******
Abby's P.O.V
Hindi na kita ginising baby, may emergency kasi sa manila kailangan kong lumuwas ng maaga, saka ang sarap ng tulog mo, napagod ka ba? I'll call you later.
after kong mabasa ang txt ni tina ay nag palit na muna agad ako ng damit, gutom talaga ko ngayon, sa hotel na lang ako mag bre-breakfast at iinom
ng kape, hindi ko alam pero kahit
kelan ay hindi ko mainom-inom ang kape na ako mismo ang nag timpla.Malayo palang ako ay tanaw ko na ang grupo ni elise na masayang nag lalaro sa dagat.
"Abby ikaw nga ba yan iha?"
Agad ko naman itong nakilala,
mama ni elise."Oho ako nga po, kamusta po ang pag e-stay nyo dito sa Hotel."
"Ok na ok naman iha, halika at kumain ka na dito marami kaming niluto."
Nahihiya man ay pinaunlakan ko sila, agad naman akong sinalinan ng papa ni elise ng kape, naipikit ko pa ng bahagya ang aking mga mata pag ka langhap ko ng aroma nito.
"Alam mo ganyan-ganyan si elise kapag naaamoy ang kape," sabi ng papa nya na nangingiti.
"Hindi pa nga po ako nag kakape eh! Actually po kaya ako pumunta dito sa hotel para mag breakfast," nahihiyang sabi ko.
"Tamang tama pala ang pag aya ko sayo iha."
"Oo nga po salamat po."
Agad naman silang nag hain ng ibat-ibat klase ng ulam at inihaw, inilapag nila yon sa mesa, nakaramdam naman agad ako ng gutom, kaya nag sandok
na ako."Sabay na po kayo sa akin," pag aya ko.
Agad din silang kumuha ng plato nila at masaya kaming kumain at nag kwentuhan.
"Ate ganda" sigaw ng batang makulit.
Agad naman akong lumingon dito, patakbo itong lumapit sa akin at niyakap ako.
"Hello little princess."
"Hello din po ate ganda," sabay upo sa tabi ko.
Nag ngitian nalang kami ni tim,
Umupo na din sya pati yung kasama nyang lalaki, nag sandok na din sila
ng pag kain nila."Oh my bisita pala tayo?" maarteng sabi ni chad.
Napatingin naman ako sa kanila lalo na kay elise na seksing-sexy sa suot nitong swimsuit kaya lang ay natatakpan na ang ibabang bahagi
nito, kaya hindi ko na makita ang magagandang hita nya."Tunaw na sya oh." imik ni ivon
Hindi ko alam kung sino ang sinasabihan, basta nalang kasi itong naka ngisi sa akin.
Umupo na din sila para kumain, si baby abby ay nasa kanan ko, samantalang si elise ay nasa kaliwa ko. Katapat ko naman si chad at ivon na kulang nalang ay mapunit ang mga labi dahil sa laki ng pag kaka ngiti nila.
Masaya namin natapos ang umagahan, walang nag bubukas ng topic about sa past namin ni elise, mga simpleng kwentuhan lang ang napapag usapan.
"Abby kamusta kana?" Pukaw ni
elise sa pananahimik ko."Ok naman." tipid kong sagot.
"Ikaw kayo ni Tim kamusta na?
Tanong ko pero hindi ako sa ka nya nakatingin."Ok naman masaya, happy si baby abby." Sabi nya.
Humarap ako sa ka nya at binigyan ko lang sya ng tipid na ngiti.
BINABASA MO ANG
Love or Lust (GxG Completed)
RomanceElise Mae Santos... Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa transferee student na si Abbigail Suarez. Nahihirapan syang aminin sa mga kaibigan nya, lalong-lalo na sa sarili nya na mahal na din nya ang dalaga. Naging makasarili at nawal...