Janella's P.O.V
Dinire-diretso ko ang paglakad at nung nakarating na ako sa may bandang dulo ay natatanaw ko na ang pagmumukha ni ma'am. Weeeeyyyyyttt, s-si Ma'am? Waaaah lagot ako nito. Lalo na pag nahuli niya akong late na naman :'(
What to do? What will I do?
Nakakainis naman eh. Sunod-sunod ang malas ko ngayon ah!
Strikto pa naman yun.
Haaay bahala na nga. Dahan-dahan akong humakbang papasok ng room pero nang nasa may bintana na ako na katabi lang ng pintuan ay may biglang tumawag sakin..
"Enriquez"sumilip naman ako sa bintana at nakita ko na naman ang isa pang asungot sa buhay ko si John Michael.
"huy!"pabulong na tawag niya sakin
"ano?" iritang sagot ko.
"'to naman. Ang aga-aga ang init na agad ng ulo"nakangising sabi niya. pano ba naman kasi ang aga-aga mukha mo agad nakikita ko. Nakakabwisit.
"Ganito nga kasi. Ilapag mo yung bag mo dyan sa labas tapos pumasok ka ng dahan dahan para hindi ka makita ni ma'am." aba, alangan naman noh. Tanga neto, anong akala niya hindi ko naisip yan? Psh.
"Abnormal ka ba? Alam ko ang dapat kong gawin at isa pa hindi mo na kailangan pang sabihin kung ano ang dapat kong gawin. Anong akala mo sakin bobo?"
Bwisit kasi eh-_-. Di ko tuloy maiwasang hindi mabadtrip sa kanya. Kainis!
Pumasok na ako at kung minamalas ka nga naman! Biglang lumingon si ma'am sa gawi ko at boom. tsk tsk nakita niya na ako. Hayst! Ano ba namang buhay 'to!
Ano nang gagawin ko ngayon?.
Kung hindi lang talaga kailangan, hindi ko gagawin 'tong naiisip ko ngayon. Bahala na nga.
"Magaling-magaling Ms. Enriquez!" bungad niya sakin. Haaaayy mapag iinitan na naman ako nito. I think I have no choice.
"Thanks, but no thanks.." i said. Well, naisip ko lang naman na... uhm. hehe. tarayan nalang siya kasi mukhang kapag ginawa ko yun eh maiinis siya at titigil nalang. You know, matanda na siya kaya medyo magpipigil siya dahil baka tumaas ang BP niya :)..
Nakita kong umismid muna siya bago siya ulit nagsalita. Senyales na inis na siya. Hmm, mukha namang effective ang plano ko.. Mwuahahaha!!! Mukha na ba akong kontrabida sa pelikula?. Hayaan niyo na, minsan ko lang mainis to eh.
"Anong oras na? At bakit late ka na naman?" sabi niya. Sa tingin ko, dapat ko nang isagad ang pagtataray ko to the highest level ^_^V
"I'm so sorry Ma'am wala kasi akong relos so I can't tell you the time right now. Oh, bakit hindi niyo po subukang tingnan yung relos niyo? Meron naman kayo niyan itatanong niyo pa sakin. At tsaka kararating ko lang po kaya ako late" sabi ko giving her my sweetest smile. Alam niyo na para lalo siyang mainis.
At hindi nga ako nagkamali. Asar na asar na siya kaya naman...
"Alam mo bang may test tayo ngayon?"Hahaha! Gusto ko pa sanang sabihin na 'pano ko naman malalaman eh kararating ko palang? at tsaka kung makasabi ka naman po na may test TAYO. Para namang kasali ka. Hindi ba mas magandang sabihin na "may test KAYO ngayon".' Kaso mas pinili ko nalang na manahimik baka kasi buminggo ako kay Ma'am. Mahirap na.. Mabuti na yung nag-iingat.
"and as your punishment hinding-hindi ko tatanggapin ang test paper mo kung sakali man na magpapass ka kaya kung ako sayo wag kana lang gumawa kasi masasayang lang ang pagod mo!"
BINABASA MO ANG
A BEAUTIFUL GOODBYE
Teen FictionA story of a high school lovers. But will they end up together? Or will they end up taking each other's path separately?