First Story ko ito, sana ma-enjoy niyo!
Si Kandyl yung nasa kaliwa at si Zaphara naman ang nasa kanan. ^^
Zaphara's POV
"Okay class, let's start. Group yourselves into two." Pagkasabi ni Ma'am nyan ay agad nagsipuntahan ang mga kaklase ko sa sa mga kaibigan nila, yung iba nga lang nagtatalo kasi tatlo silang magkakaibigan. Haaay~ Nagpa-plastikan nalang kasi kayo, sabi ng isipan ko.
Magtataas sana ako ng kamay nang pigilan ako netong baliw kong kaklase na si Eldritch.
"Sasabihin mo nanaman kay maam na mag-isa ka nalang gumawa? Tss." Naiinis na tanong ni Eldritch.
"Wala rin naman akong makakapartner." Naaasar kong sabi sakanya.
"Kaya nga ako nandito eh." Pagkasabi ni Eldritch habang nakanguso.
"Mukha kang bading, Dritch. Umayos ka nga." Pang-aasar ko sakanya.
"Gwapo ko namang bading." Sabi niya sabay lapit kay maam.
Ako nga pala si Zaphara Mavis Blyton. 4th year highschool. Tahimik, walang kaibigan dahil ayoko nang maulit yung nangyari nung elementary ako. Sa school lang ako ganun pero kapag sa bahay, makulit, masayahin at palabiro ako. Isa lang kapatid ko, at yun ay si Kuya Raven Chase Blyton, close ako kay kuya kasi siya yung madalas kong makalaro. Mahilig ako sa sports pero sa girl's basketball ako sumali dito sa school namin. Yung kaninang baliw kong kaklase ay si Damien Eldritch Carson, multo yan eh. Dejoke. Palaging nanggugulo yan, hindi ko na nga pinapansin kinakausap parin ako. Peste sa buhay. Dritch tawag ko sakanya kas-----Huy! Mavis!
"Zaphara Mavis!" Kanina pa pala ako tinatawag ni Dritch.
"Nande? I mean bakit?" Pagtatanong ko.
(Nande po ay what or why sa Japanese.)
"Yan gusto ko sayo eh. Nagbell na kasi. Di ka pa ba uuwi? Sabi ni maam bukas nalang daw ituloy to." Sabi ni Eldritch pero may sinabi pa siya sa una kaso hindi ko narinig dahil pabulong niya itong sinabi.
"Sige. Bukas nalang tayo mag-usap. Sayonara." Pagpapaalam ko.
"Okay. Ingat ka! Sayonara!" Sabi ni Dritch pero lumabas na rin ako ng room at di na siya pinansin.
You're probably thinking why I don't express myself to someone. Well, that's because ayokong maging close sakanila for some reason. Ayoko ng kaibigang manloloko. Hangga't maaari ayokong magkaroon ng kaibigan. Sapat na sila mama, papa at kuya. Habang naglalakad ako may nakasalubong akong grupo ng babae. Napatingin sila sakin at nakita ko naman yung babaeng sinasabunutan nung leader nilang mukang clown. Geez! I hate clowns. Napatingin sakin yung babaeng sinasabunutan pero umiwas din agad ito ng tingin.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Tanong ng Cleader.(clown leader)
"Tigilan niyo na siya." Sabi ko at hinila yung babaeng kinakawawa nila.
"Teka! Wala kang karapatan!"Sagot ng CLdeader(clown leader)
"Yeah. Pero mas wala kayong karapatang saktan siya at may karapatan ang teacher niyo na malaman ang ginagawa niyo." Pang-aasar ko sakanila. Nilabas ko ang phone ko at nagdial kaya bigla silang nagsi-alisan.
"H-hindi mo na dapat ginawa yon. Kaya ko naman eh." Sabi nung babaeng hawak ko.
"Tss. Sumama ka nalang sakin." Sabi ko sakanya.
"Ayoko. Uuwi na ako." Sagot naman niya.
"Uuwi ka ng maraming sugat sa katawan o sasama ka sakin?" Seryoso kong tanong sakanya.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
HumorWhat if you encounter someone that you'll be sharing your future with? At paano kung hindi lang siya basta-bastang tao? Na siya pa yung..... What if you need to do something about this book? At paano kung kailangan kasama siya? And what if both of y...