The Beginning of The End

631 23 15
                                    



                         Nag simulang dumilim ang kalangitan, kumulog at kumidlat, nabiyak at nayanig ang lupa, lumakas ang ihip ng hangin, magulo ang kalikasan, nag sama ang mga itim na ulap sa iisang lugar. Dahil sa isang babaeng na tila wala sa kanyang sarili, sa harap nito'y isang libro ang lumulutang, her eyes closed at kitang kita ang hirap kanyang maamong mukha, Malakas ang hangin na umiikot sa kanya na dahilan upang liparin pa taas ang kanyang mahabang itim na buhok, ang mga kidlat ay bumababa sa langit at tumatama sa bawat mag susubok na lumapit sa dalaga. "Alvis what the f*ck are you doing?!" Sigaw ng Mercenary Chief na si Priam Cloud sa Arkangel na ibinuka ang kanyang mga pakpak at tila handa ng sumugod.

                      "I'm going to save her!" Alvis Runes the Archangel answered na hindi tumitingin sa kasama, nakabuka ang mga pakpak nito, habang ang mga kamay ay nakahawak sa lupa na tila kumukuha ng bwelo. "Hoy agila! Alam ko gusto mong maging title holder ni Superman pero for goodness sake pag tinamaan ka ng mga kidlat na yun, na nag pi-feeling raindrops! You're going to be a Fried Eagle!!" Inis na sabi ni Amber Frost. "Alvis! We're--" Natigilan sa pag sasalita ang Total Keeper na si Lara Hearthopia ng biglang lumingon sa kanya ang Arkanghel, his face we're serious, Ang mga mata nito ay puno ng sinseridad,"I love her Lara, akala ko hindi na ako mag mamahal pa ng kagaya ng pag mamahal na naramdaman ko para sayo, But now. It's more than I've ever imagined, I can't lose her. I can't lose another chance to finally be happy" He said. "Just promise me you'll come back, Alive!" Lara nodded, emphasizing the last word, she knew how it feels like, because if anyone will ask her, She would do the same for Laurent Hale, in a heartbeat without a doubt. "What!" Gulat na gulat na sabi ni Amber ngunit bago pa matuloy ang pag pigil nito ay lumipad na ang Arkangel at nawala sa kanilang paningin na sing bilis ng kidlat.


------------------------------------------------------


                   "ALVIS!!"  Nag mulat ng mata ang kulay ubeng pusa na si Jolly, bumungad sa kanya ang isang kwarto na tanging liwanag lamang ng buwan ang nag bibigay ilaw. Tumingin ito sa paligid at agad na tumalon sa kama. "Ano ba Silex? Sinabing wag dyan eh" Amber giggled, natigilan sa pag lapit ang pusa ng biglang mag salita ang amo nyang himbing na himbing sa pag tulog "Malandi talaga tong amo ko, pinag nanasaan na naman ang six pack abs ni Silex" Jolly mumbled to himself rolling his eyes in the process. "Amber" bulong nito sa babae, "hmm" nakangiting tugon ng dalagang tila nananaginip pa rin, "May na sagap akong balita, May na de-develop na palang pag titinginan kay Priam at Lara?" dagdag nito, "Whaaaat?! Walang Priala! Si Mama Lala ay para kay Papa Lulu lang!" Gulat na gulat na napaupo si Amber, kahit gulo gulo pa ang puting buhok nito ay tila handa na ito sa isang gyera.

                Napatingin ito sa paligid,"T-teka! Alas dose palang ng madaling araw ah? Pinagloloko mo na naman ako! Mahaderang pusa ka talaga!" Inis na sabi ni Amber, "Ang manyak mo kase, pati sa pag tulog pinag nanasaan mo si Silex, Walang Priam at Lara pero may name ka na sa Fandom nila?" Jolly shooked his head. "Hoy! Sinungaling ka na, chismoso ka pang pusa ka!" Amber's eyes widened. "Tara na!" saad ni Jolly pag talon nito pababa ng kama, nag simula na itong mag lakad patungo sa pintuan, "Nananaginip ka pa ba Jolly?" Takang tanong ni Amber na napatingin sa buwan na kita mula sa bintana ng kanyang kwarto, "May kailangan lang akong tignan" sagot nito na nilingon ang amo "So bakit kelangan kasama ako? Apat na nga paa mo hindi ka pa makalakad ng wala ako?" Amber crossed her arms over her chest. "Pag hindi ka sumama mag sisisi ka, hindi mo malalaman ang kabuuan ng balitang masasagap mo mamaya" Sabi ng ubeng pusa bago muling nag lakad "So anong ibig mong sabihin? Chismosa ako?!" Amber's eyebrows raised "Ikaw ang may sabi nyan" Jolly shooked his head.


-----------------------------


Nagising si Lara sa mga boses na maririnig mula sa labas ng kanyang kwarto.

The Beginning of The End (The Keepers FanFiction One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon