Brieanne's POV
"Jia! Try to focus! Bakit wala ka sa sarili mo? Kanina ka pa ganyan! Baka matalo ka nyan!" since malapit ako kay Jia, rinig na rinig ko ang reklamo ng coach nya sa kanya't mahahalata mong inis na inis na sya. Pati kaming magbabarkada ay nagtataka na sa mga ikinikilos ni Jia. Wala sya sa sarili nya at parang hindi sya nagco-concentrate.
"GO ATE JIA!!!"
"KAYA MO YAN!"
"GO! GO! GO!"
Napangiti ako ng marinig ko ang mga sigawan, kahit na medyo lamang ng ilang puntos ang kalaban, si Jia parin ang pinagchi-cheer nila.
"Go Nicole!"
"TALUNIN MO SI JIA!"
"Duh! Ang kapal talaga ng section nila! Kung hindi sa ganyan nila dinadaan, sa pagsugod naman kay Jia ang ginagawa. Gosh!" inis na sambit ni Rae sa akin habang nakatingin sa gawi ng section ng kalaban nya. Si Nicole ang kalaban nya, yung babae sa Section B. Ewan ko ba't inis na inis sya kay Jia simula nung grade 7 pa lang kami. Kung hindi nya aasarin, susugurin naman nya. Sinasali pa nya minsan ang mga ka-section nya. Pero knowing Jia, di nya aatrasan ang mga yan.
"Jia!! Wag kang pa-distract!" eskandaloso talaga ang mga ugok na ito.
Ay oo nga pala, Day 2 na ng Intramurals at badminton ang sport na pinuntahan namin since may laban si Jia.
"Jia! Ano ba! Try to focus on your game!" ayan na, dragon na yung coach ni Jia.
"Sorry, coach." rinig kong sambit nya.
Nag-start na ulit at parang may hinahanap ang lokaret na ito. Kainis. Ang sarap bigwasin ni Nicole dahil patuloy ang pag-ngisi nya kay Jia na para bang mas nakakataas na sya sa kanya.
"Brieanne, hindi kaya hinahanap ni Jia si Mark?" rinig kong bulong ni Rae sa akin at napa-harap ako sa kanya.
"What?"
"Conclusion ko lang naman, kanina pa palinga-linga si Jia e." napa-buntong hininga ako. Oo nga, baka hinahanap nya si Mark. Knowing Jia, mas ginaganahan sya kapag nandyan ang inspiration nya.
"Damn it."
"Omygosh!"
"OMG!"
"1st time ito!"
"What the heck?" bulalas ko ng makita kong natalo si Jia sa first game. Ayoko matalo ang kaibigan ko!
"Rae.."
"Hmm?"
"Sumama ka sa akin." sabi ko't napatingin sya sa akin. Tinignan ko sya ng matagal at mukhang nagets nya ang ibig kong sabihin.
"Tara!"
"Hep! Saan kayo pupunta?" aba't! Ang sarap batukan netong derp na'to!
"Mag-CR kami. Bakit? Sasama ka?" mataray na sagot ni Rae at umatras si derp. Ang taray talaga nito. Bigla namang hinawakan ni Rae ang kamay ko't hinila ako palabas ng crowd at tumakbo kami sa hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Teka, teka, teka!" napahinto kami dahil bigla syang humarap sa akin.
"Ano? Tara na kasi!!" reklamo ko sa kanya't tinaasan nya ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
The Derp and I (Chanyeol FanFic)
FanfictionHi, my name is Brieanne Hadley Buenavista. A simple outgoing girl who became a cold-hearted one because of a fvcking incident. I'm still here hoping. Hoping that one day, I will go back to my old self.