Chapter 2

12 1 0
                                    


Chapter 2

("Ano bang pake mo? Goodbye! Babalikan namin kayo! HAHA!" demonyong sigaw niya at bigla na lang silang naglaho sa aming mga mata.)


Umiiyak na si mom. Humahagulgul. Galit na galit na talaga ako at gusto ko ngayon itong pakawalan. Isang patak ng luha ang tumulo at napunta sa aking mga kamay. Nakita kong nag lalagablab pa rin pala ang aking buong katawan. Natatakot ako na baka masaktan ako ni mom, kapag pumunta ako sa tabi niya. Paano ko ba ito mapapahinto?


"Anak, kontrolin mo ang kapangyarihan mo!" sigaw ni mom. Siguro napansin na niyang hindi ko ito makontrol.


Nakakagulat na parang may kumokontrol ngayon sa aking mga kamay at pinagtatabi ito, pagkatapos ay bigla na lamang nagsilabasan ang fire balls ata kung tawagin sa aking mga kamay. Try na try kong huwag magpalabas ng mga ito pero hindi ko talaga kaya. Napaka delekado dahil kapag itoy naitatama ko sa isang bagay ay sumasabog at nagiging abo na lang, kaya baka kapag naitama ko rin siguro ito kay mom ay siguradong masusunog siya. Mabuti na nga lang at ipinupunta ko sa ibang direksyon.


"Boom! Bang! Boom!", mga pagsabog na patuloy na naririnig. Sa gilid ko ay nakita kong si mom na ina apula ang mga pagsunog sa bahay gamit ang kanyang kapangyarihan. Alam kong wala na siyang sapat na lakas para ipag patuloy iyon. Kailangan ko na talaga itong mapatigil. Paano?


"Mom, huwag ninyo na lang pong gamitin ang kapangyarihan ninyo. Nanghihina na kayo." naiiyak ko nang sabi kay mom.


"Anak kung hindi ka rin titigil eh, ako rin naman ang msasaktan. Kaya, anak kung hindi mo mapipigilan ang kapangyarihan then I will not stop too! So please, anak Focus! Relax! And breath slowly. Huwag mong hayaang lamunin ka ng kapangyarihan mo." mahaba niyang paliwanag sa akin at nagpatuloy sa paggamit ng kanyang tubig.


"Ok mom! Susubukan ko. I mean, I will do it!" sagot ko at pilit na ngiti ang tugon naman niya. Ngunit, hindi pa rin mawala wala sa aking isipan ang mga nangyari. It hurts me a lot.


Akma ko ng kokontrolin ito ng bigla kong na feel na parang umiinit ang aking bibig. As in na sobra. May pilit na lumalabas sa aking bibig at hindi ko na ito kayang pigilan, masakit na eh. Kaya, ng ibinuka ko na ang aking bibig ay nabigla ako sa lumabas isang napakalaking apo at naibuga ko ito sa kung saan man.


"Anak! Kaya mo iyan!" dahil sa pagsigaw ni mom ay mas na motivate ako. Mayroon na naman sana akong ibubuga ng pili ko na itong pinigilan linunok ko ito at nagawa ko. Pilit ko na ring kinalimatun ang mga nangyari kanina at kumalma ako ipinikit ko ang aking mga mata at ang mainit na enerhiya kanina na dumadaloy sa buong katawan ko ay unti- unti ng nawawala. Ngunit, sa kabila na nito ay nanghina na ako at ng iminulat ko na ang aking mga mata at nanlabo na ang aking paningin.


"Anak!"


...................


........................


..............................

Elemental Carriers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon