Nasan ka

14 0 0
                                    


Matatamis na salita'y sa iyo'y nagmula

Mga pangakot mga kataga

Binitawan at naniwala

Ako'y naniwala't iniwan ng parang bula

Nasan ka? Ako'y iniwan sa kawalan

Nakatitig sa buwan at nasa isip ang iyong pag ligsan

Akala ko ba'y tayong dalawa'y mag kahawak kamay

Hindi bibitiw at hihiwalay

Nasan ka? Ikaw ang aking kandungan at karamay

Ako'y Pinaniwala sa habang buhay

Ikaw'y lumisan at di nag paalam

Pumasok sa isipan patalim at kadiliman

Nasan ka ? Ikaw ay hinihintay

Kasagutan ba'y tapusin ang buhay?

O huminga sa paligid na walang kulay?

Di man bumalik, ako'y maghihintay habang buhay

Mga Tula at Awitin Para SaiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon