IBANG MUNDO

25 0 0
                                    

P.R.O.L.O.G.U.E

Profile #1:

Pangalan: Jennifer Reed

Address: Kentucky

Ability: Nature

Profile #2:

Pangalan: Daniel Diggory

Address: England

Ability: Transformer

Profile# 3:

Panglan: Logan Cross

Address: New York City

Ability: Armas

"Paul, sunduin mo na sila. Oras na para sa pinaka-importanteng armas natin na ilabas" sabi ng babae.

Tumango ang lalaki at umalis na habang naiwan sa loob ng kwarto ang babae.

______________________

Ngayon..

Hulyo 5,2013

Jennifer's POV

"HALA!! MALALATE NA AKO SA TRABAHO!! PATAY! PATAY!!" Sigaw ko pagkatapos kong makita ang oras. 7:30 na ng umaga at alas utso ang pasok ko. Lagot talaga ako sa boss ko.

"Hon, relax ka lang. Ang mas mabuti pa ay maligo ka na at ako na ang magluluto ng agahan natin" sabi ni Josh sa akin. Siya ang asawa ko. Dalawang taon na kaming kasal at wala pa rin siyang kupas kung mag-alaga atmagmahal.

Dumiretso na ako sa banyo upang maligo at magsipilyo. Pagkatapos ko, lumabas na ako at nakita kong may nakahanda ng pagkain sa mesa.

"Hmm..sa tingin ko masarap yan" sabi ko sabay ngiti kay Josh.

"Syempre naman! Nilagyan ko yan ng sangkap na kung tawagin ay pagmamahal"

Namula naman ako. Bakit ang keso ng asawa ko? ^__^

Sabay kaming kumain ng agahan ni Josh pero hindi na kami masyadong nag-usap kasi baka malate na ako, dahil kapag nangyari yun, lagot ako sa aking among gwapo--ay, hehe pero syempre mas gwapo ang asawa ko.

***

Pagdating ko sa aking opisina, medyo 5 minutes late na ako, mabuti na lang at wala pa si Sir Gwapo--este Sir Daniel. Phew.

"Uy Jen, bakit nandito ka pa?" Tanong ng aking officemate na si Laureen.

"Huh? Bakit saan ba dapat ako?"

"Hello?! May business trip po kaya kayo nila Sir Daniel at Sir Logan"

O__O

Naku po!! Bakit ngayon ko lang naisip na may pupuntahan kami nila Sir?! Patay na!!

"Salamat Lau, sige,baba na ako, baka nasa baba pa sila Sir." Sabi ko at kumaripas na ako pababa. Hindi na ako gumamit ng elvator kasi puno na so nag hagdan na lang ako.

Sakto naman na nasa lobby pa sila Sir kaya tumakbo na ako ng bonggang-bongga.

"*hingal* Sir *hingal* sorry*hingal* late po ako" hingal ko."

Nginitian lang ako ni Sir Logan na muntik ng naging dahilan para mahimatay ako, buti na lang compose ako. Pero si Sir Daniel, *gulp* nanlilisik ang kanyang mga mata.

"Jennifer...." Lagot na. Ginamit niya ang buong pangalan ko.

"P-po?"

"Bakit ngayon ka lang?"

"K-kasi p-po n-nawala p-po sa i-isip ko na may business trip po tayo" sagot ko habang nakatingin sa sahig.

Nabigla naman ako ng tumawa ng malakas si Sir Logan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IBANG MUNDOWhere stories live. Discover now