Paano mo ipaglalaban ang taong mahal mo kung ang mismong kalaban mo ay ang oras ?
" Krrrrriiiinnnnnnggggggg " ( ORAS NA NG KLASE )
" late na naman tayo, tara bilisan na natin ! "
Yan ang buhay namin, laging late.. Pero seryoso kami sa pag-aaral :D hindi lang talaga maiwasan ma late,, Simula 1st year college , Sina chame, kean, ang mag jowang sina ged at jaja ,jems kella, at si ate charly. :) Sila yung mga kaibigan ko since lumipat ako dito sa Lyceum of the Phillipines Batangas..
" Late na naman kayo ! "
" Sorry mam " ( sabay- sabay na nagsalita at nagkatinginan na may kasamang patagong ngiti)
" okay.. By the way you will be group into two.. gagawa kayo ng isang research paper at ang babanggitin ko ang magkakagrupo..okay ? "
" yes mam ! " ( ALL THE CLASS)
Habang nagbabanggit si mam ng mga groupings, kinakabahan ako kasi baka ang makagrupo ko ay si Jomar.. Ex Boyfriend ko siya friends na naman kami kaso hindi talaga maiwasan magka alinlangan matapos ng mga nangyari noon.. hindi ko na ikwekwento ang lahat ng nangyari at baka makaiyak na naman ako :P , Pero sana talaga hindi siya...
" chame and kean , kayo ang magpartner ha "
" next is, ged and jaja"
" yeah ! buti na lang ! :D rak na ituu ! "
" QUIET ! "
" okay.. let's continue.. jems and kella kayong dalwa ang magka group"
" charly, ikaw na bahala mamili ng kapartner mo kasi hindi equal ang no. of girls and boys dito sa section nyo "
" okay po mam "
" Last group is.. Nhoraiza and ..... "
" Lord, wag si jomar please... " ( pabulong na sinabi)
" Okay, Nhoraiza and jomar "
" tsk ! SHIT ! .. kamalas malasan naman oh " ( pabulong na sinabi )
" okay.. that's all. goodbye "
" goodbye mam "
AT THE CANTEEN
" Ganda ng Groupings noh ! haha , diba nhorai? "
" Che !! >.< "
" haha, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig "
Kamalas malasan ang araw na ito, kung sino pa yung taong iniiwasan ko sya pa yung kasama ko sa research.. haaayyyy
"tooot ! " ( may nagtext )
" musta bhest ? "
" okay lang , eto badtrip.. "
" bakit ? "
" kasi naman si jomar ang kapartner ko sa research "
" haha, nako ! HALA ! hayaan mo na lang. tapusin nyo na lang agad para hindi mo na din sya makasama :) smile na bhest "
" opo ! THANK YOU BHEST :) "
Yan nga pala ang bestfriend ko si kevin, highschool pa lang, kaibigan ko na yan., siya yung taong laging nandyan para pangitin ako :) the best na bestfriend yan sa lahat kasi siya yung tipo ng taong kahit alam nya na wala akong problema nandyan pa din siya sa tabi ko. :) pero magkaibigan lang kami nyan ha, MAGKAIBIGAN :)