Chapter Three: Kandyl Realized

11 0 0
                                    

Zaphara's POV

Nagpunta na kami ni Kandyl sa canteen, ako humanap ng upuan at siya naman ang nag-order.

"Zaaaaph! Lasagna nalang in-order ko. Wala daw kasing Spaghetti eh." Sabi ni Kandyl nang makalapit siya.

"Ay. Sayang naman! Trip ko pa naman yung spaghetti. Upo kana." Sabi ko habang nakanguso.

"Bukas nalang, sana meron na." Sabi ni Kandyl nang maka-upo habang nakatingin sa mga pagkain.

"Osya. Kain na, masamang pag-intayin ang pagkain. Sige ka, maghahanap ng iba yan." Pagbibiro ko sakanya.

"Kanino naman? Sayo? Takaw mo talaga. Makakain na nga." Sabi ni Kandyl at medyo nagmadali sa pagkain.

Natutuwa ako kay Kandyl. Close na kami and I like her. Feeling ko safe ako sakanya.

"Ahmm. Kandyl, anong sabi ng mommy mo?" Tanong ko sakanya.

"Ayun, nag-alala. Pero sabi ko naman nadapa lang ako at tinulungan mo naman ako. Sabi niya nga dalhin daw kita sa bahay minsan eh." Pagku-kwento niya.

"Bat hindi mo sinabi yung totoo?" Seryoso kong tanong sakanya.

"Ayoko nang mamoroblema si mommy eh." Napansin ko nalungkot siya. Hindi ko na rin itinanong, baka next time nalang siguro.

"Punta nalang ako dun sa Thursday ah? Alam ko wala naman masyadong gawa---------------biglang may kumalabog sa table namin.

Alam kong simula pa lang nun nakuha na namin lahat ng atensyon. Dahil buong canteen ay tumahimik pero wala akong pake kung madaming makakasaksi neto. Siya naman ang nagsimula eh. Sinong SIYA?

At sino pa nga ba? Kundi ang CLeader. Kasama niya nanaman jokers niya. Ano ba kasing trip neto?

"Sumama ka samin Kandyl." Medyo mahinahon pa si CLeader. Tatayo na sana si Kandyl pero pinigilan ko siya.

"Wag kang sumama. Dito ka lang." Sabi ko habang hawak ko siya.

"ILANG BESES KO BA SASABIHIN SAYO NA WAG KANG MAKI-ALAM!?" Sigaw ni CLeader.

"Ano ba kasing kailangan niyo sakanya?" Tanong ko pero kalmado parin ako.

"WALA KANG PAKE DUN!" Sigaw naman nung isang joker.

"Eh pano kung meron? Tsaka wala naman siyang ginagawa sainyo." Sagot ko.

"Tigilan niyo na ako. Wala kayong mapapala sakin." Sabi ni Kandyl.

"Hahaha! EDI GAGAWA KAMI NG PARAAN PARA MAY MAPALA SAYO. PWEDE KA NAMANG PAGLARUAN. Right girls?" Pagtatanong niya sa mga jokers niya.

Hindi ko na sila pinansin at tumayo na ako at hinila si Kandyl pero bigla akong hinila sa buhok ni CLeader. Expected ko na yan.

"Ikaw paki-elamera ka! Dapat sayo sinasabunutan!!" Galit na sabi ni CLeader pero nginitian ko lang siya.

"Sa sobrang bored niyo sa buhay niyo, pati ba naman buhok ko naisipan niyong guluhin? I pity you." Pang-aasar ko sakanila.

"ARGHHH!!" At mas lalo pa akong sinabunutan ni CLeader.

"Tigilan niyo siya." Tinanggal ni Kandyl ang kamay nung Clown nayun sa buhok ko.

"Wow naman! Kailan ka pa natutong sumagot!?" Naiinis na tanong ni CLeader.

"Simula nung ma-realize ko na wala naman akong dapat ikatakot sayo." Sabi ni Kandyl sakanila at napangiti naman ako.

"Aba't---------Hinila na ako ni Kandyl pero bago yun, huminto ako.

"Kayong dalawang jokers na alagad ni CLeader este Clown Leader, wala kayong kwentang kaibigan." Alam kong nagulat sila sa sinabi ko.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon