Love Triangle Book 2 Continuation of Love Triangle :)
Second Chance? Maibibigay pa kaya sa iyo iyon ng taong pinakamamahal mo na mahal na mahal ka din kaso pinakawalan mo dahil sa isang malaking kasinungalingan lamang? Isa sa pinaka mahirap na sitwasyon na pakawalan ang taong mahal mo dahil naiipit ka sa sitwasyon ng kapalaran na against sa pagmamahalan ninyo, may mga tao na nagagawa lang naman ang mag letgo at mag sakripisyo na iwanan ang kanilang minamahal kahit na ayaw niyang gawin kaso yun ang tanging paraan lamang para maging maayos ang lahat, na bumalik sa normal ang sitwasyon at mawala ang di pagkakaintindihan, kaso pano pag nalaman mo na ang pinili mong destination na pakawalan siya at sumangayon sa gusto ng iba ay isang malaking kasinungalingan at pagpapanggap lamang, pano kung napaniwala ka sa isang kasinungalingan at kinakailangan mong mag letgo ng mahal mo para lang dito eh isa lang palang palabas at pag lilinlang?! ~ Lucho
Move On? Pano ko malalampasan ito? pano ko makakalimutan ang taong nanakit at nag paasa lang sa kin, pano ko kakalimutan ang taong pinag laban ko sa abot ng makakaya ko na kailanman di niya kayang ibalik at gawin din sa akin yon. Aaminin ko masakit, mahapdi, mahirap, nakakadismaya, halo halo na! dahil sa pag iwan at pag tapon niya lang ng aming relasyon sa kadahilanan na narealize niya daw na di siya bakla at di niya masisikmura na makipag relasyon sa bakla! Na narealize niya na isa lang palang malaking joke ang lahat. Ang sakit malaman yun mula sa mahal mo ng higit pa sa sarili mo. nag kulang ba ako? di ba sapat ang ginawa ko at ibinigay na pagibig para marealize niya na mahal na mahal ko siya!? o dahil lang sa mabilis siya sumuko? Ou alam ko na pinag bawalan niya parents niya pero wala bang pwedeng paraan para di mauwi sa ganito? Lahat ng pwedeng paraan sinabi ko na kaso iniwan niya pa rin ako. ngayon disidido na talaga akong kalimutan siya, kakalimutan ko na ang taong nagpapaalala sa akin na mapait ang pag mamahal, ~ Steven
DREAMS? Kung isang panaginip lang ang lahat ay hindi na ako gigising, dahil nakuha ko na eh, papakawalan ko pa ba? Yung inaakala mong di mapapasaiyo ay maaabot mo pala? Nakakagulat pero I don't care, tutal gusto ko naman ang nanyayari, pangarap ko na maging kami na ngayon kami na talaga eh itatapon ko ba pa? mahal ko ang pangarap ko kaya hinding hindi ako papayag na mawala pa ulit ito sa kin, aalagaan ko to, sisiguraduhin kong di na ito mawawala at panghabang buhay na sa akin na ito. aalagaan ko to ng higit pa sa buhay ko. mahal na mahal ko siya at aalagan ko siya hanggang sa huli. ~ Steve
LOVE? Yung nabubuhay ka sa araw araw na punong puno ng pag mamahal? Yung bawat umaga ay pinananabikan mo dahil gusto mung masilayan ang muka ng iniirog mo. na lagi mung hinahanap hanap at gustong gusto mo na sa iyo lang siya 24 hours. Ang sarap mabuhay ng ganito, walang problema masaya at punong puno ng kilig araw araw, hayss kung tatanungin niyo ako kung out of 100% kung gano ako kasaya ay 101% ang isasagot ko sa iyo, haha! Pero baket ganito kahit na alam kong masaya kami ngayon sa isat isa at wala akong nakikitang problema na makapag hihiwalay sa akin eh naiisip ko pa din na may hangganan to. na ang bawat bagay ay may wakas bilog ang mundo maging ang buhay ng isang tao eh may hangganan din naman diba? kaya natatakot ako, pano kung dumating ang araw na mag hiwalay kami? Pano kung mawala siya? ayokong manyari yun natatakot ako, alam ko may posibilidad na manyari yun dahil di ko hawak ang kapalaran, kaya natatakot ako ayoko mawala siya sa akin mahal na mahal ko siya at di magiging complete ang buhay ko kung sakaling mawala siya sa buhay ko ~ Juancho
MISS HIM? Di ko alam pero lagi nalang naiisip ko na nasan na ba siya? kamusta naba siya? masaya kaya siya? dumating din sa time na nag sisisi ako na sana pala inayos ko agad ang problema nung time na di kami mag kaayos, di sana dumating sa point na halos hindi na kami nag uusap at nag iiwasan, alam ko nasa huli ang pag sisisi kaya nag siisisi ako kung bat ako nagalit sa kanya, kung bat ko siya iniwasan, sana pala inintindi ko nalang siya, sana pala nag usap nalang kami ng maayos at di dumating sa point na iiwasan ko siya, di sana nakasama ko siya nang matagal, I MISS HIM, miss na miss ko na siya, marami akong nagawang masama sa kanya at sobrang pinag sisisihan ko talaga iyon, sana mapatawad niya pa ako, sana mabalik pa ulit ang nakaraan, sana maging mag bestfriend pa ulit kami. SANA ~ James
BINABASA MO ANG
Love Triangle Book 2 (BoyxBoyStory)
RomanceContinuation ng Love Triangle Book 1 :) kung di niyo pa nababasa yung book 1 neto much better na basahin niyo muna bago kayo mag umpisang basahin ang book 2 :) Search it or Link : https://www.wattpad.com/story/30976518-love-triangle-boyxboystory C...