Uso pa ba Manligaw?

267 4 0
                                    

Fourth Chapter! :)

CHAPTER GUIDE:

JPIA - Junior Philippine Institute of Accountants, organization.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

STUDENT PROFILE:

Name: Bianca Karenina Tan

Nickname: Nina

Age: 19

Year: Fourth

Student Number: 2007-128964

College: AMV CoA

 +++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ano naman ang sinabi ng tulad ko sa Chinitang yun? Ibinaling ko ang atensiyon ko kay Manong guard. “Kuya, sino po yung babaeng kasama ni Jake?” Tanong ko.

                “Si Nina yun. President ng JPIA.” Sagot niya habang nagsusulat sa notebook niyang malaki.

                Lumabas na si Lexi.

                “Anong nangyari sa’yo? Para kang ninakawan.” Sabi niya sa akin.

                “Nako. Kung alam mo lang.” Sagot ko habang pababa na kami.

                “Narinig ko ang pangalan ni Nina ah. Bakit?” Tanong niya sa kin. Alam ko namang hindi ako makapag-lilihim lalo na pag si Lexi ang kausap ko. Kaya ikinuwento ko na sa kaniya ang lahat ng tungkol kay Jake.

                Ngumiti siya nang matapos akong mag-kwento. “Hindi sila ni Nina. Wag kang mag-alala.” Paninigurado niya sa akin. “Sadyang malandi lang yung babaeng yon, Kath. Wag mo ng intindihin. Basta ang feeling ko, ikaw ang gusto ni Jake.”

                Namula ang mga pisngi ko.

                “Tara na nga. Baka gabihin na tayo nito.” Sabi ko.

                Tumawa siya. “Yieeeeeeeeeeee. Ikaw ah! Haba ng hair.”

                Ngiti na lang ang isinagot ko.

++++

                Kinaumagahan, maaga akong pumasok para tapusin ang plates ko. Hinatid ako ni Lexi sa entrance ng building namin.

                Nakita ko si Patch na nasa loob na ng Lab. Ngumiti siya at sinenyasan ako na tumabi sa kaniya. Kinurot niya agad yung pisngi ko.

                “Patch naman! Umagang-umaga.” Tumawa lang siya at pinaupo ako. Ikinulong niya ako sa mga kamay niya. Pinatuloy niya ang pag-drawing.

                Gumalaw ako ng konti. Nadulas ang kamay niya. Nasira ang drawing niya. Natawa ako.

                “Kath, isa.” Binilangan niya ako. Araw-araw na kaming ganito ni Patch. Hindi normal sa amin ang tahimik pag magkasama. Pinilit kong manahimik habang gumuguhit siya sa likod ko. Naramdaman ko ang tibok ng puso niya. Mabilis. Parang yung akin kapag nakikita ko si Jake.

                Ilang minuto pa kaming ganun ni Patch bago siya huminga ng malalim at pinakawalan ako. “Tapos na din.” Sabi niya sabay tinanggal ang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.

                “Kailangan ba talagang ginaganun mo ko para makatapos ka sa ginagawa mo?” Nakangiti kong tanong.

                “Nagiging kalmado ako pag ganun eh. Ginaganahan akong tapusin ang plates ko.” Sabi niya.

                “Kalmado ka diyan. Ang bilis kaya ng tibok ng puso mo.” Biniro ko siya.

                Sumeryoso siya bigla. “Naramdaman mo yun?”

                Tumango ako at hinawakan niya ang kamay ko.

                 Hinalikan niya yung noo ko. Kinabahan ako bigla.

                 Bumulong siya: “Ang dami mong alam.” Sabay tawa.

                Namula ang mga pisngi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. “Ewan ko sa’yo Patch. Puro ka biro.” Lumabas ako ng Lab. Wala na akong natapos. Patuloy pa rin ang pagtawa niya.

                Dumiretso ako sa locker ko at dahan-dahan itong binuksan.

                Ano bang problema ni Patch. Bakit siya nagkakaganun? Bakit ako nagkakaganito? Dati naman na kaming ganito eh. Wala ng bago. Pero bakit iba ang nararamdaman ko?

                Nagulat ako sa mga sumunod kong nakita.

                May isang boquet ng tulips sa loob ng locker ko. May isang heart-shaped na ferrero at isang picture na may sulat sa likod.

                Ako ang nasa picture. Nakangiti habang nakatingins a Christmas lights sa Lover’s Lane. At ang nakasulat sa likod:

                                Maganda kang ngumiti.

                                Gusto ko laging ganito ang ngiti mo. Ayoko ng pilit na tulad ng kahapon nung sinabi mong umalis na ko.

                                Mapangiti ka din sana ulit ng ganito pag ako ang kasama mo.

                Sakto namang lumabas si Patch sa lab at pinuntahan ako. Napigil ang pagbabasa ko. Hindi ko maipinta ang kuryosidad at selos na nakita ko sa mukha niya nang makita ang mga hawak ko. “Kanino galing yan?”

                Tinignan ko ulit ang picture at binasa ang nasa likod nito.

                Hintayin mo ako mamaya sa Quadri. May gusto akong itanong sa’yo.

                Nagulat ako sa mga sumunod kong nabasa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pinagpawisan ang kamay ko. Sobra ang tuwang naramdaman ko.

                Galing kay Jake ang sulat.

++++++++++++++++++++++++++++++++++

Lume-level up si Jake! Haha. Ayan at nakilala niyo na nga po ang ikalawang leading man natin. Si Patch. :)

READ. FAN. VOTE. COMMENT! :D SALAMAT :*

- Scarlet

I Love You Two? : [PASKUHAN] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon