang buhay ko.

"Hindi ko akalain na ganito na kabato ang puso mo, Sab. Alam ko saglit palang nating nakikilala si Red. Hindi pa natin siya ganoon kakilala. Mabait naman siya di ba? Hindi siya katulad ng ibang mayaman diyan. Yun nga lang kaparehas siya ng ibang mga lalaki diyan. Pero ganun talaga boys will be boys. Tulungan na natin siya. Halata namang ayaw na niya kay Paula."

Nag-speech pa talaga!

"OKay fine."

"OH MY GOD!!! TALAGA?"

Hindi ko rin naman masikmura na si Paula at Red ang magkatuluyan sa huli! Itsura lang nung babaeng yun noh! Maganda lang siya! Yun lang at wala ng iba! Downgrade? Sinong downgrade? Asa siya noh! Tingnan lang natin kung hindi siya gumapang papunta sa akin para ibigay ko sa kanya si Red. Joke. Hehe

"Oo na basta tayo-tayo lang ang makakaalam nito! At hindi dapat malaman ni Cyrus! Hindi niya pwedeng malaman! Magpapakamatay ako!"

"Grabe. Drama queen! Bakit ayaw mong sabihin sa kanya? Natatakot ka na baka hindi siya pumayag? Ah. Natatakot ka na baka pumayag siya at ibigay ka niya kay Red."

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon