"If you try to hurt anyone in my kingdom, I'll kill you!!!" - HIRRONIE KOISHIKAWA
•••••(Sa kaharian ng Silveriann Kingdom taong 1759)
Lahat ng taga pagsilbi at miyembro ng mataas na uri ng pamahalaan ng bampira ay nagkakagulo sa loob ng bulwagan. Natatakot at nagagamba sa posibleng magiging reaksyon ng kanilang hari at reyna sa oras na makarating sa kanila ang masamang balita. Nasisigurado nilang maaari silang hatulan ng parusang kamatayan, dahil sa kapabayaang pinairal nilang lahat.
Pabilog silang nakaupo sa lamesa at tinatalakay kung paano nangyari ang lahat nang ganoon kabilis nang wala manlang kahit isang nakapansin.
Nakarinig sila ng yabag na nanggagaling sa labas. Lahat sila ay napatayo ng bumukas ang silid at iniluwa nuon ang humahangos na binata.
"Totoo ba ang nabalitaan ko?" Galit na tanong ng makisig na binata sa mga tao sa buong bulwagan. Nagpupuyos sa galit ang binata ng masagap nya ang masamang balita. Kayat nagmamadali syang pumunta rito upang kumpirmahin kung totoo ba ang balita.
Walang ni isang nangahas na sumagot sa tanong ng binata. Lahat sila ay nananatiling tahimik at walang kibo. Napansin ng binata ang pananahimik nila kaya agad nagtagis ang kanyang mga pangil at naiyukom nya ang kanyang mga kamao.
Ang kulay asul nyang mga mata ay naging lila, patunay na naguumapaw na ito sa galit.
"ANASTASIA!!! Nasaan ang mahal na prinsesa?" Nagpupuyos sa galit na tanong ng binata sa tagapagbantay ng prinsesa. Hindi naman magawang makasagot ni anastasia. Pag yuko lamang ang nagawa nyang itugon sa tanong ng makisig na binata.
"GRACHELLA!!!" Tawag ng binata sa kanyang kanang kamay. Rinig na rinig mula sa labas ang pagsigaw ng binata sa loob kaya napapitlag sa gulat ang dalaga nang marinig nya ang pasigaw na pagtawag ng binata sa pangalan nya, nagmamadaling pumasok ang dalaga sa loob ng bulwagan at nakayukong lumapit sa binata.
Grabeng kaba ang lumulukob sa dibdib ng dalaga. Hindi maipagkakailang may labis syang takot sa binata dahil minsan na sya nitong pinarusahan ng matinde at ayaw na nya ulit mangyari iyon.
"Magpadala ka ng mensahe kay Phoenix. Ipaalam mo sa kanya ang masamang balita na nangyayari ngayon dito." Mabilis na tumugon ang dalaga at sa isang iglap naglaho na lamang ito ng parang bula.
Ibinalik ng binata ang atensyon nya sa mga bampirang nananatiling nakayuko parin hanggang ngayon. Tinapunan nya ng masamang tingin ang lahat at malakas nyang sinuntok ang lamesa dahilan upang ito'y masira. Nagulantang ang lahat sa labis na takot.
"Sino ang naatasang magbantay sa mahal na prinsesa bago mangyari ito? SAGOT!" Nanginginig sa galit ang binata habang ang iba naman ay nanginginig dahil sa sobrang takot. Hindi napigilan ni Anastasia na mapaluha sa labis na takot na lumalamon sa damdamin nya.
BINABASA MO ANG
Hirronie Koishikawa
VampireThe royal Princess of the most powerful vampire clan. The missing heir. The next Queen of Silverian Kingdom. The ruiner of prophecy. None other than.... HIRRONIE KOISHIKAWA.