NICA's POV
"Good Morning Sunshine." Masiglang sabi ko habang nag iinat-inat pa ng kamay.
YES! START NA NG KLASE. Inagahan ko talaga yung pag alarm ng cellphone ko para maaga akong magising para sa pag pasok kahit na anong oras na kong naka tulog kagabi maaga padin akong gumiseng. Wala e, sabik sa pag aaral hehe. Last last week ko pa hinintay yung araw na to. Dahil sobrang namimiss ko ng pumasok ng school dahil isang taon din akong natigil sa pag pasok. Alam na.. finacial.
Btw, Let me introduce myself. I'm Nicaella Cruz, Nyx/Nica for short, 17 y/o 1st year college taking Business Management. Yep! kahit mahirap yung course. Gusto ko kasi pag nakapag tapos ako ng pag aaral magkaroon ako ng sarili kong business na book store na coffee shop, yung parang coffee shop sya pero napapalibutan ng libro. Ay! basta libre lang mangrap kaya wag kang ano jan.
Niligpit ko mo na yung pinaghigaan ko at bumaba na din at dumireto sa kusina para mag luto ng aalmusalin ko. Nag prito lang ako ng isang itlog at nag toest ng dalawang tasty para sa umagahan ko. Hindi ako mayaman gaya ng iniisip nyo hahaha. Nakikitira lang ako sa apartment ng kaibigan ko na hindi naman gaanong kalaki pero sapat na sakin. Up and down sya na may maliit na kwarto sa taas ilang hakbang lang ay baba na agad at bungad agad sayo yung sala na may pinaglumaang mga sofa at sa right side may cr, then sa left pinaghahatian ng kurtina para lang maging lutuaan.
Nag babayad ako t'wing sahod ko sa pinagtatrabahuhan ko na hindi gaano kalaking restaurant. Part time job ko yun pag gabi. Kaya Studyante sa umaga server sa gabi. Wala eh! Kailangan kong kumita para mabuhay ako.
About naman sa parents ko 10 years old ako ng pumanaw ang Mama ko dahil sa sakit at ang magaling ko namang tatay baby palang daw ako iniwan na kaming dalawa ni Mama kaya pinalaki nya kong mag isa pero maaaga din palang kukunin sakin kaya eto ako ngayon nag iisang namumuhay. Oppppps! Stop na. Maiyak ka pa.
Hinugasan ko na yung ginamit ko sa pagkain at dumirest na ng banyo para maligo. Ilang minuto lang ay natapos na ko at nag bihis ng uniform. Umikot-ikot ako sa salamin na naka dikit dito sa kwarto at sobrang natutuwa ako dahil ang ganda ng uniform. Yung pang ibaba skirt na above the knee at yung pang itaas naman ay white longsleeves na pinatungan ng chaleko.
Bongga no? Pang mayaman hehe. Hindi ko din naman inaasahan to. Sakto kasi na nag sesrve ako sa restaurant na pinapasukan ko naka kita ako ng flyer na may scholarship sa sikat na university na malapit dito sa pinapasukan ko. Eh saktong nakita ako ng prof ata don na nakatitig sa flyer kaya tinanong nya ko kung gusto ko daw bang mag aral at may inaalok silang scholarship one a time lang.
Napa-OO agad ako kaya kinabukasan pinag take nya ko ng exam na hindi ko alam na may ganon-ganon pala. Sobrang nanlumo ako non dahil akala ko hindi ako makakapasa sa exam pero nagulat ako ng may matanggap akong message from university na naka pasa daw ako at wala na daw akong dapat pang bayaran dahil napasa ko yung full tuition fee na wala ng babayaran. About naman sa mga projects or baon may ipon naman ako at may trabaho kaya makakaraos ako neto. Gusto kong maging proud sakin si Mama kaya gagalingan ko.
Nag pakain talaga ako ng pancit non sa mga katrabaho ko. Jusko kahit na malas pala tong buhay ko ay may swerte pading papasok sa buhay ko. Kaya chadangggggg, naka suot nako ng uniform na isa sa pinakasikat na university dito sa pilipinas.
Nag huling sulyap pa ako sa salamin bago isinukbit yung bag ko. "This is it. Kaya mo yan Nyx Aja!." Pag chi-cheer ko sa sarili ko.
Dumiretso mo na ako sa pinapasukan kong restaurant bago dumiretso ng school na malapit lang naman dito. "Nanay Tanyaaaaaaaaa" sigaw ko agad ng makapasok ako sa restaurant kahit na closed pa yung sign nya sa pinto dahil nag lilinis pa sa loob at mashado pang maaga para mag open agad. Nakita kong natigil sa pag lilinis yung mga kasamahan ko dito at sabay sabay na ngumiti na malawak.
"Bagay na bagay sayo yung uniform anak." Naka ngiting sabi ni Nanay Tanya.
Ako yung pinakabatang server dito kundi may anak na may apo na yung mga kasama ko dito kaya turing nila sakin nakakabatang kapatid o anak. "Hehe salamat po Nanay Tanya. Anjan po ba si Manager Tim? Mag papasalamat lang po ako." sabi ko.
"Im hereeeeee." masiglang sigaw nung nasa likod ko kaya humarap kami don.
Niyakap ko agad sya at hindi ko mapigilang mapa luha. "Ay umiiyak si Baby Nica." umarte-arte pang naiiyak din si Ate Aila kaya bahagya kaming natawa. "Manager Tim sobrang thank po you talaga. Kung hindi mo tinanggap dito malamang nyan nag hahanap padin ako ng trabaho." naiiyak kong sabi.
Si Manager Tim yung nag papasok sakin dito sa restaurant. At parang mag kakapatid na talaga yung turingan naming lahat dito. "Nako! Nako! tumigil ka nga sa kakaiyak mo jan. Unang pasok mo namamaga yang mga mata mo papanget ka nyan sige ka." sabi nya habang pinupunasan yung luha ko. "Ang ganda ganda mo sa suot mo." dagdag pa nya at pinaikot ako habang hawak yung isang kamay ko.
"GROUP HUG" sigaw ni Kuya Tonyo ng lumabas sya sa bar counter kaya nag takbuhan sila papalapit samin ni Manager Tim at niyakap kami.
Sila na yung tumayong pamilya ko simula ng makapasok ako sa restaurant at sobrang sarap sa feelling kahit na hindi kami mag kakadugo nag tuturingan parin kaming kapamilya.
"S-stop na. Hindi ako makahinga." natatawang sabi ni Manager Tim kaya nag sialisan sa yakap. "Pag butihan mo hah. Para pag naging successful ka kami naman ang mag tatrabaho sayo." naka ngiting sabi ni Ate Aila. "Osya baka malate ka na at mag bubukas na din kami. Good luck." sabi ni Manager Tim.
Tumango ako at bahagyang pinunasan yung basa sa pisnge ko. "Thank you! Thank you! Gagalingan ko at pag naging successful ako bibilhan ko kayo ng sari-saring restaurant." Seryoso kong sabi. "Hihintayin ko yan hahahahahaha." natatawang sabi ni Kuya Tonyo kaya nag tawanan din kaming lahat.
Lumabas ako ng may ngiti sa labi ko at tumawid na sa pedestrian lane at nag lakad na papuntang Entrance ng University.
This is it.
Kailangan ko ng sanayin makisalamuha sa mga iba't ibang uri ng ugali ng tao.to be continued ...
Nicaella Cruz on the Multimedia.
BINABASA MO ANG
When i met a Gangster [On-going]
Teen FictionWritten by Angelika Santos Copyrights, 2016