Macy's Point of viewKami ng mga kapatid ko ang naatasang bumaba sa lupa upang kumaon ng mga kaluluwa ng mga patay ng Tao. Unang beses kong bumaba sa lugar na ito na kung tawagin nila ay lupa.
Wala rin along ideya sa gagawin o magiging buhay namin ng mga kapatid ko dito. Ang tanging alam ko lang ay simpleng pagkaon sa mga kaluluwang nakasulat sa mahiwagang libro na pinadala saamin ni Ina.
Hindi ko alam kung para saan ba ang gamit nito. Pero sa tingin ko ay lahat lamang ng nakasulat dito ang pinapayagan na pumunta sa portal papuntag langit.
Ipinaliwanag namin samin ni Ina ang lahat ng bagay bagay tungkol sa mga tao, gayundin ang pag kakaiba at pag kakapareho namin na sa tingin ko ay wala..
Ayun kay ina, ang mga anghel at Tao ay talagang magkalayong magkalayo. Unang una na lang ang kakayahan namin. Kung ang mga anghel ay may likas na kapangyarihan. At halos lahat kami ay may iba't ibang klaseng kapangyarihan at natural lang samin to.
Samantalang sa mga tao. Itinuturing nilang kakaiba ang mga taong may kapangyarihan. Wala silang taglay na kapangyarihan. Namumuhay sila ng normal.
Sinabi rin samin ni Ina na ang mga tao ay may likas na damdamin. Yung tipong nag mamahal daw sila ng lubos sa kapwa nila. At isa pa ay may buhay at pumipintig silang puso. Ito rin daw kasi ang dahilan kung bakit sila nabubuhay.
Samantalang kaming mga anghel ay kakaiba sa kanila. Oo nga at pareho kaming nag mamahal pero hindi buhay ang aming puso. At hindi kailangang pumintig nito para lang mabuhay kami.
Isa pa. Hindi rin daw kami katulad ng mga Tao. Hindi nila kami nakikita kahit na nasa palagid man nila kami. O kahit kaharap pa man nila kami. Isa pa wala daw masama kung madaanan man nila kami. Wala naman daw kasing magiging epekto ito sa amin man o sa kanila.
Napaka dali naman pala ng misyon namin na ito. Simple at walang hirap.
Nagsimula na agad kami nina kuya sa misyon namin. Nalaman kasi namin kay ina na ang misyon namin ay hindi lang pala nagtatagal ng isang araw, kundi isa buong taon.
Haystt. Sininulan ko na din ang dapat kong gawin at kagaya ng sabi ni Ina. Naglalampasan lang kami ng mga tao. At wala lang naman ito sa kanila.
Ngunit ng makarating ako sa lugar kung saan naroon ang kakaunin kong kaluluwa. At habang nasa gitna ako ng daan. Isang lalaki ang tumatakbo at nag mamadali. Ay lumampas saakin.
Akala ko ay walang iba mangyayari pero mali ako. Bigla akong nawalan ng balanse. Napaatras ako at nabitawan ko ang librong hawak hawak ko. At higit sa lahat kuminang ang dibdib ko. At may naramdaman along nangyayaring iba sa loob nito. Anong nangyayari sakin.?
Nawala ako sa sarili ko ng halos ilang minuto. Hanggang sa dumating si kuya Leo.
Leo's Point Of View
BINABASA MO ANG
Hi School Love On (Fan Made Story) *on-going*
RomanceAnyeong! Konnichiwa! Ang story na ito ay binuo ng mga taga-hanga ng "Hi School Love On" naisipan ko/naming gumawa ng sarili naming storya na inspired sa k-drama na hslo. Maraming twist ang magaganap sa storya ito. Maaaring malihis o maiba ang ilan...