To be a decent woman, ang sabi sakin ng Mama ko, "Hindi naghahabol ang babae. Sila ang hinahabol."
That struck my mind. Ang hirap maging babae no? Yung mga gusto or crush natin di natin magawan ng mga damoves. Never dapat tayo maging aggressive.
And I have crazy antics na di na yata maalis sakin. To run away. Pag di ko na kinakaya yung sitwasyon, I ran away from it. Hide from all of the problems. Coward eh? Dunno.
Sabihin niyo na napaka-OA ko naman pero what's new? Marami rin namang katulad ko eh. Pilit na kinakalimutan yung mga problema. Kahit na di naman talaga nila kaya. Di kasi talaga ako ka-comfortable pagdating sa mga lalaki. Maarte na okay. Pero anong magagawa ko eh.. ganun talaga ako. Sa bahay namin puro babae. Si Papa? I don't know.
But there's one boy na... pwede ko na sigurong isali sa buhay ko? Kahit na naiinis ako sakanya.
He's...courting me. O kung courting man na tinatawag yun. Sabi niya eh. Anyways, yun nga. At dahil nga isa akong baliw. Ayun, lagi ko siyang tinatakbuhan. But unfortunately, tumatakbo din siya. Papunta sakin. Tch.
"Good Morning!" pambungad na bati sakin ng lalaking ito.
Di ba siya nakakaramdam na naiinis ako sa paglapit niya?
"Di na maganda. Shupi." pagtataboy ko sakanya.
"Ikaw di na naging maganda? Kailan pa? Parang di ko naman makita?" sabi niya habang tinititigan ang mukha ko na para bang naghahanap ng dumi.
Grabe naman talaga oh.
"Layas!" at hinawi ko ang mukha niya. Aray.
Eto nanaman yung kilabot. Lagi nalang eh. Ayun. Tumakbo nanaman ako.
"Huy Raya! Saan ka nanaman pupunta?" tanong niya sakin habang hinahabol ako.
Di ba siya napapagod kakahabol sakin?
"Kung saan malayo sayo. Di mo ba napapansin na lagi ka nalang humahabol sakin?"
Baliw ka talaga. Bakit mo sinabi sakanya yun? Eh pero tama naman diba? Bakit ko pinipigilan sarili ko na sabihin yun sakanya eh totoo naman?
"Hahaha. Saan ba yung tinutukoy mong paghabol sayo?" tanong niya habang nakatingin sakin at nakangiti.
Nakakangiti pa siya ng lagay na yan eh.
Wait. Ano daw?
"Anong sinabi mo?"
"Ang sabi ko saang paghahabol ko ba yung binabanggit mo. Saan ba Raya?" mas tumitig siya sakin habang nakangiti pa din.
Speechless.
Umiwas ako ng tingin habang napalunok. Susuko na ba siya?
Lumapit pa siya sakin.
"Anong paghahabol ba ang tinutukoy mo Raya? Itong pagtakbo ko papunta sayo o yung pagtakbo ko papunta sa puso mo?" seryosong sabi niya sakin at lumapit ulit.
Bago pa ulit siya makalapit sakin eh hinarang ko na yung mga kamay ko kaso dahil sa kung ano man na naramdaman ko ulit galing sa kamay niya eh nabawi ko kagad yun.
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Raya, dalawang taon na rin ano?" tumingin siya sa langit at ngumiti.
"Dalawang taon na kitang hinahabol kaso lagi mo akong tinataguan at tinatakbuhan. Kailan kaya kita mahahanap at makukuha?"
"A-ano nanaman ba sinasabi mo?" Sa wakas. Nahanap ko na rin ang boses ko.

BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Teen FictionLet's play Hide and Seek. There's only one rule: Finders Keepers I hope someone will find me soon.