TASTE 17

2K 48 2
                                    

SHIELA

" Hoy Vic! Saan na naman tayo pupunta?! " bulyaw ko sa kanya pagkatapos niya akong itakas sa bahay.. Natural na lang na scenario yun .. Hindi namin tinatago ang relasyon namin ..Nakikita kami ni Daddy kapag umaalis kami..

Nagkibit balikat naman itong kausap ko saka umakbay sa akin ..

" Basta .." sambit niya .. Sinamaan ko naman siya ng tingin .. Last time na sinabi niya yan .. I found myself standing at Roxas Boulevard near the bay side .. Papanoorin daw namin ang sunset .. It sounds baduy but sweet .. Buong hapon lang nami itong pinapanuod habang magkahawak ang kamay namin at nakaakbay siya sa akin.. Tumayo lang ata kami nung parehas na kaming nakaramdam ng gutom ..

"Yung totoo Vic?! Saan nga?! " bulyaw ko sa kanya saka akmang babatukan siya ..


"Oh! Kalma lang.. Basta alam kong magugustuhan mo ito Shie .. " nakangisi siya habang taas baba ang kilay saka inalok sa akin ang kamay niya para sumakay na ako sa kotse ..


"Parang ayaw ko ng sumama .. Mukha kang Manyak .." bulyaw ko dito.. hinigit naman niya ako palapit sa kanya ..

"Grabe ka naman magbintang Shie! Wala kang pruweba!" reklamo niya saka ngumuso .. Hinampas ko naman yung kamay niya na nasa hita ko ..

" Hahaha.. Anu lang yan! Napunta lang jan .. Akala ko kasi .. Anu Hahaha " Awkward niyang tawa kaya tinignan ko siya ng masama ..

" Ewan ko sayo Vic!" bulyaw ko sa kanya saka akmang baba ng sasakyan ng bigla niya akong hilain ..


" Dito ka lang kasi .. Just relax .. Trust me okay .." masuyong sambit niya ..

" Fine .." sagot ko saka bumuntong hininga ..

" Good .." nakangiting sagot niya saka mabilis akong hinagkan sa pisngi at pinasibad na ang sasakyan ..

" Hey! Vic wala na ata tayo sa Maynila .." bulalas ko .. Tumango naman siya ..

" We we're going to Batangas .." sagot nito dahilan para manlaki ang mata ko ..

" Anung Batangas?! Anung gagawin natin dun?!" bulalas ko ulit .. Napanguso naman siya ..

" Don't you remember?! Sixth Monthsary natin ngayon.. Grabe ka Shie! Nakalimutan mo .." parang bata na sambit nito .. Napakagat naman ako sa labi ko .. Oo nga pala! Bakit ko nga ba nakalimutan ang bagay na iyon?!

" Nakalimutan mo?!" bulyaw niya ..binatukan ko naman siya dahil nag-iisip bata na naman siya ... Malay ko ba sa taong ito .. Simula ng naging kami .. Nawala yung pagiging seryoso niya .. Bumalik siya sa pagkabata sa hindi malamang dahilan ..

" Maging matured ka nga!" bulyaw ko sayo .. Sinamaan niya ako ng tingin ..

" Ikaw pa ang nagalit! Nakalimutan mo na nga yung monthsary natin!" reklamo niya ..

" Edi sorry .. Babawi na lang ako sayo .." masuyong sambit ko saka masuyong hinawakan yung pisngi niya ..

" Pwede naman yun Vic right?" tanong ko sa tonong kaakit akit .. Napangisi naman ako ng lumunok siya ng malalim ..

" Pinagpapawisan ka ata Vic .." anas kong bulong saka inilapit ang labi ko sa tenga niya..


" Ah eh .. Shie .. Anu .. Sa bahay na lang tayo dumiretso .. " sambit niya saka ngumisi ng malaki ..

Napakunot Naman ako ng noo ..

"Huh?! Ngayong malapit na tayo sa batangas?! " bulalas ko sa kanya .. Nagkibit balikat naman siya .. Saka nagtaas baba ng kilay ..

AFTERTASTE ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon