Chapter Twenty EightTaehyung
--
Pagkabalik ko sa classroom. Agad akong umupo sa upuan ko, naiinis ako, nagagalit ako sa sinabi niya. Hindi ko na siya mahal pero bakit parang ang sakit sakit marinig sa kanya iyon. Minsan na niyang sinabi sa akin 'yan, pero bakit hindi pa rin ako nasasanay?
Tang ina. Ba't ba ganito.
"Taehyung!" Tumingin ako sa pinto ng classroom. Si Jace, kakapasok at nagpupuyos sa galit na lumapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin. Rinig na rinig ko ang paghingal niya.
"I saw you with her. Anong nangyayari? May nangyayari ba sa inyo?" Kalmadong tanong niya pero halata sa boses niya ang pagkainis.
Bumabalik na naman siya sa dating siya. Kasalanan 'to ni Aren eh, kasalanan niya 'tong lahat. 'Yung galit na nararamdaman ko, kung bakit ako malungkot, kung bakit lagi na lang ako badtrip, kung bakit hindi na ako masaya, kung bakit nagkakaganito na naman si Jace, kung bakit kami nag aaway, at kung bakit na naman kami mag aaway.
Siya ang dahilan ng lahat ng ito. Siya lang ang may kasalanan.
"Binigyan mo na naman ng kahulugan 'yon. Ano ba Jace? Kailan ka ba titigil sa kakaselos mo? Pag aari mo na nga ako. Hindi ka pa ba kuntento do'n?" Mahina kong paliwanag sa kanya para hindi kami marinig ng iba na nag aaway na naman.
Nasapo niya ang noo niya. "That's the point Taehyung, akin ka pero 'yang attention at pagmamahal mo nasa kanya. Lagi na lang sa kanya." Paliwanag niya. Umiling ako, pagmamahal? Attention? Nasa kanya? Na kay Aren?
Matagal ng wala ang pagmamahal ko sa kanya. Matagal na simula nung nakipaghiwalay siya sa akin, simula ng sabihin niya sa akin ng walang pag aalinlangan na hindi na niya ako mahal. Ni hindi man lang niya inisip na masasaktan ako sa sinabi at ginawa niya.
"Pagmamahal? Ano ba 'yang sinasabi mo? Kung meron man akong nararamdaman para sa kanya. Pagkamuhi na lang 'yon." Natatawang sabi ko tsaka ako umiwas ng tingin sa kanya. Pagkalipas ng ilang segundo, nakaramdam ako ng kirot sa puso.
"No. I don't believe you." Gulat na tiningnan ko siya. Naiinis ako.
"Maniwala ka na lang Jace, wala akong oras para patunayan sa'yo na lahat ng sinasabi ko ay totoo." Walang ganang sabi ko. Hindi sumagot si Jace imbes ay umupo na siya sa tabi ko.
"Bahala ka sa buhay mo." Bulong niya. Napailing na lang ako, bahala talaga ako sa buhay ko.
--
"Soccer tayo?" Aya ni Jungkook sa amin. Hindi ako sumagot, tinatamad ako at wala akong gana. "Sige, matagal tagal na din kasi tayong hindi naglalaro." Sabi ni Jin.
"Ano Taehyung? Game?" Siniko ako ni Jimin. Umiling ako. Wala talaga akong gana, wala akong balak.
"Pass muna ako." Usal ko.
"Tsk. KJ mo." Aniya tsaka siya lumayo sa akin. Napailing na lang ako. Naglalakad kami sa hallway ng mga kaibigan ko papunta sa soccerfield, ng masalubong namin si Jace. Saglit niya lang ako tiningnan tsaka siya umiwas. Ganoon din ang ginawa ko.
YOU ARE READING
★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]
Fanfic✔ C O M P L E T E D ✔ " Bakit ka ba nakikialam? Ex lang naman kita. " ⇨[Kim Taehyung ×× Park Jiyeon] ⇨Written in Filipino ⇨Highest rank: #126 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: July 9, 2016 ⇨Date Finished: December 17, 2016