Kandyl's POV
When I get chills at night
I feel it deep inside without you, yeah
Know how to satisfy
Keeping that tempo right without yo-----Pinindot ko agad yung dismiss sa alarm ng cellphone.Bumangon na rin ako kaagad para makapasok ng maaga. Habang naliligo ako kinakanta ko yung Love Myself ni Hailee. Kanta ko kasi to sa sarili ko. Even though mukha akong kawawa sa school, alam kong malalampasan ko rin yon. Ako nga pala si Kandyl Misty Iverson. 4th year highschool. Mahina, mahinhin, tahimik at walang maituturing na tatay dahil laging absent si daddy pagdating sa pagiging mabuting tatay. Kahit maraming problema si mommy ay nakakabond ko parin siya. Di tulad ni daddy.
Aaminin ko, umaabot ng 15 minutes ang pagligo ko at pagkatapos nun ay nagbihis na ako at nag-ayos.
Pagka-baba ko sa kitchen wala si mommy. Pero si manang andun. Naka-luto na rin si manang at kumain na ako. Ayoko nang magtagal dahil baka maabutan pa ako ni daddy dito. Pagtapos ko kumain ay nagpaalam na rin ako kay manang.
Habang naglalakad ako, may nakasalubong akong matandang lalaki. Kasama niya ata yung anak niyang babae o apo. Sana ganyan din si daddy. Sana hindi nalang niya niloko si mommy... Tumulo na yung luha ko nang hindi ko napapansin.
"Huy!" Pagkatalikod ko nakita ko si Zaph. Mukhang kanina pa siya pero hindi ko napansin.
"Ay! Oy! Andyan ka na pala." Habang sinasabi ko yan, pinupunasan ko yung luha sa cheeks ko para hindi na niya mapansin.
"Kanina pa ako dito Kandyl. Don't tell me napuwing ka lang?" Naka-poker face siya ngayon kaya natawa ako.
"Ikaw talaga. Hahaha! Oo na. Naluha lang ako. Naalala ko kasi si daddy." Pagku-kwento ko sakanya.
"Walang permanente sa mundo kaya pati yang daddy mo magbabago din yan." Alam kong pinapagaan niya yung loob ko.
"Lika na nga. Ako maiiyak sayo eh!" Hinila ko na rin siya para hindi na magreklamo.
Magkasabay kaming pumasok sa gate ni Zaph, nakakatuwa. Nakakatuwang isipin na may kaibigan akong katulad niya, matapang, mabait, mapagmahal, mapagkakatiwalaan, maalalahanin, matulungin, kung tutuusin para sakin siya yung tipo ng babae na maituturing mong prinsesa.
Habang naglalakad kami, napansin kong andaming nakatingin samin.
"Diba silang dalawa yung nakipag-away sa canteen kahapon?" Bulong nung isa dun sa kaibigan niya.
Binulungan ako ni Zaph na wag nalang pansinin at sinunod ko naman siya kaya wala na ring nagbulungan pa. Nang makaakyat kami sa hadgan papuntang room ay madaming students na may hawak na iba't-ibang instruments. Nauna na si Zaph sakin dahil hahanapin ko pa si Lou.
"Misty? Misty!" Nung una nagtaka pa si Lou kasi nakatalikod ako pero nang humarap ako ay tinawag niya ulit ako.
"Lou!" Tawag ko pabalik. May tatanong sana ako pero nakita ko naman na dala na niya yung instrument, which is guitar.
"Dala ko na!" Sabi niya habang pinapakita yung guitar.
"Pansin ko nga eh. Pasok na tayo, parating na si ma'am oh!" Yun lang nasabi ko kasi nakita ko nang malapit na si ma'am.
Pagkapasok ni ma'am agad nag-good morning lahat at nagsalita na si ma'am.
"Good morning too. Class, iyang mga instruments na dala niyo ay gagamitin sa pagpe-perform niyo rito sa harap." Pagtapos mag-explain ni ma'am ay agad namang nagreact mga kaklase ko na hindi raw sila ready.
"Class! Settle down. Alam kong hindi kayo ready, kaya kung hindi niyo kayang itugtog yang instrument na hawak niyo, kahit kumanta nalang kayong dalawa." Nakahinga naman kami ng maluwag.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
HumorWhat if you encounter someone that you'll be sharing your future with? At paano kung hindi lang siya basta-bastang tao? Na siya pa yung..... What if you need to do something about this book? At paano kung kailangan kasama siya? And what if both of y...