Reason 4: Painting

269 10 2
                                    

I was never the sporty type of person, I didn’t have enough courage to sing or dance in front of a crowd, I didn’t learn any instruments nor did I have the talent of literature but I was always the sketchy and artsy type.

I’m an artist and a photographer and if you’d ask me who the perfect models would be, I’d say it was my family. Yung mga ngiti nila, totoo. Ni minsan hindi ko sila nakitang malungkot o plastik ang ngiti. I love the moments when I get candid shots with them, sincere smiles and genuine laughter.

I used to have those smiles too, but then again, people change. People change because some instances cause them to change.

Hindi ko ginusto na mawala ang saya sa mga mata ko tulad na lang ng pagkawala nina mama, pero sadyang ganon talaga. Tama lahat ng sinasabi sa aakin ni A, na ang buhay hindi palaging Masaya, things happen for a reason.

Pumunta ulit si A sa bahay the next day. Sabi niya “May iniwan akong clues sa bahay mo, mag bihis ka ng damit na pwedeng madumihan.”

Nag taka ako sa sinabi niya pero sinunod ko yun. Sabi niya na hindi raw ako pwedeng lumabas hanggat di niya ako tinatawag.

Matapos kong mag handa nag hintay na lang ako sa kwarto. While waiting nakapagisip-isip ako tungkol kay A. Ilang araw ko na rin siya na kilala pero kahit na bago pa lang yun, ang gaan na ng loob ko sa kanya. I always questioned why I had so much trust in him, iba kasi yung nararamdaman ko pag kasama ko siya. I feel at peace and comfortable around him. Nahuhulog na ata ang loob ko sa kanya.

“Mira! Okay na!” nabigla ako kay A at naramdaman ko na namumula ako. Ito yung sinasabi kong kakaiba. Ano bat oh?

“Huy! Ano bang tinutunganga mo jan? halika na!” sabi niya sabay lapit at hawak sa kamay ko.

Parang ang lakas ata ng tibok ng puso ko ngayon ah? May sakit ba ako?

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo pero hawak-hawak parin ni A ang kamay ko. Hindi ko mapigilang titigan yung mga kamay namin na magkahawak. They look so fit for each other; the spaces between my fingers are right where his fingers fit perfectly.

Agad niya akong hinila palabas at nagulat ako sa nakita ko. May nakalatag na malaking tela sa sahig na kung susundan mo ay dadalhin ka sa mahabang Hall ng bahay.

“Sundan mo ang tela, hihintayin kita sa dulo.” Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko.

I felt as if something was taken away from me, something important. I didn’t want him to let go.

Ginawa ko ang sinabi niya at sa pag lalakad ko, hindi ko mapigilan ang mga nararamdaman ko.

Unang bagay na nakita ko na nakalatag sa tela, litrato. Family picture namin nina mama.

Ito yung recent family picture namin, the last picture I had with them.

Pinigilan ko ang mga luha ko at nagsimulang maglakad muli.

Sumunod ang paint brush.

I haven’t held this since the accident. Hindi ko na kasi tinapos yung surprise ko kena mama, wala na kasing say-say pa, ngayon na wala na sila.

Walking forward, I came across some paint.

Bago. Sa tuwing binibilhan ako nina mama ng bagong pintura natutuwa ako kasi lagi akong nauubusan nito. The simple joys they offered me were irreplaceable.

The cloth ended right in front of my work room. Ang kwarto kung saan ko iniwan yung painting. Agad akong pumasok at nakita ko si A na may hawak na puting tela, may nakapailalim dito.

“Ta-da!” sabi niya sabay hila sa tela.

Yung painting. Malapit na sana yung matapos eh, konting-konti na lang. Kaso sinira ko yun, tinakpan ko ng itim na pintura pero ito? Walang bakas ng pagkasira, walang marka ng itim na pintura pero hindi parin tapos.

“Nagpuyat ako para marecover yung dating ganda, hindi ako sing galing mo pero sana kaya mo na tong tapusin? Para sa kanila Mira? Pang apat na rason.”

Hindi ko na talaga napigilang umiyak. Ginawa toh ni A? Nagawa niyang ayusin ang sinira ko?

“A…”

Ngumiti siya at hinawakang muli ang kamay ko. He pulled me closer to the painting, placed a paint brush between my fingers and guided me in painting it.

Natapos namin yung painting, Oo, Namin.

We stood there looking at our masterpiece. Napaka ganda.

“Ma! Pa! Kambal! Tingnan niyo oh! Ang ganda diba? Eto yung surprise ko para sa inyo. Sorry kung hindi ko natapos, nawalan kasi ako ng pagasa pero nandito na po si A para tulungan ako.”

Napatawa sa A sa akin noong humarap ako sa kanya.

“Huy, bakit mo ba ako pinagtatawanan?”

“Eh kasi ang dungis mo! May pintura ka pa sa noo mo.” sabi niya sabay punas sa noo ko para matanggal yung pintura.

“S-salamat.” Sabi ko sabay yuko, ang lapit na kasi ng mukha niya sa mukha ko.

“Mira.” Tawag niya sa akin sabay angat sa ulo ko.

“Fourth reason, The painting.” Sabi niya while pulling me closer.

Closing the gap between us.

---------------------

4th reason and 2nd to the last reason na! yey! I’m so happy! Hope you liked this chapter! Please support! Love lots! :D

5 Reasons Why.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon