I love you, idol!

498 21 1
                                    

Ara

"Ugggh nakakainis naman! Kung kailan naman kailangan ng internet, saka wala!" Pag mamaktol ko. Nakakainis kasi! Kailangan kong makita ang grades ko kaso walang internet! Three days na to ah!

"Hoy, Vic ano na naman yang isinisigaw mo diyan?" Tanong sa akin ng negra-- este kabarkada ko palang si Kimmy. "E kasi nga, di ko makita grades ko sa portal gawa ng lecheng internet na yan!"

"Hay nako, Daks! Wag ka nga mag paka stress diyan! Panuorin mo na lang yung game ni Kuya Djun mo mamaya! Try mo lumabas, daming gwapo!" Dagdag naman ni Mika, kabarkada ko din.

"Ayoko nga! Hoy kayong dalawa ha, baka naman di basketball pinapanood niyo, baka naman nanlalalake kayo! Nako, isusumbong ko kayo sa mga nanay niyo!" Sagot ko.

"Luh, di ako. Si Mika lang! Crush niyan yung bagong ka team ni Kuya Djun mo, yung intsik. Yung Teng ba yon?" Dagdag ni Kimmy at nabato naman siya ni Mika ng tsinelas. Jusko, ang brutal.

"TENGina ka, Kimmy pakadaldal mo! Pero OMG DAAAAKS! Ang gwapo gwapo niya! Ang galing pa! Sama na natin yung barkada niyang kamuka ng anak ni James Yap!" From brutal to ang dreamy niya real quick.

"Osiya siya, tara na nga manood!" Pag sang ayon ko. "Asus Vic ha? Nakarinig ka lang ng gwapo, go agad! Sumbong kita kay Kuya Djun!" Pang aasar ni Kimmy sa akin kaya naman nabatukan ko siya.

------

Naka dating kami sa covered court at ang dami daming tao. I mean, sanay naman ako manood pero this kind of crowd, wow. As in W-o-w!

"San na ba diyan yung crush ni Daks, Kimmy?" Pag tanong ko kay Kimmy na busyng busy sa pag kain ng meatballs, squidballs, fishballs at punyeta kung anu ano pang balls.

"Ayorn, yorng shingket na mafuteh na magarling mag bashketball." Sagot niya sa akin habang punong puno yung bibig niya. Pero in all fairness, magaling nga siya.

Pumunta kami sa bench nina Kuya Djun nung break ng second half.

"Oh, Vic buti nanood ka!" Pag bungad sa akin ni Kuya at inabutan ko siya ng towel. "Sina Daks at Kimmy kasi e niyaya ako. E since walang internet sumama na ako." Tumango lang si Kuya. "Nga pala papakilala kita sa bago kong team mates."

Kita ko naman na kilig na kilig si Mika habang naka tingin sa topless na si Teng. Samantalang si Kimmy, ayon, chicken skin naman ang tinitira. "Teng, this is Vic." Kumamay naman sa akin si Teng. "Hi, Vic, Jeron Teng. Je or Teng will do." Sagot niya at ngumiti siya kay Mika. "Hi, Mika." Ay, landi agad oh.

"And Torres this is Vic. Younger sister ko." Humarap naman sa akin yung lalakeng mas matangkad lang sa akin ng biri light. Ay shet, Bimby kaw ba yan? "Hi, Vic! Thomas Torres. Thom, Thomas or Torres will do." Sagot niya at nag kamay kami.

Tangina ang gwapo! Bakit ganyan ka ka gwapo, ha? Nakakainis ka! Tao ka pa ba o diyos na? Hustisya sa ka gwapuhan mo nag mukang mangyan si Kuya Djun ko!

"Hoy, Daks! Nakaalis na sila. Back to the ball game na! Ngiti ngiti ka pa diyan." Humarap ako kay Mika at, "tangina daks! Madadalas ata ako sa liga."

Nagkatinginan naman si Daks at Kimmy, "ay dalaga na siya oh!" Sabay nilang sabi.

"Hoy Vic, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Kimmy.

"Oo."

"Nag e-enjoy ka ba, daks?"

"Oo."

"Gwapo ba si Thomas ha, Vic?"

"Oo-- hoy puta kayo nakakainis ha!"

Kakainis! Nahuli ako nung dalawang yun dun ah. Pucha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You, Idol!Where stories live. Discover now