Chapter {5}

66 5 3
                                    

**
Teka! Teka anong gagawin ko? Kailangan ko pa syang kausapin, at tanungin para makakalap ako ng sagot kaya hindi sya pwedeng mamatay..

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Ina. Wag na wag nyong gagamitin ang kapangyarihan nyo sa mundo ng tao. Kahit pa sa panglaban o maski pang sagip sa ka nila. Wag. Isa pa. Hindi tayo sumasagip ng buhay. Ng maalala ko yun ay natulala ako.

Pero hindi ko sya pwedeng pabayaan. Pasensya na Ina pero kailangan kong gawin ito. Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang pigilang ang lakas ng pagbagsak nya saakin. Gayundin ang pagkahulog nya mula sa tuktok ng building na ito. Akala ko ay hindi ko magagawa.  Pero nagawa ko. Napigilan ko syang bumagsak. Na..na..napigilan ko sya. At...at nakatingin sya sakin.. Bu... Bu.. Buhay.. sya.... Na....nagawa ko.

Pero...pero...pero nanghihina na a...ako.. Nakita ko syang nakatingin sa akin at saka naging itim ang lahat.
*

Mickey's Point Of View

Ahhhhh..  "Sigaw ko habang nahuhulog ako mula sa ika 5 palapag ng building na ito...Mamatay na ba ako? Lord, patawarin nyo po ako. Alagaan nyo po ang Lola at kapatid ko. Pati na po kagwapuhan ko.." Sabi ko sa sarili ko habang nakapikit ako.

Ayokong makita na mahulog ako sa baba. Kaya pipikit na lang ako.. Pero teka? Bakit parang hindi pa ako nabagsak? Nakadapa na ako pero....pero wala akong makapang lupa..

"Bakit puro hangin ata? Lumulutang ba ako?"Sabi ko sa utak ko. At saka ko sinubukang imulat ang mata ko.. Teka may...may asul at dilaw na liwanag sa harap ko na syang nakasalo sakin at pumigil sa pagbagsak ko.

At..  At may babae....babaeng gumagawa nito...sino kaya sya? Teka baka nabibigatan na sya.. Nakita kong nawalan na sya ng malay at...at unti unti ng nawawala ang sumasalo sakin..

Alam kong maaaring may dumating na dito maya maya kaya tumayo na ako.. At tuluyan ng nawala ang liwanag na yun..  Dumating naman si ma'am hazel at tumawag ng ambulansya para dito sa babaeng naka itim.

Napaupo na lang din ako.. Natakot din ako sa nangyari kanina. Akala ko mamamatay na ako. Pero dahil sa kanya nabuhay pa ako. Pero pano nya nagawa yun? At sino kaya sya? Salamat sa kanya..

Maya maya pa ay dumating na ang ambulansya. Binuhat nila ang babae sa ibabaw ng kotse at isinakay sa stretcher. Wala parin syang malay hanggang ngayon. Naaawa ako para sa kanya. May umalalay din naman saakin na nurse at ipinasok din ako sa ambulansya..

Umalis na din kami pagkatapos nun. Sana okay lang sya. Sana..
Chineck nila ako habang nasa byahe kami. Pati na din yung babae. Sana ayos lang sya..

Makalipas ang limang minuto nasa ospital na kami at sinalubong ng iba bang nurse. Nasa er lang kami. Nakahiga ako sa hospital bed dahil kailangan ko daw ng pahinga. Lalo naman yung babae kanina..  Hanggang ngayon wala padin syang malay. At nakahiga din sya..

Hi School Love On (Fan Made Story)  *on-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon