Si Nina, Si Jake, at Ako

285 5 0
                                    

Third Chapter! :D

CHAPTER GUIDE:

AMV-CoA - Also known as the Alfredo M. Velayo College of Accountancy [Dito po ang building ko. Haha.] Ang building ay madalas na tinatawag na AMV sa loob ng campus o Carpark sa ilan. Ang first at second floor kasi ng building na ito ay ino-occupy ng mga stores, restaurants [McDo, KFC, Tokyo Tokyo, Pancake House, Bon Chon, Ice Monster, etc.], at mga food stalls. Ang tatlong palapag nito ay meron ding carpark. Sa 4th floor matatagpuan ang College of Accountancy.

AMV/ Carpark [Photo by Paul Quiambao], 4th floor AMV Courtyard ------------------->

READ. COMMENT. FAN. VOTE! :D

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

STUDENT PROFILE:

Name: Alexandra Jurado Torres

Age: 18

Nickname: Lexi

Year: Third

Student Number: 2008-0014733

College: AMV-CoA

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

KATH'S POV

Ewan ko ba at sa dinami dami ng araw na naisipan kong mag-cut kasama si Lexi ay ngayon pa. Wala naman kasing Prof na darating pero madaming iniwan na activities sila Ma’am. Tutulungan naman daw ako ni Lexi tapusin lahat ng yun. May tiwala ako sa kaniya. Matalino ang kaibigan kong ito. Lalo na pag nakakainom.

                Sinamahan ko siya sa building niya bago kami umalis. May nakalimutan daw siya. Pupunta kami sa Trinoma. Malapit na daw kasi ang Christmas party ng AMV. Siya din kasi ang taga-ayos ng kakailanganin nila. Mas okay na din daw kung uumpisahan na niya yung mga pinapagawa ng president nila.

                Lihim akong natuwa na pupunta kami ni Lexi sa AMV kahit na alam kong hanggang sa lobby lang ako dahil hindi ako papapasukin ng guard. Isa lang naman kasi ang gusto kong makita eh.

                Si Jake.

                Muling bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman siguro ni Lexi na may kung anong nangyayari sa akin. Tinanong niya kung ok lang ako. Tumango na lang ako at wala sa sariling ngumiti. Pakiramdam ko’y iluluwa na lahat ng tiyan ko ang kinain ko kaninang lunch.

                Nang makarating kami sa lobby, nginitian ako ni Lexi bago siya pumasok. Napansin ko ang guard na nagbabantay. Siya din yung guard namin nuon sa High School at minsan sa Engineering.

                Lumapit ako ng konti at namukhaan niya ako. Kinamusta niya ako at nag-kwento din siya tungkol sa mga pangyayari simula nang hindi na regular ang pagbantay niya sa High School.

                “Um, Mang Roger, may kilala ho ba kayong Jake na taga dito sa AMV?” Pasimple kong siningit sa usapan namin.

                “Jake?” Nag-isip siya. “Ah, oo. Siya yung vice president ng JPIA, iha. Bakit?” Tanong niya. Umiling ako at pilit na pinakalma ang sarili ko. Ang tagal ni Lexi.

                “Ayan si Jake oh.” Sabi ng guard na nakatingin sa dulo ng hallway.

                Bumilis ang tibok ng puso ko. Papalapit dito sila Jake. May mga kasama siya. Siguro kapwa niya officers ng JPIA. May mga hawak silang illustration board at poster paint.

                Dumaan sila sa harap ko. Nag-tama ang mga mata namin ni Jake. Ngumiti siya.

                “Kath!” Sabi niya na parang natutuwang makita ako. “Bakit nandito ka?”

                “Hinihintay ko lang yung kaibigan ko. May kinuha kasi. Eh alam ko namang bawal pumasok sa loob pag hindi Accounting student.” Paliwanag ko na hindi makatingin ng diretso sa kaniya.

                “Ha? Ano ka ba. Pwede yan. Tara. Samahan kita sa loob. Nasaan ba ang kaibigan mo?” Tanong niya sa ‘kin sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papunta sa loob.

                “Jake!” Sigaw ng isa niyang kasama. “Ano ka ba? Tara na.” Babae ang tumawag sa kaniya. Maganda. Chinita. Maigsi ang buhok. Nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin.

                “Jake, kailangan na nating tapusin ‘to. Ano ba?” Muling reklamo ng babae.

                “Oo nga, Jake. Nag-seselos na ‘tong si Nina. Mamaya ka na kasi mambabae, pare.” Pabirong sabi naman ng kasama pa niyang isa na lalake.

                Ngumiti si Jake. Hindi alam kung ano ang gagawin. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Naramdaman kong namula ang mga pisngi ko. Bigla atang uminit ang kamay niya.

                “J-Jake,” Nauutal kong tawag. Tumingin siya sa akin. “Ok lang kahit dito na ako. Sandali na lang siguro si Lexi. Mauna ka na. May gagawin pa kayo eh.” Pilit ang ngiti ko. Binitawan niya ang kamay ko.

                “Sige.” Sabi niya at ngumiti ulit bago kumaway at lumapit sa babae kaninang tumawag sa kaniya. Tinitigan ako ng masama nung Chinita. Ibinalot niya ang isang kamay sa braso ni Jake at natuwang hinila siya pababa ng hagdan. Umiwas si Jake at kumaway ulit sa akin bago sila nawala sa paningin ko.

I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon