MISAKI'S POV
Anong meron kaya?
Napabuntong hininga muna sya bago mag-salita si Henry.
"Ikaw ba si..."
"Oo ako nga."
Ngumiti lang sya sakin at nag-babasa nang folders. Ay! Anak ng! Sinabi ko ba talaga yun! Ano kaba Misa!!
"So, nasayo ang katana?" Oo na sa akin, ayaw ko lang gamitin.
"Oo, nasa akin nga." sabi ko sa kanya.
Alam mo naman na nasa akin! Hindi kanaman makakalimutin lalake neh?Napatingin nalang ako sa bintana at nag-iisip, bakit ba gustong ilihim ni Akariu na sya si Black Cat? Ako okay lang na hindi mag-maskara eh, napag-desisyon ko na aminin na ako nga si Black Wolf. Pero si Akariu, ayaw nya.
Biglang nag-salita si Henry.
"Bakit mo nililihim sakin to?"sabi nya sakin. Napatingin nalang ako sa baba.
"Wala namang mangyayare kung sinabi mo ang totoo, Misa." sabi nya."Ayaw kong madanay, ayokong may nang-stalstalk sa bahay ko at baka may masamang gawin sakin, Henry." biglang tumulo ang mga luha ko. "Ilang buwan na nawawala si Mama ko, nag-aalala ako sa kanya. Mahirap lang ako Henry, kaya ako sumali dahil gusto kong lumakas, pero pag-dating sa Pamilya, mahina ako Henry... Mahinang-mahina ako..."
Biglang may tumabi sakin at niyakap nya ako pero nakatalikod ako, masarap sa pakiramdan na niyayakap kanang kaibigan mo.
"Andito ako, andito kami Misaki. Hindi ka nag-iisa, kapag may problema ka sandalan mo ako." sabi ni Henry. Tumingin ako sa kanya at nakatingin rin sya sakin, ngumiti sya.
"Salamat Henry, dahil andyan ka palagi sa tabi ko." yun lang ang nasabi ko sa kanya, niyakap ko narin sya. Feeling ko, safe ako kay Henry.
*thump* *thump* *thump*
Anong klaseng feeling to? Ba't parang mabilis ang tibok nang puso ko kapag niyayakap nya ako? Aish! Syett! Yaan na nga!
Bumitaw si Henry at inarap nya ako, tsaka sya ngumiti. "Hindi mo bagay na naka-nguso,feeling mo naman maganda ka." sabi nya. Ang kapal nang mukha nya! Yayakapin nya ako tapos yan lang ang sasabihin nya?! Abnormal amfuta!
"Tssk! Tama na ang dramahan, umuwi na tayo Henry." sabi ko at tatayo na ako pero hinawakan nya ang kamay ko para ihinto ako.
"Satin lang to Misaki, hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino ito."sabi nya at tumayo narin sya uli."Umuwi na tayo."
Umuwi na kami ni Henry at Parehas pala kami nang train na sasakyan, HAHAHA!
"Misa, ihahatid kita sa bahay nyo para safe ka. Diba andyan na ang ate mo?" sabi nya.
"Ate? Wala man nabanggit si Mama sakin yan." sabi ko. Hmmm, ate? Bakit iba ang last name nya? Parang.. Japanese eh..
"Ate mo sya Misa, baka iniwan nya sa ibang bansa tapos pinapunta sya rito, para hanapin ka." sabi nya habang nakatingin sa bintana. Hmmm, siguro?
*After 20 minutes*
Huminto na ang train at umalis na kami ni Henry.
Walang nag-sasalita habang nag-lalakad kami, nabingi ako sa katahimikan. Tumingin nalang ako sa itaas at maraming bituin. I love stars eh.
"You love stars huh?." Sabi ni Henry habang nakatingin sa itaas. Huminto naman kami at pinag-masdan namin ang bituin.
"Oo, mahilig akong pag-masdan ang mga bituin. Nasa bubong ako nun, palagi kong pinag-mamasdan. Naalala ko nga nun, hinahanap ako ni Mama ko, yun pala nasa taas lang ako nang bubong." Sabi ko at ngumiti.
"You are really different huh?." Sabi ni Henry, napatingin naman ako sa kanya. Ano kayang pinag-sasabi nito?
"Hoy Mr. Lopez! Ako parin tong si Misaki! Ano kaba! Ako lang ang nag-iisang Misaki nang..." Inisip isip ko kung anong katuloy. Hala!
"Nang?."
"Hehe, nang..."
Nang...
Nang...
Arghhhh Nang...
"Aha! Nang pag-kakaibigan natin!" Sabi ko sa kanya tsaka sya inubo-ubo. Anyare boi?
"Huy Nry, anyare? Okay ka lang ba?" Sabi ko. Tinapik-tapik ko naman yung likod nya.
"Oo, okay lang ako Saki. Pfft, hahahaha." Aba? Ngayon lang sya ganito, arooo may hypher medicine ba itong lalakeng toh?
Hinampas ko ang braso nya, mahina lang naman eh.
"Halika na nga Henry, uwi na tayo." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Bigla syang namula laya umiwas sya nang tingin. Weird.
After 3 minutes.
Nandito na kami sa harap nang bahay namin, nakita ko si Ate Miza ko 'daw'. Hahahaha. Yaan na nga ba.
Tumingin ako kay Ate at naningkit ang mata ko dahil hindi ko nga makita, aba ngumingiti sya samin.
Humarap naman ako kay Henry at...
"Henry, salamat pala ha. Geh pasok na ako, Ingat ka ha. Bukas ulit." Sabi ko sa kanya, ginulo lang nya ang buhok ko tsaka sya tumalikod palayo. Pumunta ako sa terraces dahil gusto ko syang makausap nang harap-harapan.
"Miss Shuzuriha, We need to talk." Seryoso kong sabi at umupo sa sofa na kaharap ko sya.
"Okay, so anong tanong mo sakin? I will answer honestly 100% Sure." Sabi nya at nag-thumbs up.
"Sino kaba at andito ka?." Deretsyo kong tanong.
"Uhm, hinahanap nila ako Tyree at Henryboo." Sabi nya, at balit may mga weird nicknames sila? Kilala ba nila si Tyrant at Henry? "Tsaka bukas nalang tayo mag-usap. Sasabihin ko nalang kay Henryboo na excuse ka muna dahil... Mag-uusap tayo nang mahabang mahaba!" Sabi nya at ngumiti sakin. Tsaka sya nag-lakad papasok sa loob ng bahay. Para syang bata. Pumunta naman ako sa kusina at nag-handa nang pagkain, kapag kumakain sya para syang gutom na gutom. Okay mag-stastart na akong mag-tanong.
"Kaano-ano ba kita? Kung kapatid kita, bakit iba ang pilyedo mo?" Tanong ko at kumain na muna ako,
"Step Sis mo ako, Misaki. Nag-asawa si mama mo ulit kay papa ko. At ang masama pa..." Napahinto sya at nakita kong umiiyak sya. "N-nawawala si Mama mo. Last six months. Pumunta sya dun. Nag-paalam sya na babalik sya, may sinabi si mama mo na 'Hanapin nyo si Misaki Villanueva sa pilipinas' dahil gusto nyang matuto ka nang pagiging Gangster Princess. Pero nalaman ko na isa ka sa Mafia, kahit kalaban kanamin. Hindi, hindi namin kayang kalabanin. Kaya nga si Tyree nakikipag-deal samin para mag-sanib pwersa." Sabi nya at uminom nang kape.
"Bakit hindi sinabi ni Mama tungkol dito? Bakit? Hindi man sya nag-paalam?" Sabi ko at dumeretsyo sa kwarto. Tinatawag ako ni Mizaki pero hindi ko ako nakinig. Umiyak nalang ako nang umiyak dito hanggang mag-umaga.
Bakit hindi sinabi ni Mama tungkol dito? Ayaw nya bang mag-alala ako? Ngayon palang nag-aalala na ako eh, kakainis tuloy. Tanggap ko naman na step sis ko sya, hindi naman sya masungit eh, i feel her presence. Ako? Ako ang magiging Gangster Princess? Bakit hindi si Mizaki ang gawing Gangster Princess. Naisip ko munang mag-jogging sa labas dahil 4:35 A.M palang naman. Tinignan ko sa kabilang kwarto, andun si Mizaki na natutulog nang mahimbing. Lumabas na ako nang bahay at nag warm up.
"Okay! Goodmorning World!." Hypher na hypher kong sinabi. Tumalon ako ng three times at nag simulang mag-jogging. Pumunta muna ako sa gitna dahil may park dun at umupo muna ako. Nice fresh air! Tumingala ako at pumikit. Kahit madilim pa, ayos lang dahil mahangin naman. Tumingin-tingin ako kapag may kasama ba ako dito. Wala naman eh. Pumikit uli ako at nag-rerelax.
"Ang hirap namang maging gwapo, pag-dating ko palang ng mall nung isang araw... Biglang tilian agad, Napaka gwapo ko naman!" Sabi nung lalake sa likod. Mabuti may malaking pader dito.
"Hahaha! Asa ka naman!" sigaww ko. Ay putcha! Napatakip nalang ako tsaka ako nag-tago.
"Sino yan?!" sabi nung lalake. Wait familiar yung boses ah! Kinagat ko ang lower lips ko at pumikit.
BINABASA MO ANG
My Mafia Boy • My Gangster Girl (Ongoing)
Mystery / Thriller--- Mafia and Ganster are Enemy. Mag-kaaway sila. Oo, may ibang mag-kasundo. Isang magulong mundo. Maraming patayan. Walang kaawa-awa. Palaging nag-papahirap. Boy: Damn, why am i so inlove with her? Girl: A-ano bang nagustuhan ko dun? Boy: Tssk, i'...