Chapter 32

36.2K 819 190
                                    

Chapter 32

"Carlo, I love you."

Marahang iminulat ko ang mata ko nang maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko.

"Putangna lang." Mahinang mura ko habang sapo ang ulo ko nang bigla ako nakaramdam ng sobrang pagkahilo. Shit, hangover.

Mariin kong ipinikit ang aking mata at nanatiling nakahiga muna ng ilan pang minuto. Hinayaan ko muna saglit ang pag-intak ng ulo ko at huminga ng malalim.

Makailang-minuto, sinubukan kong tumayo ngunit agad ding napahiga nang di makagalaw ang katawan ko. Naisubsob ko naman ang mukha ko sa matress na hinihigaan ko nang bumalik sa utak ko ang dahilan kung bakit ako sobrang nanghihina ngayon.

Maya-maya ay narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto ng kwartong kinalalagyan ko.

"You're finally awake." Rinig kong sabi ni Michael na kapapasok lang ng kwarto. "Drink this. This will surely help." Sabi pa nya at may kung anong nilapag doon sa side table.

Mabilis naman sa alas-kwarto kong binato ng unan si Michael. Nanatili parin ako nakadapa sa kinatatayuan ko dahil hindi pa rin makakilos ng ayos ang aking katawan.

Nanlilisik ang mga mata ko nang tingnan ko sya.

"You didn't have to do it until morning, you fcking idiot." Sigaw ko sa kanya at pinamulahan ng mukha sa inis.

Shit, my waist is killing me. I can't even move my body. I'm exhausted all over. Hanggang ngayon, ramdam ko parin ang hugis nya sa loob-loob ko dahil hindi nya ako pinakawalan hanggang sa kusa na akong mawalan ng malay.

Narinig ko syang tumawa. "Hey, don't talk as if you didn't enjoy what we did last night." Sabi nya at naramdaman ko ang pag-upo nya sa kama. "You even screamed for more."

Ramdam ko naman ang paglala ng kapulahan ng mukha ko. Wala akong maisip na maisagot pabalik sa sinabi nya. Ako kasi iyong tipo ng tao na kapag nalalasing ay hindi nakakalimot sa mga ginawa nya.

Tandang-tanda ko pa lahat ng ginawa namin pati na rin ang mga sinabi nya.

'Carlo, I love you.'

Napatingin naman ako sa mukha nya ng maalala ang salitang sinabi nya sa akin kagabi. Totoo ba 'yon? O baka bilang pagkakaibigan lang 'yung tinutukoy nya.

Nagulat ako ng biglang dumampi ang mga labi nya sa labi ko. "Y-You..." Nauutal na sabi ko sa kanya at napatakip sa bibig dahilan para mapangiti sya.

"You looked like you're asking for it." Sabi nya at inilapit muli ang mukha sa mukha ko. "You want more?" Tila nang-aakit na sabi naman nya.

Gusto ko sanang tumanggi at ibinuka ang bibig ko pero walang lumabas na boses. Para bang katawan ko na mismo ang sumasagot na gusto nito ang inaalok ni Michael.

Tumawa naman sya ng malakas sa reaksyon ko at tinulungan akong umupo. Labis naman ang muling ikinapula ng mukha ko dahil doon - binibiro lang nya pala ako.

"I'm going to kill you." Inis na sabi ko naman at binigyan sya ng isang nakamamatay ng tingin.

Di porke't nalaman nya ang nararamdaman ko para sa kanya eh pede na nyang gamitin iyon para asarin ako.

Nakangiting tumingin lang sya diretso sa mata ko sabay sabing, "I won't mind." Sabi nya. Natigilan naman ako sa sinagot nya dahil di ko inaasahan na siseryosohin ang sinabi ko.

Nakalipas ang ilang saglit ay inihilamos ko ang kamay ko sa mukha nya. Di ko kasi nakaya ang tensyon na namagitan sa amin dalawa. Nakangiti man kasi, halata parin sa mukha nya na seryoso sya sa sinabi nya.

My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon