Pauna:
This story is the first book of a two-part story. Ang sequel ay nasa works ko sa profile. It's called "My Christmas Love"
Haha. Yun lang. =))
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
HELLO GUYS!
Una sa lahat, Thank you dahil binigyan niyo ng oras ang kwento kong ito. First completed story ko 'to kaya sana maintindihan niyo kung bakit medyo hindi siya maayos.
Kung hindi po pala kayo Thomasian, welcome na welcome pa rin po kayo magbasa dito! Before each chapter, i-eexplain ko ang ibang mga terms na baka hindi niyo maintindihan. :))
Lastly, Fan! Vote! Comment! kung nagustuhan niyo itong gawa ko. MARAMING MARAMING SALAMAT PO!! >:D<
Picture ng Lover's Lane sa UST kapag gabi ay nasa right. Mas ma-aappreciate niyo ang UST sa gabi kapag December ^_^ ------------------>
*[Para sa mga hindi familiar sa itsura ng UST campus, mag-popost ako ng mga pictures sa bawat chapter]*
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
PASKUHAN [noun] - A yearly christmas celebration held inside the University of Santo Tomas [UST] campus. A cause for celebration not only by the Thomasian community but also by beloved friends and family of the UST community. The fesitivities begin with the yearly Paskuhan Mass held the night before the Paskuhan concert. Usually, a huge feast of food is held after the mass. And on the exact date of the Paskuhan concert, various Filipino artsists are invited to entertain Thomasians and their friends. The night is capped off with an amazing fireworks display, aptly naming UST as "The Fireworks Capital of Espana, Manila". This event is open to all.
FOOD STUB [noun] - Isang maliit na ticket na ibinibigay sa bawa't estudyante bago ang Paskuhan Mass. Ginagamit ito para ma-claim ang libreng pagkain pagkatapos ng misa.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
STUDENT PROFILE
Name: Kathrynn Anne B. Fernandez
Nickname: Kath
Age: 18
Year Level: Third
Student Number: 2008-0016788
College: Engineering
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Kath's POV
Pinagmasdan ko sila manong habang sinasabit nila ang mga linya ng Christmas lights sa puno sa Lover’s lane. Nakasabit ito sa paraan na parang nahuhulog ang mga munting ilaw sa mga dahon ng puno. Ilang taon na ding ganito ang ayos ng mga 'to. Kahit ganoon pa man, hindi ko pa rin mapigil ang sarili ko na mamangha sa kagandahan nito. Hindi ko alam kung bakit ito ang pinagtutuunan ko ng pansin samantalang ang daming puno sa lugar na iyon. Marahil malapit ito sa field at sa main building at paborito kong lugar ito simula pa lamang nang una ko ng makasamang tumambay ang mga kaibigan ko sa lugar na 'yon.
Ngumiti si Manong habang nakatingin sa akin. Nginitian ko din siya.
“First time mo bang mag-Christmas dito sa UST, iha?” Tanong niya.
Umiling ako. “Hindi po. Natutuwa lang po ako kasi malapit na po ang Paskuhan.”
Tumango si Manong. “Ah, oo. Iyon naman talaga ang hinihintay ng mga studyante dito.”
Nginitian ko uli si manong bago ako kumaway at tuluyan na ngang nag-lakad papalayo. Malapit na din kasing dumilim at mahirap ng makahanap ng sasakyan sa Espana ng ganitong oras.
Nasa tabi na ako ng Arch nang may kumalabit sa akin.
Tinitigan ko ang lalaki na ngumiti at may inabot sa akin. “Nahulog mo 'to, miss. Sayang naman.”
Hawak niya ang food stub ko para sa Paskuhan.
“Thank you.” Nginitian ko siya at tuluy-tuloy na akong nag-lakad papalayo.
>////< Errr. Badtrip. Ang pogi pa naman ni kuya.
Naka-labas na ako ng campus. Sakto namang may jeep ng nakahinto sa tapat ng gate. Sumakay na ako.
Bago pa man umalis ang jeep, may sumakay pang pasahero. Hindi ko na siya binigyan ng pansin. Kasi ang mga mata ko, busy na nakatanaw sa mga christmas lights na nakabukas na. Napangiti ako mag-isa. Hindi ko alam na may napangiti din pala sa pagkakita ng ngiti na sumilay sa aking mukha.
*Itutuloy*
===================================================================
End Prologue
Ano sa tingin niyo guys? Para pala sa mga may tanong, mag-comment lang kayo. :)
FAN! VOTE! COMMENT! Kung nagustuhan niyo yung prologue. SALAMAT! :)
BINABASA MO ANG
I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]
RandomAng manliligaw mo na ideal guy mo rin o ang best friend mo na matagal ng may gusto sa'yo? Sinong mas matimbang sa puso mo?