DJ 1

8 2 0
                                    

DJ1


"Kyaaahhh!!! DJ !!! Ang gwapo-gwapo mo !!! I love you and I will always be !!!" sabay halik sa screen ng tv namin. Nakita ko nanaman kasi ang boyfriend ko. Si Daniel John Ford Padilla o mas kilalang DJ. Yes! Oo! Boyfriend, pero shhhhhh lang kayo ha ? Hindi kasi alam ni DJ na boyfriend ko siya at baka mag-break kami pag nalaman niyang mag-syota kami. Ah basta! Wag kayo! Walang pakielamanan to!


"Hoyyy!!! Sapphire !!! Ano nanaman yan ?" (Insert batok) Siya ang ate ko. Si Ate Nadie. Ewan ko ba, parang di ko naman siya ate kung umasta. Pero alam ko mahal ako nyan. Dalawa lang kaming magkapatid.


Tigil-tigilan mo nga yang kakapantasya mo jan sa Daniel na yan! Eh ni isang segundo ni hindi ka nga mapapansin nyan eh! O siya maligo kana at baka maiwan kapa ng eroplano papuntang Manila."


Magbabakasyon kasi ako sa Manila dahil sa isang pangyayari pero ayaw ko ng isipin pa iyon. Nakakasawa na eh! Paniguradong iiyak nanaman ako.


"Ok! Whatever Ate!"


Kanina pa ako satsat ng satsat dito eh, hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Sapphire Garingalao. 18 years old. Nag-aral ako sa kursong architecture. Oo "nag-aral", past tense. Dahil siguro sa impluwensiya na ibinigay ng makabagong teknolohiya at napunta sa mga maling kaibigan, hindi ko napagtuunan ng pansin ang aking pag-aaral kaya napagdesisyunan ko na tumigil na muna at magpapatuloy next school year. Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang galit sa'kin ng mga magulang ko lalong-lalo na ng ate ko. Halos itakwil na nila ako noon. Ngunit nanaig parin ang pagmamahal nila sa akin at laking pasasalamat ko na tinanggap nila ang mga maling nagawa ko.Hayyy nako, ang emotional ko. Hahaha.


Nandito na ako ngayon sa airport. Sinamahan ako ni ate Nadie.


"Oh! Layas na! Pumasok kana sa airport at pumunta kana sa Manila. Wag kanang babalik dito ha?"-ate nadie


"Suusss!!!! Aminin mo na ate! Sa kaibuturan ng damdamin mo, mamimiss mo ako't ayaw mo sana akong umalis"


At nagyakapan katulad ng isang maluhang eksena sa isang pelikula. hahaha.


Bago ko nilisan ang Iloilo, tinanaw at nilibot ko muna ang aking mga mata sa labas. Sana ang pagbabakasyon kong ito ang maging susi upang malimutan ko ang lahat ng masasaklap at masasamang pangyayaring naranasan ko.



Crazy Little Thing Called TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon