--Monday--
Ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Kinakabahan ako ng sobra dahil sigurado akong makikita ko si France ngayon. Maaga siyang pumapasok kaya sigurado akong nandoon na siya ngayon.
Hinatid ako ni kuya sa Acosta's Empire and Architects (AEA) kung saan ako magtatrabaho.
Nanginginig pa nga ang tuhod ko nung bumaba na ako pero pinilit kong magmukhang normal.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyan ng pumasok.
"Good morning, Miss Velasco!" Masiglang rin ang bati ni Miss Trinidad saakin nang madatnan ko siya sa opisina niya.
Ako ang unang bumati sakanya, siyempre.
"Welcome to AEA", dugtong niya sa pagbati niya saakin.
Nagkaroon kami ng maikling orientation then pumasok kami sa isang pinto. May 5 tables doon na may tig-isang computer at may mga nakapatong na files sa bawat table maliban sa isang table na nasa pinaka-bandang dulo kung manggagaling ka sa pinto.
Malaki ang space ng opisina at masasabi kong komportable talagang magtrabaho dito.
Sana tanggapin ako ng maayos ng magiging ka-officemates ko.
"Good morning guys! Meet Miss Velasco. She'll be now part of your team", pambungad agad ni Miss Trinidad na tumawag sa atensyon ng isang babae at dalawang lalake.
"Good morning po sainyo", masigla kong bati kahit kinakabahan ako.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang batiin nila akong lahat. Feeling ko mababait naman sila.
Itinuro saakin ni Miss Trinidad yung table na nasa pinakadulo at yun daw ang magiging table ko.
"Hi! I'm Dan" masiglang bati saakin nung lalake na nasa malapit sa pinto ang table niya. Umalis na si Miss Trinidad at naiwan ako sa mga ka-officemates.
"Hello po. I'm Cassandra. Cassy for short", masaya kong sagot kay Dan.
"Hello Cassy! I'm Rica and this is Bryan", masiglang sabi ni Rica at pinakilala ang katabi niya.
Binati ko rin siya at s Bryan.
Nagkwentuhan muna kami para daw hindi awkward pag magtatrabaho na kami.
Habang nagkukwentuhan kami ay napansin kong bakante yung upuan nung katabi kong table.
"Ah pwedeng magtanong? Sino naman ang nakaupo dito?" Curious kong tanong habang tinuturo yung bakanteng upuan.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Eternity [COMPLETED]
RomansaThe most precious thing a person could offer to someone is love. No amount of money can afford someone's heart. But how do we know when love is real? I guess, it is true love when you let yourself ache and break for a person yet you still choose to...