I

3 0 0
                                    

"Class Dismissed" usal ni Mr. Castro

Whooo ! Last day na ng klase ngayon . Summer Break na namin

" Chess, san ka magbabakasyon ?" tanong ni grace na bestfriend ko

" sa Batangas ako ngayon . miss na ko ng angkan ko dun . wala nang maganda sa paningin nila " pabiro kong sabi

" Gaga, maganda ? sino? ikaw? IN YOUR FUCKING DREAMS MISS "

" lul, e ikaw ? san ka rarampa ngayon ?"

" Zambales ako . beach hopping with family "

" kayo na mayaman "

" i know right "

iba talaga pag mayaman . daming pang beach , mahal kaya ng entrance ngayon. Cottage pa plus foods .

kakain nalang ako ng halo-halo . busog pa ko
and di naman nila kami kasing yaman . average lang, may kaya .

" so ano besh ? kita kits after two weeks ? "

" Sige besh ., babush , Goodluck sa Zambales. uwian mo ko ng buhangin at shell ha " sabay palo ko sa braso niya

" besh its hurt yah knows ! pati foreigner iuuwi ko para sayo, dami dun "

" Ge na ! babush na ! " sabay sakay niya ng kotse niya

" iLoveyou besh " sigaw niya habang papalayo yung sasakyan niya . " ihateyou besh " sigaw ko pabalik ng pabiro.

Naglakad na ko papuntang sakayan ng jeep . nanghihinayang ako sa ibabayad sa taxi . di ako ganun ka rich para palaging mag taxi or bumili ng sarili kong sasakyan .

oh by the way, Chess Queency Fort is the name . Half British Half Filipina . Rich kid sana pero iniwan ng punyeta kong ama, 14 years old ako ng umalis siya. Matapos mabalitaan na buntis si mama kay kelly ,ayun ! nag disappear na  . Pasalamat ako at masipag si Mommy kaya maganda pa rin buhay namin ngayon . Fine Arts student ako sa *poof* University.

Engineer si Mommy kaya napapag aral niya pa rin kami.

dyahe lang sa jeep dahil kung sino sino nakakatabi mo. May mabango, may amoy na ang sarap sipain pababa ng jeep dahil naninipa rin ng ilong yung amoy niya . Minsan may lasing, May inaantok na halos ginawa ka nang unan . May parich kid , May maingay , May singer . Minsan may SNATCHER !

pero at least TIPID .

after 20 minutes nandito na ko sa Subdivision namin .

" Hello Manong Arnold " bati ko sa guard

" Chess, lakad nanaman ? "

" Opo "

" Kuripot talaga "

" Tipid po , hindi kuripot " sabay tawa at naglakad na ko

medyo malapit lang naman bahay namin mula sa entrance ng subdivision . mga 5 - 10 minutes lang na lakad .

buti nalang medyo malilim na ngayon . bumili ako ng Cornetto sa Mini grocery ni Aling Minda para hindi boring maglakad .

nakarinig ako ng hagikgikan ng mga bata na naglalaro kaya napatingin ako sa kanila.

" Ate ang dungis mo po. may chocolate ka sa ilong "

bigla ko pinunasan ng panyo  ang ilong ko .

"Gutom kasi ilong ko e. maghapon siyang huminga kaya ayan . " sabay tawa ko at naglakad na papalayo .

Gosh ! kaya ayoko kumain ng Ice cream in public . makalat kasi talaga ko kumain nito . buset !

tinapon ko na sa trash can sa labas ng bahay yung dulo ng ice cream at nilinis mukha ko. para walang ebidensya na nag/ice cream ako. yari ako sa bunso namin pag nagkataon .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sorry not SorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon