Kim Joong Suk (nasa taas)
------Athena POV
4 hours ang tinagal from Korea to Philippines.
Unti unti ng naglalabasan sa airplane ang lahat.
Habang hinihintay makababa ang lahat napansin kong hindi pa rin bumababa tong katabi ko.
"Bakit hindi ka pa bumababa?" Tanong ko sa kaniya.
"Ayoko makipagsiksikan."
Maikli niyang sagot."Same."
Ayoko ko kasing makipagsiksikan. Hassle.
Biglang nagring yung phone niya.
"Yes."
"Oo. Maraming tao?"
"I thought walang nakakaalam na umuwi na ako?"
"Okay. Okay."
"Fans? Paano?"
Fans? Sikat kaya to?
"Okay. Konti lang naman yata eh"
"May cap naman akong dala eh"
"Okay. Thank you Manger"
Bigla siyang humarap sa akin.
"Sorry. But I have to go. Hindi na kita masasamahan sa labas"
Hindi naman ako nagpapasama sa kaniya eh.
-_-"Ah okay. Thank you ulit."
Kinuha niya na yung bag na dala niya.
Saka nag wave.Ang cute niya lol.
Kinuha ko na rin yung akin at umalis na.
Ang laki na ng pinabago ng NAIA. Last na punta ko dito nung umalis na kami papuntang Korea. Six years old pa lang ako.
Hawak ko na yung maleta ko nang makaramdam ako ng hilo
Hindi pa pala ako kumakain simula kanina.
Nasa labas na ako ng umiikot na yung paningin ko.
Sht.
Nang biglang dumilim
-----------
Joong Suk POV
"Woy!!"
Anong ingay yun? Makalabas nga
"Joong Suk!!" Sabay yakap sa akin.
"Abnoy ka talaga. Para kang tanga ang ingay ingay mo. Kakarating mo lang"
"Di mo manlang ako namiss?"
Tanong niya sa akin."Kadiri ka pre. Hahaha. Kamusta Korea?"
Tanong ko sa kaniya.
"Ayun ayos lang. Umatras pre"
Sabay taas baba ng kilay niya.
"Tuwang tuwa ka pa talaga ah. Bakit daw?"
"Ewan ko dun. Haha. Okay na yun. At least single pa ako ngayon."
"Oy Jackson umayos ka nga"
"Hahahaha mahal mo naman ako eh" sabay yakap sa akin.
"Kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo! Hindi tayo talo"
Sabi ko sa kaniya. Na nakapagpatawa naman sa kaniya.
"Grabe hindi ko talaga alam kung paano kita naging bestfriend. Sa sungit mong yan. At saka wala ka ba talagang nagugustuhang babae? Nagaalala na ako sayo. Na baka hindi babae gusto mo kun- ARAY!"
Binatukan ko siya. Kung ano ano kasi pinagsasabi
"Una hindi ako bakla. Sayang to pare. Kung magiging bakla ako" sabay turo sa muka ko.
"Lul! Basta pare kung may nagugustuhan kang babae sabihin mo agad sa akin ah!"
"Oo na. Pero hindi ngayon"
Hindi naman sa ayaw ko sa mga babae. Wala lang talaga akong nagugustuhan.
"Good. Oy! Bar tayo mamaya baka may magustuhan ka dun"
"Bawal ako ngayon. Nagluto si Mommy. Baka magtampo yun."
Minsan lang kasi ako umuwi ng bahay dahil sa Banda. Minsan din sa shoot.
"Awe. Namiss ko bigla si Tita Mary. Diba galing lang din siyang Airport?"
"Oo. Kaya gusto niyang magdinner kami. Una na ako. Bukas nalang ulit Jack"
"Oy Joong Suk magingat ka! Bye!!"
Pumasok na ako sa kotse ng biglang tumawag si Mommy.
"Hey Mom, how's your flight?"
"Okay lang naman anak. Joong Suk pauwi ka na ba?"
"Yes mom why?"
"Bilhan mo ako ng gamot. Jebalyo (please)"
Patay.
"May sakit ka?"
"Basta bilhan mo ko. Ha? Sige bye na Joong Suk"
Patay talaga. Paano ako makakabili.
Okay may naisip na ako.
Ninja moves.
Good luck na lang sa akin.
BINABASA MO ANG
Idol Meets The Heiress
Teen FictionIsang babae na ang tanging pangarap ay ang maggawa ang mga bagay na hindi niya maggawa dahil sa pinangangalagaang pangalan ng pamilya. At isang lalaki na ang tanging gusto ay mamuhay sa katahimikan ngunit hindi niya makamit dahil sa kasikatan. Paano...