Ngayon lang nangyari ito sa lahat ng pag kakataon na nagkukwento si Ina tungkol sa tao.
Hindi dapat tumitibok at nabuhay ang puso ni macy, ng dahil sa isang tao.
Napagdesiyunan nyang umakyat sa kanilang kaharian upang kunsultahin ang kanilang Ina.
Ann's Point Of View
Abala ako ngayon sa mga kaluluwa na pinag hihiwalay namin. Hindi naman kasi porket kinaon na sila ng mga anghel ay pupunta sila sa langit.
Dumadaan sila sa portal papunta sa gate ng kaharian ng langit. Lahat sila ay doon tumitigil. Nasa pangangalaga ko ang pinaka mahiwagang libro.
Na kung saan, ay dito nakasaad ang mga pangalan ng mga taong nabibilang sa langit. At kung sakaling wala ang pangalan mo dito. Utomatikong bubukas ang mga ulap na tinatapakan mo. At mabubulog ka sa ibaba.
Kasalukuyan ako ngayong isinasara ang gate dahil wala ng kaluluwa.
Nabigla ako ng makitang si Leo ay padating, ano kaya ang pakay nya?
Napansin naman nya agad ako, kaya naman lumapit sya sakon at agad akong niyakap. Namimiss ko na silang mga anak ko.
"Oh Leo? Anong sadya mo dito? Nasaan ang mga kapatid mo?kamusta naman kayo sa lupa?" Masayang kung bati sa kanya..
Pero halata sa mata nya ang pag aalala. May masama bang nangyari kaya sya naparito.?
"Ina, maayos naman kami sa lupa, pwera kay Macy." Saad nya habang nakatungo.
Pwera kay Macy? Anong nangyari kay macy?
Anong nangyari sa anak ko Leo? Nag aalala kong sambit.
Ikinuwento nya sakin ang nangyari kay macy sa lupa. At hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala. Hindi ko halos maintindihan.
Paanong mangyayari ang bagay na yun? May ideya ako. Ngunit hindi yun dapat manyari. Anghel ang anak ko, at tao ang isang iyun. Malabong mangyari ang bagay na yun. Pero ano ito.
Kitang kita ko rin na nag aalala at nag tataka si Leo sa mga nangyayari kay macy.
Naalala ko din ang sinabi ng punong reyna noon, may nailigtas na daw na tao si Macy, ng minsang bumisita sila sa lupa kasama ang punong reyna.
At katulad ng nakatala sa aming mga alamat. Sinasabi ng punong reyna na kung sino man ang iligtas ng isang anghel ng kamatayan mula sa kamatayan ay ang nakatagda para sa kanya. Dahil bibihirang mangyari na sumagip ng kaluluwa maging ng buhay ng tao ang isang anghel na kamatayan na katulad namin.
Akala ko noon ay isa lamang ito alamat ng mga matataas na anghel. Pero pano kung totoo ito? Possible bang? Ang lalaking yun ang~
Hindi ko natuloy ang iniisip ko ng magsalita si Leo.
Ina, alam nyo ba kung anong ibig sabihin nito?Alam nyo po ba ang nangyayari na ito? Dati nyo rin po bang naranasan ito? Ina~ hindi na nya naituloy ang nais nyang sabihin ng putulin ko ang pag sasalita nya..
Lumapit ako sa kanya, at tinapik ang braso nya.. Anak, alam kong nag aalala ka kay macy, hindi ko pa yan naranasan noon, o kahit kelan pa man. Wala akong ideya kung ano nga ba ang nangyayari sa kapatid mo, wag ka ng masyadong mag alala kasi sigurado naman ako na magiging maayos pa rin ang kapatid mo. Saka ko sya niyakap.
Ramdam kong bumuntong hininga sya. Masyadong nag aalala si Leo. Kaya naman pagkatapos ng pag uusap namin na yun. Pinabalik ko na sya sa lupa. Malamang ay hinahanap na sya nina hannah.
Leo's pov
Alam kong may ideya na talaga si Ina tungkol sa mga nangyayari. Alam kong may nalalaman na sya kahit hindi nya pa ito nasisigurado.
Ayaw nya lang talaga sabihin. Kaya ako na ang bahalang alamin yun.
Nakababa na ako sa lupa. Pinili ng mga kapatid ko na manatili sa bubong ng isang building. Inayos ko na lamang ang isang kwarto sa taas nito na sa tingin ko ay hindi naman na ginagamit..
Iniwan kong nag papahinga si macy sa lugar na yun. Inisip ko kasi na baka nanibago lang sya kaya yun nangyari. Pero ngayon iba na ang kutob ko.
Kasama naman ni maci sina Jamaica at allona. Inutusan ko kasi si Hannah at shidah na sila muna ang kumaon sa kaluluwa na nakaatas kay macy. Siguro hindi ko muna sya isasama sa mga gagawin namin.
Dumating ako sa lugar na pinag iwanan ko kay macy, akala ko ay maaabutan ko doon sina allona at Jamaica, o kahit sina Hannah o shidah. Pero wala sila doon.. Saan naman sila pumunta ng sabay sabay..?
Nakita ko lang si macy na nakaupo at mukhang may iniisip, naiinis ako kapag di ko mabasa ang expression nya sa kanyang mukha.
"Kamusta ka na macy? Pagtatanong ko kay macy.
Kumunot naman ang noo nya na parang nag tataka.. Masama na ba ngayong magtanong?
"Kuya, wala akong sakit, o kahit na tanong nararamdaman! Pagsusungit na sagot nya sakin.
"Nasaan yung apat macy? Pag babago ko sa usapan. Ayaw kong magtanong pa sya sakin, dahil halos pareho kami ng naiisip. Di malabong di nya mahalata na may kakaiba.
Umalis sila. Tiningnan lang nila yung libro at nag paalam na tutulong sila kina Hannah. Kaya ba nila yun kuya? Tanong ni macy..
Oo nga,mga bata pa sila.. "Aalis na muna ako sa ngayon, dito ka na muna. " sabi ko sa kanya.
Ku~ahh si kuya mag iingat kayo.. Akala ko nga aayaw pa sya pero pumayag sya? Weird.
Umalis na ako, at hinanap ko na yung apat.
Macy's Point Of View
Lumabas ako ng konti at sinilip si kuya. Naglaho na lang sya,mabuti naman. Sadyang pinilit ko yung dalawa na sumama kina Hannah.
Buti na lang din umubra ang palusot ko kay kuya. Akala ko kasi di pa sya maniniwala eh.
May plinano ako. At hindi ko lang alam kung pano ko yun gagawin.
BINABASA MO ANG
Hi School Love On (Fan Made Story) *on-going*
RomanceAnyeong! Konnichiwa! Ang story na ito ay binuo ng mga taga-hanga ng "Hi School Love On" naisipan ko/naming gumawa ng sarili naming storya na inspired sa k-drama na hslo. Maraming twist ang magaganap sa storya ito. Maaaring malihis o maiba ang ilan...